Competition Lumipas ang araw at ngayon na din ang graduation nila Kylie, siya ang Valedictorian sa school nila. Pagkatapos ng speech niya ay bumalik na siya sa pwesto nila. "Anong plano pagkatapos nito?" Tanong sa kanya ni Yani. "Syempre mag ga-gala tayo. Samin kayo dumiretso mamaya ah" sabi ni Kylie at sumang-ayon naman si Yani. Pagkatapos ng graduation nila ay lumabas na sila Kylie at agad naman siyang dinagsa ng mga estudiyante. "Miss Kylie! Pa picture po!" Wala ng nagawa si Kylie kaya pinag bigyan na niya ang mga ka-school mates niya. Pagkatapos ng picture session niya ay pumunta na siya sa kotse nila. "Hayst nakakapagod" sabi niya habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay niya. "Sikat ang anak ko ah, daming nag pa picture sayo. Napansin ko kanina, pagkatapos ng re

