Chapter 32 "Geez, what a tiring day" agad akong napahinto. Man! Man! Di ko ine-expect na nasa labas pa sila. Anong oras na ah. Mas lalo akong nagulat nang pagkatalikod ko ay nasa harap ko na si Allison, ilang inches nalang ang agwatan nang mukha naming dalawa. Napatakip ako nang aking bibig at kinalma ang sarili ko dahil baka marinig niya ang paghinga ko. Bahagyang nakabukas ang mga mata nito. Halata sa mukha niya ang sobrang pagod at pagka-antok Tila nabunutan ako nang tinik nang napa sigh ito at humarap muli sa mga kaibigan niya. Pero kahit na ganun ay naapagtataka naman, hindi niya ako napansin? "Kristen ang susi" wala nang ganang sabi ni Allison sabay hikab pa nito. Napangisi ako nang napamura si Kristen dahil hindi niya mahanap ang susi. Ginawa ko itong advantage at hinawakan k

