"D-DARIO... Pwede ba tayong mag-usap?" Napatigil sa pagkain sina Dario at Olga nang lapitan sila ni Elizabeth. Oras iyon ng recess at nasa canteen sila. Muntik nang hindi makilala ni Dario ang dating nobya nang makita ito. Bahagyang magulo ang buhok nito at nangangalumata ang mata nito. Halatang ilang gabi na itong hindi nakakatulog ng maayos. Inilagay ni Dario ang hawak na sandwich sa platito at seryosong tiningnan siElizabeth. "Wala na tayong dapat pang pag-usapan, Elizabeth. Tapos na tayo, okey?" madiin nitong sabi. "Parang awa mo na, Dario... Please..." pagmamakaawa ni Elizabeth. Ngunit hindi siya nadala sa pagmamakaawa nito. Naramdaman ni Dario ang pagpisil ni Olga sa kanyang kamay. Tumingin siya sa nobya at tumango ito sa kanya. Alam niya ang ibig sabaihin ni Olga. Nais nitong k

