The Queen Bitch ✅KYLIE Naglalakad ako ngayon sa school ng may makasalubong akong tatlong babae. Well, maganda yung nasa gitna habang yung dalawang nasa gilid naman ay parang pinudpod ng make up ang muka. Trying hard maging maganda. Dumiretso na lang ako sa room namin. As usual, maingay. Agad kong hinanap si Yani, nakita ko naman siyang nakadukdok sa lamesa. Mukang puyat ang bruha. Umupo na lang ako sa upuan ko. Wala kaming teacher ngayon dahil lahat ng teacher ay may meeting. Buti na lang, walang klase. Minsan nakakatamad ding making sa discussion kung alam mong wala kang naiintindihan. "Nakita mo ba yung transfer student sa Section B?" "Yup. Ang ganda niya" "Mukang anghel ang muka" Ilan lang yan sa mga bulung-bulungan ng mga kaklase ko. Sino naman kaya yung transfer na yon?

