Kylie's in danger ✅KYLIE Sobrang dami naming ginawa ngayong araw yung tipong para bang wala ng bukas. May gagawin pa ko mamaya sa bahay, nandito na ako ngayon sa labas ng school namin pero para bang may importante akong nakalimutan. Anyway, hindi dapat yon ang iniintindi ko. Ang tagal ng sundo ko, kanina pa ko nandito. Uwing uwi na talaga ko at gusto ko ng matapos lahat ng gagawin ko. Paunti na din ng paunti ang mga estudyante dito saka 5:20 na, myghad. Nang mag t-text ulit ako ay saka pa na low bat ang battery ng cellphone ko. Bakit ang malas ko yata ngayon? Hays. Sa kagustuhan kong umuwi ay nag lakad na ko. Medyo malayo pa naman ang bahay namin dito sa school. 10 minutes pa lang ang nakakalipas pero pagod na ko. Ang sakit na din ng paa ko. Naalala kong hindi nga pala ko kumain

