Kabanata 2

1062 Words
MABILIS ang mga sumunod na klase dahil wala namang kaming giniwa kundi ang magpakilala. Hindi daw muna sila magpapa-activity dahil first day of last semester at sa mga susunod naman na araw ay may mga program na gaganapin kaya next week pa talaga ang start ng klase. Nag-ayos na ako ng gamit bago lumabas. Nasa pinto na ako hinihintay ang sina Santi ng biglang may mga text sa akin na unknown number. Mabilis ko yung binuksan at binasa. 09********* Go home immediately.I already know your schedule so you better come home early. Iyan ang laman ng text kahit na hindi ko na hulaan ay kilala ko na kung sino iyon. Hindi excitement ang naramdamn ko kung din ang sakit at pagkainis ko. Hindi ko naman kasi kayang magtanim ng galit sa isang tao at kung magagawa ko naman iyon ay siguradong naabot na ang sukdulan ko. Inisip ko muna kung susunod pa ako or hindi ng bigla akong hatakin ni Ally. “Tara CR muna tayo,” sabi nito sa akin at tumango lang ako sa gusto niya. Habang nag-aayos si Ally ay pinag-isipan ko ang gagawin ko at nakapag-isip na ako. “Let’s go Maris ,” aya nito uli sa akin at tango lang uli ang aking sagot kaya naman tumingin ito. “Ok ka lang ba?” siguro napansin nya ang pagiging tahimik na may malalim na iniisip. “Ah oo, kailangan ko lang umuwi agad kasi baka kailangan ni Nana Sel ng tulong ko,” palusot ko. “Ay oo nga sige na mauna ka na saabihin ko nalang sa kanila na nauna ka na,” ngumiti naman ako sa sinabi ng kaibigan ko. Alam kasi nito na kapag sumabay pa ako sa kanila ay baka gabihin ako dahil may kung saan –saan pa sila pupunta. “Sige pasabi nalang ah. Salamat and bye,” niyakap ko siya. “Mag- iingat ka. Text ka nalang sa amin kapag kailangann mo ng tulong. Bye,” pagkatapos ng pagpapaalam namin sa isa’t isa ay naglakad na ako palayo. NAGPUNTA ako agad ako sa parking lot at mabilis na sumakay sa kotse ko. Tinignan ko kung anong oras na. 6:30 PM na kaya pinatay ko ang cellphone ko at nag-drive na ako palabas ng Law School. Nag-park ako sa lugar na gusto kong puntahan para magpalamig ng ulo at mawala ang bigat sa dibdib ko. Sa labas palang rinig na ang ingay ng tao sa loob. Yes nagpunta ako sa club ng mag-isa para mawala ang inis ko at para makalimutan ang nararamdam ko ngayon. Konti lang nakaalam ng club na ito kahit ako nagulat din ako ng malaman kong may club pala dito. Pagkapasok ko binalot ng malakas na musika ang aking pandinig. Pumunta ako sa high chair sa gilid malapit sa bartender para mabilis maka-order. “10 shots of Jack Daniels please,” sabi ko sa bartender at gulat itong tumingin sa akin. “Ma’am hindi po ba kayo minor,” what the hell makakapasok ba ako dito kung minor ako. Gusto kong sabihin sa bartender iyon pero hindi ko tinuloy dahil tinatamad akong magpaliwanag. Kaya naman imbis na sumagot ay umiling nalang ako at ngumiti , tumango naman sa akin ang bartender at sinuklian din ako ng ngiti nito. Sampung shots ang inorder ko dahil plano ko kapag tapos ko ng inumin ang lahat ng iyon ay saka lang ako uuwi. Mataas naman ang tolerance sa alcohol kaya makakaya ko pang mag-drive pauwi. Gusto ko lang talagang magpalipas dito ng oras dahil sa tuwing maalala ko ang ginawa niya ngayon ay naiiyak ako. Nasasaktan ako. Alam ko hindi ko dapat maramdaman ito pero wala eh. Ang tali-talino kong tao tapos pagdating dito wala na bobo na ako. Nabobobo ako kasi hindi ko alam kung ano ang tawag sa nararamdam ko. Mas kabisado ko pa nga ang mga Republic Act dito sa bansa natin kaysa sa nararamdam ko. Minsan nga nagtanong ako sa mga kaibigan tungkol dito pero syempre situational naman ang ginawa ko at sabi nila love daw yun. Ayun yung isang salita pero ang hirap ipaliwanag kasi para sa akin ang salitang iyan ay isa lang emosyon na nagtutulak sa isang taong gumawa ng mga bagay na hindi magaganda. LOVE IS JUST AN EMOTON THAT PUSH PEOPLE TO DESIRED SOMETHING OR SOMEONE AND DO STUPID THINGS IN LIFE. LOVE IS JUST AN TRANSACTION ,WE PRESENT THE CORRECT SET OF DESIRABLE TRAITS AND AFTER THAT WE CAN BE TURN IT ON AND OFF. Yan ang love para sa akin. Alam ko sasabihan ako ng mga tao na ang bitter ko naman pero anong magagawa nila kung para sa akin yun ang pagkakaintindi. Base lang naman yan sa mga tao sa paligid kaya hindi nyo ako masisisi. “Here’s your order Ma’am,” napatingin ako sa bartender na nasa harap ko at nakangiti. “Thank you,” tipid lang akong ngumiti. Sandali pa lang ako ay limang shots na ang naiinom ko. Mas lalo pang umingay ang paligid at tanda ito na marami na ang tao. Nakakagulo na rin sa dance floor dahil sa mga sumasayaw.May mga lumalapit na rin sa akin na kalalakihan pero hindi ko ine-entertain. I’M A MARRIED WOMAN FOR GOD SAKE.Kung siya hindi niya ako nirerespeto bilang asawa pwes ibahin nya. Naputol ang pag-iisip ko ng biglang may humawak sa bewang ko. Tumatagos ang init ng mga palad nito sa balat ko kaya naman hindi na ako nag- abalang lingunin ito dahil alam kong isa lang iyon sa mga makukulit na lalaki dito sa club na walang ibang inisip kundi ang sexlife nila. “STAY AWAY FROM ME,I’M MARRIED. MY HUSBAND GONNA KILL YOU IF HE FOUND OUT THAT YOU TOUCH ME,” matigas kong sabi at medyo natawa ako sa huli. Niloloko ko na talaga ang sarili ko dahil wala namang gagawin yun kahit mamatay pa ako sa harap niya. Mapait akong tumawa. Hays buhay naman kapag sinusuwerte. Pero naputol ang pag-iisip ko ng hindi pa rin tinatanggap ng lalaki ang kamay nya. Akmang lilingon ko na siya ng bigla kong naramdaman ang init ng katawan niya sa likod ko. “Oh,that’s great baby,” ramdam ko hininga nya sa gilid ng tenga ko naamoy ko rin ang kanyang pabango. Paanong nagyari ito? Anong ginagawa niya dito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD