Chapter 10 Buong umaga ay kasa-kasama ko sila. Naging advantage ko din ang pagiging girlfriend ni Nathan dahil mababantayan ko si Aiken. Habang kasama ko sila ay naghahanda na rin ako sa pwedeng mangyari bukas. Pagkatapos naming mag lunch ay pumunta kami sa tambayan nila na malapit sa music room. Pagpasok namin ay nagkanya-kanya silang punta sa pwesto nila. Si Elwood pumunta malapit sa bintana at nag gitara, si Dylan naman ay umupo sa isang rocking chair habang nagbabasa, si Aiken ay na-upo sa sofa at natulog, habang si Nathan at ako ay umupo lang dito sa sala nila. Okay... Nilibot ko ang aking paningin sa buong kwarto. Maluwang siya at kumpleto na sa gamit, parang nasa bahay kalang. At ang mas nakaka bilib ay malinis siya. Nang mapalingon ako kay Aiken ay tulog na tulog na siya ka

