What? ✅JESIN Sobrang boring sa bahay. Pagkagising kain, computer, kain, ligo, computer, kain, tulog. Halos paulit-ulit lang kada-araw. Hindi ako makagala dahil wala naman akong kasama, nag bakasyon ang mga kaibigan ko kaya hindi ko sila maaya. Si ate? Nasa kwarto mag hapon nakahiga, may sakit. Kung kelang summer saka pa siya nagkasakit. Alas-otso pa lang ng umaga pero sobrang boring na. Mas masaya pa yatang araw-araw may klase at least hindi boring, may mapag t-tripan pa ko sa iskwelahan. Humilata ako sa kama at pinilit makatulog pero hindi ko talaga kaya. Ahhh!! Mabibingi na ako sa katahimikan dito sa kwarto ko! °°° Nandito ako ngayon sa park, nag bike lang ako papunta dito. Tinatamad ako mag lakad kahit na malapit lang ang bahay namin dito. Okay ng nandito ako kesa naman magku

