LESSON 02- Daughter To Father

1339 Words
"HINDI ka pa ba uuwi, Elizabeth?" Napalingon si Eliabeth sa taong nagsalita sa kanyang likod. Doon ay nakita niya si Dario. Nakangiti sa kanya ang lalaki habang nakapamuksa ang dalawang kamay nito. Naglakad ito palapit sa kanya. Hindi niya napigilan ang pagbilis ng t***k ng puso niya nang makita na naman niya ang gwapong mukha ng kanyang nobyo. Isang buwan na ang kanilang relasyon ngunit hindi pa rin siya makapaniwala na niligawan siya ni Dario. Hindi pa rin siya sanay sa presensiya nito. Naiilang pa rin siya kapag magkasmaa sila dahil ang pakiramdam niya ay tinataasan lamang siya ng kilay ng lahat dahil sa siya ang girlfriend ni Dario. Napakataas kasi ng tingin niya dito na dati ay tinatanaw lamang niya sa malayo. Sikat ito sa kanilang eskwelahan. Hindi naman lingid sa kanya na isang weirdo ang tingin sa kanya sa Wellington High School dahil aloof siya at palaging nag-iisa. "Dario, anong ginagawa mo dito?" tanong niya. Mag-isa siyang nakaupo sa bench na nasa harapan ng library. "Ikaw yata ang dapat kong tanungin niyan. Bakit 'andito ka pa? Uwian na, ah. Ninanamnam mo ba ang hangin ng Wellington dahil isang linggo ang suspension na ipinataw sa iyo?" may halong biro na turan ni Dario. Huminga ng malalim si Elizabeth sabay tingin sa kawalan. "Ayoko pang umuwi. Hangga't maaari, ayoko pa..." Makahulugan niyang sagot. "Ano'ng ibig mong sabihin?" "Ha? W-wala. Eh, ikaw, anong ginagawa mo dito?" "May pinag-usapan lang kami ni Joshua. Kilala mo naman siya, 'di ba?" Tumango si Elizabeth bilang pagsagot. Isang beses ay naipakilala na sa kanya ni Dario si Joshua. Bestfriend ng kanyang nobyo si Joshua. Magkababata ang dalawa. "Hindi ka pa ba uuwi?" basag ni Dario sa kanyang pananahimik. "Mamaya na siguro..." "Kung hindi ka pa nagugutom, mas mabuti pa na kumain na lang tayo sa fast food. My treat!" "Ano ka ba, 'wag na. Gagastos ka pa, eh." "I insist. Tara na at baka mapagkamalan pa tayong multo dito!" biro ni Dario sa kanya. Nasabi siguro nito iyon dahil sila na lang dalawa ang tao sa eskwelahan. Hinawakan siya ni Dario sa kanyang kamay at hinila patayo. Napakainit ng kamay nito. Tila may ilang libong boltahe ang biglang gumapang sa buo niyang katawan nang dumampi ang balat nito sa balat niya. ----- *** ----- "SALAMAT sa libreng burger at fries, Dario. Sa susunod, ako naman ang manlilibre..." nakangiting turan ni Elizabeth sa kanya. Nasa tapat na sila ng bahay ng una at katatapos lang nila na kumain sa bagong bukas na burger house malapit sa Wellington High School. Mangha na napatitig si Dario kay Elizabeth. Napansin niya na tila nailang si Elizabeth sa paraan ng pagkakatitig niya dito kaya naman nag-iwas ito ng mukha. "M-may dumi ba ako sa mukha?" nakaiwas ang tingin na tanong ni Elizabeth. "Wala. Nakakagulat lang na ngayon lang kita nakitang ngumiti. Napakaganda mo pala kapag nakangiti ka. Kaya kung ako sa iyo, palagi mong gawin iyan... ang ngumiti." Namula ang pisngi ni Elizabeth. "Binibola mo ba ako?" "Of course not. Girlfriend kita kaya natural lang na purihin kita." "Dario, sigurado ka ba talaga dito?" "Saan?" "Sa pakikipagrelasyon sa akin..." "Oo naman." "Eh, kasi... parang ang alangan ko sa iyo. Hindi naman siguro lingid sa kaalaman mo na marami ang humuhusga sa atin lalo na sa akin dahil sa relasyon natin." Hinawakan ni Dario ang baba ni ELizabeth at ipinaling niya ang mukha ng kanyang nobya paharap sa kanya upang magtama ang kanilang mga mata. "Elizabeth, siguradong-sigurado ako sa iyo. Hindi ako pumapasok sa isang relasyon nang hindi ako sigurado. Ang gusto ko lang na gawin mo ay maging bingi at bulag sa lahat ng naririnig at nakikita mo nang sa gayon ay hindi ka masaktan." "D-dario..." tila hindi makapaniwala si Elizabeth sa sinabi niya. Matagal na nagtama ang kanilang mga mata. Unti-unti ay gumalaw ang mukha ni Dario pababa sa kanyang mukha. Akmang hahalikan na niya si Elizabeth nang biglang maramdaman niya ang kamay ni Elizabeth sa kanyang dibdib. Bahagya siya nitong itinulak sabay ng pag-iwas ng mukha nito sa kanya. "D-dario... 