Bar ✅KYLIE Kakagising ko lang at agad akong napalingon kay Yani na mukang kakaligo lang. "Anong oras na?" Tanong ko sa kanya. "8:30" Bumangon nako sa kama saka nag stretch ng katawan. Kumuha ako ng damit saka nag lakad na papasok sa loob ng banyo para mag hilamos at maligo na din. Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas na ako para mag suklay at pulbo. Tumalikod na ako sa salamin at nagulat ako kay Yani dahil bigla niya akong inespreyan ng pabango. "Ano ba naman yan Yani!" Saway ko sa kanya at napapikit pa 'ko dahil sa pabango niya. "Para umagang umaga ay humahalimuyak tayo!" Sabi niya saka tumawa. Inirapan ko lang siya saka nag lakad palabas at sumunod naman siya. "Dahil lang naman kay Mark kaya ka nag pabango, hindi ka naman nag papabango tuwing umaga" sabi ko sa kanya

