Habang pabalik kami ngayon ni Sir Ace sa kompanya ay hindi pa rin siya umiimik tungkol sa nangyari kanina. Sana naman ay huwag ma-hospital si Mr. Monteblanca dahil sa ginagawa niya. "S-salanat po, Sir..." Kahit na alam kong hindi trip ni Sir Ace makipag-usap ay nagpasalamat pa rin ako. Binabastos na kasi ako ng lalaking 'yon at hindi ko naman akalain na ipagtaranggol ako ni Sir Ace kahit na hindi na matuloy ang sa investor na 'yon. "I told you already, I don't want anyone to disrespect any of my staff. It's like disrespecting me as your boss," tugon niya. Napangiti naman na ako at hindi na lang pinansin si Sir. Nang makabalik kami sa kompanya ay kaagad siyang pinatawag ng chairman habang iniwanan niya naman ako ng maraming trabaho. Medyo naging maginhawa ang buhay ko ngayon dahil walang

