Hindi ko pa rin maatim kung bakit nandito si Adeline ngayon sa Anniversary ng kompanya at kung bakit lasing siya. May balak na naman kaya siyang masama? Dahan-dahan nang naglakad si Adeline palapit sa gitna habang nakatigil ang lahat. May bahid ng pag-iyak sa mga mata niya ngayon kaya hindi ko alam kung ano ang nangyayari. “Adeline, what are you doing?” Naglakad na si Ace palapit sa kaniya. “Stop it!” “Oh, my lovely fiancé, how are you doing!?” “Call the security!” Napatingin naman kami nang sumigaw ang daddy ni Sir Ace na si Sir Confiado. May mga lumapit nang security guards sa kay Adeline pero pinigilan naman ito ni Sir Ace. “There is no need for that.” Mabuti na lang talaga dahil walang pinapasok na paparazzi dito ang kompanya para iwas na rin sa public attention pero may mga ib

