Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa St. Clement's hospital. Taga rito kasi ang bagong personal doctor ng pamilya ni Ace kaya naman ay dito na niya ako dinala para magpacheck up. "Do you think we will have a twin, Mahal?" "Hmm..." Napangiti naman na ako sa kaniya. "Sana nga, Mahal. Sa laki ba naman nitong tiyan ko, hindi ako papayag na isa lang ang laman nito," biro ko pa sa kaniya. Magsasalita pa sana ulit si Ace nang bigla namang lumabas si Doc Smith habang bitbit ang resulta. Nagkatinginan na lang kaming dalawa ni Ace dahil kinakabahan din naman kami sa magiging resulta. "Mr. and Mrs. Villafuerte, I was really shocked about the results of your ultrasound," aniya sabay upo pabalik sa kaniyang desk. "After some examination, we found out that you guys are having...triplets!" T-riplet