'Wag muna," pigil sa kanya nito. Inilayo ni Dario ang kanyang sarili at ngumiti. "Naiintindihan ko. Sige na. Pumasok ka na at masyado nang malalim ang gabi..." "S-salamat ulit. Good night. M-mahal k-kita..." nahihiyang sabi sa kanya ni Elizabeth. "Mahal din kita!" sagot naman niya dito. Tumalikod na si Elizabeth upang pumasok sa loob ng bahay. Nang wala na ito sa kanyang paningin ay saka pa lamang siya umalis upang umuwi na rin. ----- *** ----- "BOYFRIEND mo ba ang lalaking iyon?" Natigilan si Elizabeth sa pagpasok sa kanyang kwarto sa tanong na iyon ng kanyang ama na si Lucas. Sandali siyang napatitig sa sahig. Napagdesisyunan niyang huwag na lamang sagutin ang tanong na iyon ng kanyang ama. Akmang ihahakbang niyang muli ang kanyang mga paa nang bigla na naman itong magsalita. "Hindi ba at sinabi ko sa iyo na huwag kang makikipagnobyo?" dumadagundong ang maawtoridad nitong boses. Malaking lalaki ang kanyang tatay. "H-hindi ko po nobyo si Dario," pagsisinungaling niya. "Kaklase ko lang siya, 'tay." "Bakit inihatid ka niya?" usisa nito. "Nagkataon lang po na nagkasabay kami sa daan." "Siguraduhin mo lang, Elizabeth, kundi'y malilintikan ka sa akin pati na ang lalaking iyon!" sabi nito. "Oo nga pala, wala ang Nanay Thelma mo. Isinama siya ng amo niya sa Maynila. Tatlong araw siya doon." Nakagat ni Elizabeth ang kanyang pang-ibabang labi sa sinabi ng kanyang tatay. Ayaw niya kasi na sila lang dalawa ng kanyang tatay ang naiiwan sa bahay. Isang katulong sa isang mayamang pamilya ang kanyang Nanay Thelma. Sa umaga ay umaalis ito ngunit bago gumabi ay nauwi rin ito sa kanila. Hindi na siya sumagot. Tuluyan na siyang pumasok sa kanyang silid. Hindi kalakihan ang kanyang kuwarto. Isng maliit na kama, maliit na lamesa at isang aparador lang ang bagay na naroon. Hindi naman kasi sila mayaman kaya nga nangangatulong ang kanyang nanay. Inilock niya ang pinto ng kanyang kwarto. Ipinatong ang kanyang school bag sa lamesa at tila tinatamad na ibinagsak niya ang kanyang katawan sa kama. Tumitig siya sa kisame. Blangko ang utak. Hindi niya alam kung gaano siya katagal sa ganoong posisyon. Napapitlag na lamang siya nang marinig niya ang pagtawag ng kanyang tatay. "Elizabeth, lumbas ka na diyan. Kakain na tayo!" Hindi siya sumagot. Patuloy sa pagtawag ang kanyang ama hanggang sa tumigil na ito. Marahil ay napagod na ito. Ipinikit na lang ni Elizabeth ang kanyang mga mata hanggang sa mahulog siya sa malalim na pagtulog... ----- *** ----- NAGISING si Elizabeth nang makarinig siya ng tunog ng seradura ng pinto na tila pinipilit na buksan. Alas-dose na ng gabi at alam niyang ito na ang oras ng pagsalakay sa kanya ng demonyong gabi-gabi ay pumapasok sa kanyang kwarto. Kahit gabi-gabing nagpapakita sa kanya ay demonyo ay hindi pa rin naiibsan ang takot na kanyang nararamdaman kapag nakikita niya ito! Nakakatakot ang naturang demonyo! Ipinikit ni Elizabeth ang kanyang mga mata sa labis na takot. Pinigilan niya ang pagkawala ng isang pagtili sa kanyang lalamunan nang marinig niya ang pag-ingit ng pinto. Kahit nakatalikod siya sa gawi ng pinto ay alam niyang nabuksan na ng demonyo ang pintuan. Narinig niya ang yabag ng mga paa na papalapit sa kanya. Nagkunwari siyang natutulog. Napapitlag si Elizabeth nang maramdaman niya ang paghaplos ng kamay ng demonyo sa kanyang braso. Nakakapaso ang kamay nito. Nakakakilabot! "Elizabeth..." paanas na tawag ng demonyo sa kanya. "Napakaganda mo, Elizabeth... Akin ka lang... Akin ka lang!" "H-huwag..." Hindi na napigilan pa ni Elizabeth ang hindi makiusap dahil sa takot. "Masanay ka na, Elizabeth..." anas pa rin ng demonyo. Binigyan siya nito ng maliliit na halik sa kanyang braso na lalong nagdulot ng kilabot sa kanya. Marahas siyang itinihaya ng demonyo. Pumatong ito sa kanya at mula sa sinag ng buwan na nanggagaling sa labas say nakita niya ang mukha ng demonyo. Nakangisi ito at puno ng pagnanasa ang mukha nito. "T-tatay... Huwag po. M-maawa ka..." patuloy niyang pakiusap. "Masanay ka na, Elizabeth!" muli nitong sabi at bigla siya nitong sinibasib ng halik sa kanyang leeg.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD