ERIN'S POV Weeks Passed. Nagdidilig ako ng mga halaman dito sa garden. Since mula nang magday-off sila ay hindi na sila bumalik pa. Tangin ang isang katulong at si manang na lang ang andito. Pinili ko na rin magdilig para malibang ako. Medyo okay na rin ako. Tinanggap ko na pakonti-konti ang lahat. Mula nang dito tumira si Nadia, mas lalong naging miserable ang buhay ko. Madalas ko silang nakikitang naglalampungan na para bang hindi sila nagsasawa. Habang natagal, nasasanay na lang din ako. Wala naman akong choice eh, hanggat hindi mismo ang totoong Syd ang nakikipaghiwalay sa akin, hindi ako bibitaw. Kakapit pa rin ako hanggang sa maalala niya ang lahat. Sandali kong hinubad ang singsing namin ni Syd.At ipintong iyon sa mesa kasama ang mga relo at bracelet ko. Bago nagpatuloy sa pag

