Chapter 4
*after two weeks*
Nang magising ako ay agad akong bumaba. Geez! Bat ko nakalimutan na ngayon ang alis niya?
Nang makababa na ako ay nakita ko siyang paalis na. Agad akong sumigaw
"Kailangan mo ba talagang umalis?!" Napahinto siya at lumingon saakin. Agad siyang ngumiti nang makita ako. Tumakbo ako papalapit sakanya at niyakap siya.
"Akala ko di kana makaka-abot" natatawang sabi niya
"Maraming namamatay sa maling akala, tanda" napa-iling naman siya
"Ipangako mo saakin Sazunne na pagbalik ko mas malakas kana saakin" tumango ako "Palakas ka Sazunne" sabi niya saka humiwalay sa yakap
"Madame. Ready na po ang sasakyan" sabi ni Butler Salvo.
Siya yung inatake ko nung una palang ako dito. Pinaliwanag niya din na hindi siya isang dummy. Sadyang well trained lang siya at hindi siya mahihimatay sa ilang suntok lang
"Mag-iingat ka tanda. Magkikita pa tayo" tumango siya at ngumiti saka umalis na.
"Young lady, kumain na po kayo. May klase pa po kayo" siya naman si Aandy Reuland siya yung babaeng pinipilit akong kumain.
Tumango na ako saka nagtungo sa dining room. Simula ngayon papasok na ako. Kasama ito sa mga kondisyon ni tanda.
"Bakit ako pa!? For all of the people around the world why did you choose a kind of girl like me? Alam mong mahina ako, duwag ako! May mga taong mas magaling pa saakin. Mga taong mas kaya siyang protektahan . I'm telling you, you can't trust me" dagdag ko. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko saka ngumiti
"Yes, you're right. I don't trust you" agad akong napatawa nang hilaw.
"Pinaglololoko mo ba--"
"But I trust my instinct"
Natahimik ako.
"But... but what if your instinct is wrong" ilang segundo ang lumipas bago siya nakasagot
"I don't care. Nangyari na ang nangyari. There is no way I can go back to the past and change it. All I do is accept it and learn from it"
Sinabi niya saakin kanina na kaya niya ako gustong pumasok ay para mabantayan ko ang kanyang apo. Ang taga pag mana nang trono si Aiken Wein Hassler
Bestfriend lang pala ni Aiken si Nobody or should I say Nathan Andersen. Saktong binibisita niya si Tanda nung araw na yun
At ang usapan ay babantayan ko siya sa loob nang dalawang taon. Bahala na daw ako kung magpapakita ako sakanya o hindi.
Twenty years old na kasi siya. At kapag twenty-two na siya ay ipapasa na sakanya ang trono. Meaning, magiging Mafia King na siya
"Kailan pala ako papasok?"
"Monday next week"
"What?!"
-*-*-*-
-Hassler Academy-
Entering a school again never crossed my mind. Never! Pinakita na saakin ni tanda ang pictures niya. Naaalala ko pa na grabe ang ngisi ni tanda habang pinapakita saakin ito. Weird right?
I admit that he's handsome. But sad to say, he is cold blodded at sabi pa ni tanda may pagka demonyo ang apo niya. Normal for the next Mafia King.
Anyway, I'm now Samora Sazunne. 19 y.old. Mother and Father- deceased
Huminga muna ako nang malalim bago pumasok sa magiging school ko for 2 years.
At sa loob nang two years gusto ko maging normal ang buhay ko. I already told myself not to cross his path or else I am dead meat.
Okay na ako na bantayan siya sa malayo at iligtas siya kapag nasa kapahamakan. I'll finish this mission without his knowing.
Habang naglalakad ako ay walang nagbibigay pansin saakin. And that's good for me. May kanya kanya silang gawain sa buhay nila. And they don't have anytime for me. Also me to them
Ganun parin pag pasok ko sa magiging classroom. Umupo ako sa pangalawang upuan mula sa likod na malapit sa bintana.
"Newbie right?" Tanong nang isang babae pagka-upo ko
"Yeah" bored kong sabi.
Inikot niya ang upuan na nasa harap ko at umupo doon
"Nice to meet you. I'm Vergne Wilhelm. And you are?" Tinignan ko siya at ang kamay niya. Ilang segundo pa ang lumipas bago niya binawi ito.
"Hehehe. It's okay. Normal lang naman yan sa isang newb--"
"Samora" biglang nagliwanag ang mukha niya at napangiti nang sobrang lapad
The last thing I knew is we're talking to each other. But honestly, siya lang ang nagsasalita. Tango o dikaya oo at hindi lang ang sagot ko.
Napatigil lang siya nang dumating ang prof namin.
"Okay class. Before I start the lesson. I want the newbies to introduce themselves"
Napa sigh nalang ako. Mawawala pa ba ito? Marami rami din kaming mga transferrers. And i don't give any care about them
"Meron pa ba?" Tanong nung teacher. Magsasalita na sana ulit siya nang itaas ni... ni... whatever ang kamay niya
"Ma'am! Meron pa po!" Sabay turo niya saakin. Pahamak talaga oh!
Tumayo na agad ako bago pa sila magtinginang lahat saamin, i mean saakin
"Samora Sazunne" plain kong sabi at umupo na ako
"Shy type, huh" sabi nung teacher at nag-umpisa nang magklase
~¤~¤~
It takes 2 hours bago natapos ang klase namin. Agad akong ginuyod ni whatever sa cafeteria nang palabasin na kami
"What food do you like"
"Anything you prefer"
Tumango naman siya at umalis na. Naiwan akong naka-upo sa table for two.
Ang ingay naman dito. Diba nila kaya ang kumain na hindi nagsasalita?
After a couple of minute dumating narin si whatever na may dalang pagkain. Malamang.
"Favorite food ko ang in-order ko saiyo. Hope you like it" nag-umpisa na akong kumain dahil gutom ako.
Habang kumakain ako ay hindi mawawala ang madaldal kong ka-table.
"Alam mo ba kung bakit naging favorite ko yan? Kasi yan ang unang niluto saakin ni daddy. Wala kasi si mommy nun ei, kaya no choice si daddy. Nakakatawa nga siyang magluto! Btw. How it taste?"
"How it taste?" balik kong tanong sakanya. Napakunot naman ang noo niya pero sumagot parin
"Hmmm. Taste good"
"Then stop asking and talking, will you?" Naiinis na sabi ko sakanya. Tinaas naman niya ang kamay niya
"Chill. Madali naman akong kausap Sam" napa rolled eyes ako nang paikliin niya ang pangalan ko. Feeling close?
Agad kong tinapos ang kinakain ko. Nang matapos ako ay nagpasalamat ako kay whatever sa treat niya. Pagtayo ko ay agad natahimik ang lahat na siya namang pagbukas nang glass door nang cafeteria
Agad akong napalingon sa mga grupo nang mga lalaking kakadating lang.
Black Phoenix
If my memory serves me right, that old woman said that they are composed of four members and their leader is her grandson. At kasama si Nathan sa grupo
And also, pinakilala na saakin ni tanda ang apat na ito ei. Yung dalawang lalaki lang talaga ang hindi ko maalala.