ERIN'S POV Papunta na ko ng Starry para kuhain t pirmahan ang ibang documents doon. Pagpasok ko, bumungad sa akin ang napakaraming tao. Nagkakatuwaan sila sa gitna ng dance floor. Dapat pala sa likod na ko dumaan. Para hindi na ko nakisiksik pa dito. Nakarating naman ako kaagad doon. Matapos ang ilang minuto. Natapos ko na ring pirmahan ang lahat ng documents. Kaya naman naisipan kong lumabas na lang. Paglabas ko, sumalubong sa akin ang mga busy na waiter. May isang waiter na lumapit sa akin. "Ma'am Erin, si Sir Syd po hinahanap kayo kanina pa," sabi niya. Napataas ang kilay ko. Nagpaalam naman ako sa kaniya ah? Agad naman akong pumunta sa VIP room. Doon naman siya madalas maghintay kapag busy ako at di ko siya naasikaso. Pagbukas ko ng pinto, nabigla ako sa bumungad sa akin. Par

