Gangster ✅KYLIE Lunes na naman kaya maaga akong pumasok. Excited din akong makita si Thunder. "Ate pupunta ko sa C.U mamaya, sasabay na din akong umuwi" Sabi ni Jesin nang makababa ako sa sasakyan. Tumango lang ako saka naglakad na papasok. Nang marating ko ang classroom namin ay agad kong hinanap si Yani at nakita ko naman agad siya. "Yani" tawag ko sa kanya at lumingon naman siya sakin. "Yes?" Nakangiting tanong niya sakin kaya bigla akong na weirduhan sa kanya. "Mukang good mood ka ah" sabi ko sa kanya at umupo na ako sa upuan ko. "Siguro?" Hindi siguradong sagot niya saka tumawa. Halata namang good mood siya. "Ang weird mo" sabi ko. Dumating na ang teacher namin kaya hindi kona siya nakausap. Strict pa naman teacher namin sa unang subject. Lunch time na namin kaya ina

