The Game
Hindi makatulog si Kylie dahil sa sobrang inis niya kaya pinag sisipa niya ang unan hanggang sa mapagod siya.
"Nakakainis! Hayop kang Zion ka! Animal ka! Malandi ka! Cactus ka! Yung first kiss ko!" Inis na sigaw ni Kylie at tumalon-talon pa sa kama hanggang sa mahulog siya dahil sa katangahan niya.
Biglang bumukas ang pinto ng kanyang kwarto at naka-simangot na pumasok ang 13 years old niyang kapatid na lalake (Jesin Vuenista).
"Ang ingay mo! Hindi na nga maganda yang boses mo tapos sumisigaw ka pa" sermon sa kanya ng bunso niyang kapatid na si Jesin.
"Aba! Ginaganyan muna ang ate mo?!" Tanong ni Kylie sa kapatid niyang naka-simangot pa rin.
"Ate? Eh muka pa nga akong mas matured mag isip sayo, para kang isip bata!" Sigaw ng kanyang kapatid saka tumakbo palabas.
"Aba't bwusit ang batang yun ah!" Nasabi na lang ni Kylie at humiga ulit sa kanyang kama. Kinuha niya ang kanyang cellphone saka nag type.
Good evening kulog!
Hay nako nakakapagod ngayong araw! Sumasabay pa yung bwusit kong kapatid. Nga pala bukas na ang laban niyo! Owemgi I'm so excited na saka may laban din ako bukas, uunahan na kita kaya WELCOME dahil alam ko namang ako na ang mananalo char!
DYOSA FOR THE WIN!
•~•
KINABUKASAN...
Pinag mamasdan ko ang kapatid kong kumakain at naiisip ko na lang minsan na paano kaya kung malaki na ang asungot na 'to? Paano kaya kung--
"Staring is rude, you know?" Ngayon ko lang napansin na tapos na pala siyang kumain at naka poker face pa siya habang nakatingin sa akin. Inirapan ko na lang siya saka tumayo sa pag kakaupo at nag lakad palabas dala ang bag ko.
Pumasok na ako sa loob kotse ko pati na rin ang asungot kong kapatid na araw-araw may PMS! Ngayong araw na ang laban ko at sa kamalas-malasan ay pinasama ni mama sa akin ang asungot kong kapatid.
Nag ring ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha at sinagot saka tinuon ang atensyon ko sa daan.
[Besh where na you? Dito na us] bungad sa akin ni Yani.
"Malapit na kami" sagot ko sa kanya.
"She's asking kung nasaan na tayo hindi kung malapit na tayo, stupid" sabat ng asungot kong kapatid kaya sinamaan ko lang siya ng tingin.
[Omg besh! Kasama mo ba ang gwapo mong kapatid?] Excited na tanong ni Yani kaya napa-irap na lang ako.
"Obviously? hindi na ako mag tataka mamaya kung matalo ako kasi may kasama akong MALAS, bye na nga" I said and ended the call.
"Sadyang makitid lang talaga ang utak mo" sabi ng asungot, hindi ko na lang siya pinansin at baka masipa ko pa siya palabas ng sasakyan.
Sa Clarea University kami dumiretso dahil dito gaganapin ang laban, open ang University para sa lahat ng tao kaya pag pasok pa lang namin ay marami ng tao.
"Kylie!"
Napalingon ako sa babaeng sumigaw, si Yani.
"Bruha! Omg kasama mo din si Jesin?" Kinikilig na tanong ni Maria, kahit kailan talaga ang baklang 'to ang landi.
"Omg ang gwapo naman nung batang yun"
"Bagay sila ng kapatid ko"
Jusq! Pati ba naman ang mga babaeng 'to? Napatingin ako sa kapatid ko at suot pa rin niya ang pambansang poker face niya.
"Kylie tara mag libot muna tayo" aya sa akin ni Yani. May napansin ako sa kanila, may kulang.
"Nasaan si Yuri?" Tanong ko ng mapag tantong siya ang kulang.
"Nandiyan lang yun sa paligid" sagot ni Yani at hinila na ako.
•~•
"Pre mamaya pa yung laban hindi ngayon, wag masyadong excited" sabi ni Iros kay Thunder. Umupo si Thunder sa bench at kinuha ang kanyang cellphone, tiningnan niya ang message ni Dyosa kagabi.
"Oy Thunder kinikilabutan na ako sayo minsan, basta-basta ka na lang nguminguti ng walang dahilan. Dahil ba kay Dyosa?" Tanong ni Iros sa kanya.
"Ano-ano ba ang labanan ngayon?" Biglang tanong ni Thunder kaya napa-isip si Iros.
"Basketball, Badminton, Soccer at Academics" sagot ni Iros.
"Samahan mo nga ako" aya ni Thunder sa kanya. Ang nasa isip ni Thunder ngayon ay gusto niyang makilala si Dyosa.
•~•
"Ang tagal naman ng laban naiinip na ako" sabi ni Kylie.
"Hoy bruha napansin ko lang ah, hindi ka man lang nag review masyadong kang confident" sabi ni Mark.
"Ako mag re-review? No need!" Mayabang na sagot ni Kylie.
Habang nag ke-kwentuhan sila ay hindi napansin ni Kylie na may nakabunggo siya.
"Sorry miss" paumanhin ng lalake, sisigawan na sana ito ni Kylie kaya lang ay natulala siya ng makitang si Thunder pala. Nag lakad na ulit si Thunder paalis kasama ang kaibigan niya.
