Wanting to know you more

1112 Words
Isang linggo na ang nakalipas, natapos na ang convention at sila ay magsisimula nang magtraining for 3 weeks.   Naka assign sila sa iba’t ibang group na may corresponding elite team member na magtraining sa kanila.   Swerte naman nilang tatlo na iisa lang sila na grupo. Ang minalas lang para kay Jessie ay dahil ang na assign na Team Lead nila ay si Stephen.   Sa dalawa niyang kasama ay napakalaking pribelehiyo na siya ang teamlead, siya naman ay nagluluksa dahil dun.   Ilang araw niyang pilit iwasan na makasalubong o makita man lang siya. Kaya nung convention ay sa malayo layong parte ng area siya pumwesto kung saan di niya makakasalubong o makikita si Stephen.   Sobra siyang nahihiya dahil sa nagawa at naiilang siya sa pagtitig ni Stephen sa kanya. Ayaw niya bigyang kahulugan kaya siya na ang iiwas.   Si Stephen naman ay humahanap ng paraan na makasalubong o siya ay makita man lang. Gusto niyang makita si Jessie at malaman kung napa ano na siya at kung okay lang ba siya sa convention at ng unang week. Napag usapan ng buong team elite kung kaninong grupo sila magpapa assign at nauna niya nang piliin ang team kung nasaan si Jessie.   Abot tenga ang ngiti nito ng sumang ayon ang ibang nasa elite team. Pagkatapos nung meeting niya ay pumanhik na siya at nag punta sa kanyang pent house.   Naging elite lang naman siya sapagkat marami ang koneksyon niya at pagmamay ari din niya ang hotel kung saan ginanap ang convention at gagawin ang training.   Nung akmang huhubarin na niya ang kanyang long sleeve ay nakita niya ang litrato na kinuha niya nung siya ay naging speaker sa isang probinsiya.     Gabi yun at kakatapos palang ng convention. Namasyal muna siya sa may dalampasigan ng ilang minuto nang may nakita siya di kalayuan na babae na nakaupo sa isang malaking bato. Naka side view ito kaya mejo na aaninagan niya ang mukha, lumapit siya ng kaunti para mas maliwanagan siya. Hindi niya napigilan at kinunan niya ng litrato ang babae. Nang kanya na itong ibababa, nakita niya ang babae na lumuluha. Lumuluha hanggang sa ito’y umiyak na. Gusto niyang puntahan at icomfort ito ngunit naging bato na siya sa posisyon niya. Na awa siya at biglang pinisil ang puso niya. Nasabi niya sa sarili na gusto niyang protektahan ito at makitang nakangiti lang ito. Lalapit na sana siya nang marinig niyang tinatawag na siya ng kanyang kaibigan. Tinignan niya ulit ang babae bago siya bumalik.   “Pre, san ka galing? Kanina pako tawag ng tawag eh.” Sabi ni Arthur na kanyang kaibigan.   “Ah, wala.. Ginamit ko lang tong bagong camera na binili ng kapatid ko sakin” sagot niya.   “Speaking, kelan mo ako papakilala sa kapatid mo?” tumatawang tanong ni Arthur.   “Never sa playboy na katulad mo.”   “Maka playboy to kala mo siya hindi”   Tumawa lang silang dalawa pero naging seryoso si Stephen bigla at lumingon pabalik. Nakita niyang wala na yung babae. Mukhang di man lang niya nakuha kahit pangalan nito.     Nang kanyang ma alala ay napangiti siya at isinabit yung picture sa may headboard ng higaan niya. Isa yung gabi na di niya malimutan sa isip niya.   “Nakuha ko na pangalan mo, ngayon gusto pa kitang makilala ng lubos” nakangiting binubulong niya yun sa sarili.   Tumayo ito at naligo. Nagbihis ng mas komportable at lumabas para kumain. Sakto namang tinext siya ng kaibigan niya na kumain kasabay nila. Ang mga kasama pala ay ang grupo nilang dalawa.   “Tadhana nga naman” nang mapansin nya sa text na kasali ang grupo niya. Siguradong andun yung taong gusto niya makita.     Masayang kumakain ang dalawang grupo nang dumating ang isa pang team lead at sumali sa kanila. Parang may hinahanap ito bago umupo at sila’y saluhan. Napansin ito ng kasama ni Ray at biglang nagkunot noo. Alam niyang kompleto sila maliban sa Ate niya sapagkat di na ito kakain. Siniko niya sa Ranya na kumakain at ngumuso kay Sir Stephen.   “Pansin ko, parang may hinahanap” pagpuna nito   Tinignan naman ni Ranya si Stephen at nag kibit balikat lamang.   “Kompleto ba tayong lahat ngayong gabi?” nagtanong si Stephen.   Tumaas ng kamay si Ranya at sinabing ang ate niya ang wala since tapos na siyang kumain. Tumango lang si Stephen at nakipagkwentuhan ulit sa kaibigan niya. Hindi pinahalata ni Stephen na siya’y nadismaya. Natapos ang hapunan at ang iba ay nagsibalikan na sa kanilang mga kwarto, ang iba naman namamasyal lang muna.   Lumabas muna sa may swimming pool si Stephen, gusto lang niya muna magpahangin. Sa kanyang pag angat ng ulo ay nakita niya ang taong hinahanap niya kanina.   Siya’y napangiti at nilapitan siya. Nakatayo lamang si Jessie sa isang maliit na bridge na may railing. Tinitignan niya ang pool at minsan namay naka tingin sa langit.   “Bakit mag isa ka dito?” bungad ni Stephen nang siya’y ilang hakbang nalang kay Jessie. “Di kita nakita nang maghapunan ah”   Nagulat si Jessie sa kanya. Sinagot niya ito at lumingon sa ibang direksyon.   “Ah, tapos na po akong kumain, sige po matutulog na po ako sir, Good night po” pero bago pa siya maka alis ay hinarangan na siya nito.   “Sandali, parang gusto ko isipin na nilalayuan mo ko” tinitigan niya si Jessie na tila di mapakali at nag aantay sa kanyang sagot.   “A...ah, Hindi naman po. Kanina pa po kasi ako jan kaya po matutulog na ako” umiiwas siyang makita o matitigan niya ang mga nito.   “Pwede ba kitang maka usap? Kahit dun sa may mesa at upuan” tanong nito.   Gustong humindi ni Jessie pero nakakawalang galang ang tumanggi lalo’t maayos naman siyang tinatanong nito. Tumango siya at naunang naglakad papunta sa area na may mesa at upuan. Pagka upo niya ay inantay niyang maka upo si Stephen bago umimik.   “Ano pong pag uusapan natin?” Iniiwas niyang makita niya ang mata ni Stephen na ikinatuwa naman niya.   Natawa ito at napalingon sa kanya si Jessie. Ngunit nakita niyang seryoso pa din ito at mukhang nagtatanong na ang expression sa mukha.   “Sorry, I just find you cute. Ayaw mo akong tignan. May kasalanan ba ako?” tinitigan niya si Jessie habang ito’y nakalingon sa kanya.   Napakagat labi naman siya at biglang tumingin sa ibang direksyon.   Nakita niya kung gano talaga katipuno ang katawan niya sa damit na suot ngayon, at kung makatitig ay para kang matutunaw. Ang mga mata’y parang nangungusap.   “You know what, I think I like you.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD