Outing Part 2 Napatingin silang lahat sa sumigaw. Tumatakbo si Jesin palapit sa kanila at ng huminto ito ay tumingin kagad siya kay Kylie. "S-si k-kuya M-mark.." hinihingal na sabi nito. "Bakit anong nangyare kay Mark?" Takang tanong ni Kylie. Huminga muna ng malalim si Jesin bago mag salita. "Ang dapat na tanungin mo ay anong nangyare sakin" sagot ni Jesin kaya mas lalong naguluhan sila Kylie. "Si--" hindi na naituloy ni Jesin ang sasabihin niya ng may biglang umakbay sa kanya. "Hi inyo!" Bati ni Mark sa kanila. Si Jesin naman ay kinikilabutan na, gusto niya sanang tanggalin ang pagkaka-akbay ni Mark pero hindi niya magawa. "Oh Mark, ano bang sinasabi ni Jesin?" Tanong ni Kylie. "Ah wala, nag lalaro lang kami. Tara na Jesin" nakangiting sabi ni Mark saka hinila si Jesin paa