"Besh laway mo" sabi ni Yani kaya napa punas si Kylie sa bibig niya pero wala naman, tiningnan niya si Yani at nag peace sign kang ito.
"Nice taste" sabi naman ng kapatid niya.
•~•
Pagkatapos nilang kausapin ang mga badminton player ay umalis na din sila pero may isang pinag hihinalaan si Thunder, si Jennie Lipus.
"Tara na, interview-hin na natin ang mga soccer player" sabi ni Iros kaya binatukan siya ni Thunder.
"Babae ang hinahanap natin hindi lalake" sabi ni Thunder at inunahan niya nang mag lakad si Iros.
"Malay mo!" Sigaw ni Iros at humabol sa pag lalakad.
•~•
Mabilis na lumipas ang oras at ngayon na ang laban ni Kylie. Sa studio gaganapin ang laban, may mga malalaking screen din sa labas kaya kahit sino ay mapapanood ang laban nila.
"Good luck my dear sister" sabi ni Jesin with his poker face look.
"Besh galingan mo, wag ka mag papatalo kay bruha" sabi ni Yani.
"Oy bruha good luck" sabi ni Mark.
Bago pumasok sa loob ay kinawayan niya muna ang mga kaibigan niya at inirapan naman niya ang kapatid niya.
Pagkatapos ng ilang minuto ay nag umpisa na, saka dumating na din ang mga ka school mates at classmates ni Kylie.
"Good afternoon sa inyong lahat! Bago natin umpisahan ang laban ay ipapakilala ko muna ang dalawa nating contestants. Iris Maurel ng Clarea University!" Sabi ng emcee kaya agad nag hiyawan ang mga manunuod.
"IRIS! IRIS! IRIS!" Sigaw ng mga tao.
"... And--" hindi naituloy ng emcee ang sasabihin niya ng pahintuin siya ni Kylie.
"I'm Kylie Vuenista but call me Dyosa, from Eris University" masayang pakilala ni Kylie kaya napa-irap na lang si Iris.
•~•
Nasa gym sila Thunder at nag p-practice nang bigla siyang napa-hinto sa kanyang narinig.
"I'm Kylie Vuenista but call me Dyosa, from Eris University"
'Siya na kaya yun?' tanong niya sa kanyang isip. Mag lalakad na sana siya palabas ng tawagin siya ng coach nila.
"Thunder! Mamaya na ang laban niyo kaya wag ka ng umalis!" Sigaw ng kanilang coach kaya wala ng ibang nagawa si Thunder kundi ang manatili sa gym.
•~•
"Vuenista? So your the daughter of Mrs and Mr Vuenista?" Tanong ng emcee kay Kylie.
"Obviously" sagot ni Kylie. Si Iris naman ay nagulat sa kanyang narinig, hindi niya akalaing anak ng may ari ng school nila ang makakalaban niya.
"Okay let's start, may labing-isang tanong dito at kung sino ang makakakuha ng mataas na puntos ay siyang panalo" paliwanag ng emcee.
"First question, who is the father of modern Philosophy?" Tanong ng emcee at unang nag taas ng kamay si Iris.
"Rene Descartes" nakangiting sagot niya habang si Kylie naman ay napa-irap na lang.
'My god! I hate Math!' sabi niya sa kanyang isip.
"1/0 okay second question, who is the father of algebra?" Tanong ng emcee at nag taas ulit ng kamay si Iris.
"Al-Khwarizmi" sagot ni Iris at nginitian niya ng sobrang tamis si Kylie.
"Tss" nasabi na lang ni Jesin habang pinapanuod ang ate niya.
"2/0 third question, who is the father of modern atomic theory?" Tanong ng emcee at agad nag taas ng kamay si Kylie.
"John Dalton" sagot niya at nginisihan si Iris.
"2/1 fourth question, who is the father of atomic bomb?" Tanong ng emcee at nag taas ulit ng kamay si Kylie.
"J. Robert Oppenheimer" sagot ni Kylie at siya naman ang nag bigay ng sobrang tamis na ngiti kay Kylie.
Ilang minuto na ang nakalilipas at 5/5 na ang kanilang score. Lahat ng tao ngayon ay nanunuod o di kaya'y nakikinig sa kanilang dalawa. Tapos na ang practice nila Thunder kaya nag papahinga na lang sila.
"This is the last question so good luck. Produced in France since 1849, Contreau is a popular liquor with what distinctive flavor?" Tanong ng emcee at agad nag taas ng kamay si Iris.
"Amh... Apple" hindi siguradong sagot niya.
"Ms. Vuenista what is your answer?" Tanong ng emcee kay Kylie.
Nag isip muna si Kylie bago sumagot.
"Orange"
"Okay, our winner is Ms. Kylie Vuenista!" Anunsyo ng emcee at agad nag sigawan ang mga ka school mates at classmates ni Kylie. Ang dalawang kaibigan naman ni Kylie ay nag tatatalon sa tuwa habang ang kanyang kapatid naman ay napa-buntong hininga na lang.
Pagkalabas ni Kylie sa studio ay niyakap siya ng dalawa niyang kaibigan.
"Omg girl ang galing mo!"
"Bruha man libre ka naman"
"Dyosa..."
Napabitaw ang dalawang kaibigan ni Kylie sa pag kakayakap sa kanya at napatingin silang tatlo sa tumawag kay Kylie.
"Thunder..." Mahinang bigkas ni Kylie sa pangalan ng lalakeng nasa harap nila.
©