Pinihit na ni Mira ang doorknob para lumabas nang bigla naman na siyang napatigil at napalingon sa akin. “Chan, sama ka.” “What about me—” “Stay there! May pag-uusapan kami,” putol ni Mira sa pagsasalita ni Adeline. Kaagad na lang akong sumunod sa kanilang tatlo hanggang sa makarating na kami sa opisina ni Mira. Halatang wala sa mood si Mira kaya hindi ko alam kung ano ang mangyayari. Bothered din kasi ako nang malaman kong buntis si Adeline at si Sir Ace ang ama. Para akong tinusok ng ilang barbeque sticks. “Settle down,” walang-ganang usal ni Mira kaya umupo na silang tatlo sa couch habang ako naman ay nakatayo lang dito sa gilid. “Care to explain, Ace?” seryosong tanong ni Sir Spencer sa kaniya. Napahawak naman si Sir Ace sa kaniyang sentido sabay masahe rito. “I…don’t know. I was

