I don't want to see your face "Pre sayang at hindi mo nakita yung nangyare kanina sa cafeteria, ang wild!" Sabi ni Iros at halata sa kanyang muka ang pagka-mangha. "Ano bang nangyare?" Tanong ni Thunder habang nag lalaro sa cellphone niya. "May nangyareng sabunutan at kasali doon yung dalawang pinag hihinalaan mong si Dyosa" sabi ni Iros kaya napatigil si Thunder sa pag lalaro saka napatingin kay Iros. "Ganito kasi yun pre, hindi sinasadyang nabunggo ni Yani si Jas na kapatid ni Jennie kaya natapon yung pagkain ni Jas at bigla na lang sinampal si Yani at Kylie tapos umeksena pa si Jennie at doon na nag simula ang away" paliwanag ni Iros. "Buti na lang at hindi kasama si Iris sa away" napapa-iling na dagdag ni Iros. °°° "Kayo pala Mr. Vuenista" sabi ng isang may edad na lalake.

