CHANDRIA Nagising ako dahil sa ibang scent na naaamoy ko sa buong kwarto namin. Iminulat ko ang mga mata ko at napangiti nang makita ko si Fabiano na nasa harapan ko habang may bitbit na breakfast at bouquet of lilies. "Good morning, babe." Bahagya akong napangiti sa kaniya. “Good morning. Ang aga mo naman…” “Of course, babe. You know I love surprises,” aniya sabay ngiti sa akin. Hindi kasi siya naka-uwi kagabi pagkatapos ng party kaya mukhang bumabawi naman siya ngayon. Ganito naman palagi ang ginagawa ni Fabiano lalo na kapag abala siya sa kaniyang trabaho. Dahan-dahan na akong bumangon at tinanggap ang bulaklak. “Wala ka na bang work ngayon? You know Gab is demanding for a whole time with you.” “Hindi pa rin ako pwede, babe.” Tumayo na siya sabay bukas ng kurtina dahilan para map

