A Date ✅KYLIE "Nasaan na si Jesin, Kylie?" Tanong sakin ni Yani. Tapos na silang mag laro ni Mark. "Hindi ko din alam. Bigla na lang siyang nawala" sabi ko sa kanila. "Wala naman tayong dapat ipag-alala, si Jesin yon. Kaya na niya ang sarili niya. Mag ikot muna tayo, babalik din si Jesin mamaya" sabi ni Mark kaya tumango na lang kami saka nag lakad na. "Ah Kylie, may dadaanan nga pala kami ni Mark. Magkita na lang tayo sa food court mamaya" sabi ni Yani. Nginitian niya ko bago hinitak si Mark. So, loner ako ngayon? Iniwan ako ng kapatid ko tapos ngayon naman mga kaibigan ko? "Pwede naman nila kong isama" bulong ko sa sarili ko. Nilabas ko na lang ang cellphone ko saka nag simulang mag lakad. Makapag f*******: na lang. "Ouch!" "Sorry" Napatingin ako sa kanya at ganon din

