My Elementary b***h Friend "Pre si Iris oh" sabi ni Iros kay Thunder. "Pake ko" walang ganang sagot ni Thunder saka dumukdok sa lamesa. Tuesday na pero parang Monday dahil tamad na tamad pumasok ang mga estudiyante. Lima pa lang silang nasa classroom. "Good morning my bebe labs!" Hyper na bati ni Iris kay Thunder pero hindi siya pinansin nito at nanatiling naka-dukdok sa lamesa. "Iros bakit parang puyat ang bebe labs ko?" Takang tanong ni Iris saka tumingin kay Iros. "Ba malay ko" sagot ni Iros. Bumukas ang pinto at pumasok si Zion. "First time, aga mo ata" nakangising sabi ni Iros sa kanya pero ngisi lang din ang isinagot ni Zion sa kanya. "Hi Zion!" Nakangiting bati ni Iris sa kanya ngunit tango lang ang isinagot niya. °°° "Hey! Male-late na tayo, bumangon kana diyan!"

