Kasalukuyan kaming nasa byahe ngayon ni Sir Ace. Pagkatapos niya kasing lumabas aa bahay nila ay kaagad ko siyang sinundan at nandito na kami ngayon, palabas ng city. "Hindi ko akalain na gano'n ang mga nangyayari sa buhay ni Adeline..." "Me too, that was sudden." Marahan ko nang hinawakan ang kamay ni Sir Ace dahil unti-unti nang bumibilis ang pagpapatakbo niya at alam kong galit na rin siya. "Kumalma ka lang, Sir. Magiging okay rin po ang lahat, hindi man ngayon, pero magtiwala lang tayo." "Thank you, Chan." Inihatid na ako ni Sir Ace pabalik sa dorm dahil kakausapin niya pa raw si kaniyang Lolo at Daddy. Sinabihan ko na lang din siya na huwag masyadong magpadala sa kaniyang nararamdaman dahil mahirap na. "I'll fetch you here tomorrow, Chan, okay? Don't worry, babawi ako sa'yo."

