ERIN's POV Tinulungan ako ni Syd tumayo. Hindi ko pa rin siya magawang kausapin. Nakita ko ang pag-aalala niy sa akin. Nakita ko rin kung paano niya sapakin ang dalawang lalaking kumaladkad sa akin papasok. Naguguluhan ako, kailan pa? Anong ibig-sabihin nito? Para akong isang aso na takot na takot sa amo niya. May baril na hawak si Syd at nakatutok iyon sa tatlong lalaki. "Boss! Maawa ka samin, hindi namin siya kilala kayya nagawa namin yon," alma ng isang lalaki na kumaladkad sa akin kanina. "Hindi niyo kilala tong babaeng binangga niyo? Asawa lang naman ito ni Boss! Mga tanga!" sigaw ng isang lalaking naka-suit. Hindi ko magawag mag-salita. Nakita ko ang paglaki ng mga mata nila. Takot na takot sila habang nakatingin kay Syd. Nakita ko kung paano itutok muli ni Syd ang baril niya

