Chapter 7

1015 Words
Chapter 7 Third Person Pov Pagbukas nang pinto ay agad silang tumayo at nagbigay galang sakanya "Sir Reinmann" sabay sabay nilang sabi. "Nahanap niyo na ba yung babae" Napa yuko silang lahat. Nagbago bigla ang atmospera sa loob nang room at sunod sunod na putok nang b***l ang umalingaw-ngaw. "Ipagpatuloy niyo lang ang paghahanap sakanya. Kailangan nating maunahan ang mga Phoenix na mahanap siya. Nagkakaintindihan ba tayo?!" "Yes Sir" -*-*-*- Samora Pov -Hassler Academy- Pagpasok ko sa school ay laking gulat ko nang wala ni isang studyante ang nasa labas. Baka nasa klase na silang lahat. 30 minutes narin kasi akong late eh. Pagdating ko sa room ay wala padin ni isang studyante. Seryoso ba sila? Teka, wala bang pasok? Bat' di man lang ako na-inform? Aalis na sana ako para umuwi nang makarinig ako nang mga yapak. Agad naman akong nagtago sa likod nang pader "Malapit nabang matapos ang pinapagawa ko sayo?" Boses nang isang lalaki na mukhang nasa edad 40 na "Before the Foundation day Mr. Smith. Perfectly fits on your plans" boses din nang isang lalaki. Mr. Smith? "I want to surprise everyone about it, lalo na si Mr. Hassler. And I want you to keep quite, don't tell anyone about this" "Don't worry Mr. Smith. You can count on me. By the way, about Valerie what are your plans for her?" Geez. Sino nanaman itong Valerie? "I want her to be killed as soon as possible. She will just ruined all of my plans and hardworks" "Understood, Mr. Smith" -*-*-*- "Young lady. Patawad po at di ko na nasabi sainyo na wala kayong pasok. Bigla nalang kasi kayong umalis" paumanhin saakin ni Salvo pag-uwi ko "For what reason?" "Just an emergency, young lady" Tumango nalang ako. Psh. Emergency? Magbibigay na nga sila nang rason hindi pa kapani-paniwala. "Pwede mo bang tawagan si tanda?" "Sure, young lady" kinuha niya ang telepono at nagsimula nang mag dial. Ilang minuto na ang lumipas pero wala paring sumasagot "I'm sorry young lady but she is not answering" tapos ngayon hindi pa siya matawagan. Urgh! Bakit ayaw niyang sagutin ngayong kailangan na kailangan ko siya? Umakyat na ako sa room ko at agad na nag search kung sino si Smith at Valerie. Sigurado akong aplido ang Smith at ang Valerie naman ay pangalan. Hindi kaya Valerie Smith ang buong pangalan nito? Hindi kaya asawa siya ni Mr. Smith at gusto niya itong ipapatay? Pero bakit? Man! Para namang kilala ko ang mga taong yan Pumunta ako sa website nang school at nag search nang tao na ang surname ay Smith. At iisang tao lang ang lumabas. Wilson Smith. Sakto with picture kaya alam ko na kung sino ang next kong target. Isa sa mga school dean. Ibig sabihin ang pagpatay niya kay Valerie ay may kinalaman sa school. Hindi kaya may alam na ito sa mga plano nila kaya niya ito ipapapatay? I tried to search for Valerie pero walang lumabas. Kailangan ko pa ba siyang mahanap? Pero kung alam niya ang mga plano nila ay kailangan ko siyang mahanap. Kailangan ko kaagad maka-usap si tanda. Kailangan niyang malaman ang mga nangyayari sa school niya. Geez. Parang hindi lang ang apo niya ang prinoprotektahan ko ah. Pati nadin ang school niya. Nagmumukha tuloy akong tauhan niya -*-*-*- -Next day- Ang ingay nang classroom ngayon dahil walang klase. May emergency meeting nanaman daw ang mga teachers. Tumayo ako at balak ko sanang umalis sa room nang biglang nanahimik ang lahat. May bisita pala kami. Mr. Wilson Smith Nagsitayo ang lahat at nag good morning sakanya, nakisabay nalang ako "Maupo na kayong lahat. Anyway, I'm here to excuse Mr. Hassler" lumingon ito kay Aiken "Can we talk for a while?" Tumango siya Agad kong kinuha ang straw sa bag ko saka nilagay doon ang recording chip. Hinipan ko ito sakto sa kwelyo niya. Sana di niya makita "I want to surprise everyone about it. Lalo na si Mr. Hassler" "Before the Foundation day Mr. Smith. Perfectly fits for you plans" Pag kaalis nila ay agad kong sinuot ang earphone ko. Whatever that surprise is. Kailangan kong malaman kung ano ito. "Kamusta na ang inaanak ko?" "Perfectly fine, ninong" "Good. Take care of yourself, Wein. Alam mo naman ang mundong kinaroroonan mo" "Don't worry. Kaya ko na po ang sarili ko" "How about Valerie, naka-uwi na ba siya?" Valerie... Ibig sabihin mali ang conclusion ko, hindi niya ito asawa. Pero sino nga ba si Valerie? "Honestly, I can't reach her. I think there's something wrong" "Don't worry, Wein. Kapag naka-usap ko siya sasabihin kita agad. Anyway, do you want some coffee?" "No thanks. I have more important things to do. I'll go now" At doon na nagtapos ang usapan nila. I was about to unplug it nang may nagsalita "I let you heard it all. Wait for my turn. Kapag nalaman ko kung sino ka, your dead" bigla kong natanggal ang earphone nang bigla itong nag-eeeee Man! Man! Ano nang gagawin ko kapag nalaman na niya kung sino ako? Sabi ni tanda, ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay merong nagbabantay sakanya. Kaya nga mas pinili kong magtago. Masiyado pang maaga para malaman niya kung sino ako. Lumabas muna ako nang room para makapag lakad lakad at para narin makapag isip-isip Hanggang sa nakita ko nalang ang sarili ko na nakatayo habang pinapanood ang pag papapatayo nila nang building. Ito ba ang sinasabi niyang surpresa niya? Isang malawak at malaking building? Pero para saan yan? Kung matatapos yan bago mag-umpisa ang foundation day...? Man! Wala akong maisip na dahilan para gumawa siya nang ganyan kalaking building! "Anong ginagawa mo dito?! Bawal ang mga studyante dito! Umalis kana!" Agad akong napa-atras nang biglang lumabas sa harap ko ang isang matandang lalaki "Umalis kana habang may oras pa at wag ka nang bumalik pa! Mamamatay kalang! Mamamatay lang kayo!" Bigla akong natakot sa mga sinasabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Kahit na baliw pa ang matandang ito ay parang may malalim na kahulugan ang sinasabi niya. Binabalaan niya ba ako? O tinatakot lang niya ako? "Papatayin ka lang niya! Mamamatay kayong lahat!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD