TULALA si Sabina sa kaniyang silid. Walang patid ang kanyang luha. Pakiramdam niya ay mababaliw na siya. Halos isang araw na siyang hindi kumakain at ang tanging ginagawa lang niya ay ang magkulong sa bahay nila. Hindi na rin siya pumapasok sa eskwelahan. Anong silbi pa ng kanyang pag-aaral kung wala na ang kanyang inspirasyon. Patay na si Dario. Wala na ito... -----***----- "A-ANO pong sabi niyo?" Hindi makapaniwalng tanong ni Olga sa pulis na kausap niya. "Tutulungan niyo akong makaalis dito?" Tumango ang pulis sabay ngiti. "Oo. Alam ko naman na wala kang kasalanan, eh. Hindi ka nararapat dito." Nabuhayan ng pag-asa si Olga. "Talaga po? Pero paano?" May inilabas na susi ang pulis. Tinanggal nito ang pagkakakandado ng pinto ng pinagkukulungan niya. Bahagya nitong iniawang ang pinto.

