Chapter 23 Samora Pov "Mom! Dad!" Sabay nilang sabi at tumakbo papunta sa pwesto ko. Napalingon ako sa aking likodan at nakita ko ang dalawang mag-asawa na todo ang ngiti nang makita ang kanilang dalawang anak Gaya nung batang lalaki ay malabo din ang mukha nung dalawa. Tanging ang mukha lang nang batang babae ang malinaw Mom? Dad? Pinilit kong alalahanin kung anong itsura nang mga magulang ko, pero wala talaga akong maalala. Ang tanging naaalala ko lang ay sina Tito Alex at Tita Yana na magulang ni ate Illiana at tumayong naging magulang ko since my mom and dad died. "My Princess Jacquie!" Ang tanging narinig ko nalang at nagbago nanaman ang buong paligid "Jacq! Gising na!" Ate Illiana...? Unti-unti kong naimulat ang aking mga mata nang magising ako. Nang tuluyan kong naimulat ang

