Ayla's POV Dahil sa halo-halong emosyon na aking nararamdaman Hindi ko namalayan na sumakay pala ako sa isang tricycle. "Ma'am saan ba Ang punta mo?" Tanong Ng driver sa akin. "Saan ho ba Ang punta nito, Kuya?" " Sa San Roque..Doon sa Hacienda Martinez.. Nawawala ka ba maam?" "Malapit Po ba kayo sa mansiyon manong?" Tanong ko. Hindi ko Alam Kung bakit lumabas Lang Ito sa aking mga bibig. "Hanggang Sa labas Ng bakuran Lang Po kayo maam Kung gusto ninyong pumunta Doon. Mahigpit Kasi ang may-ari niyan." "Ganoon Po ba manong" "Alam niyo ba ma'am, may naikwento sa akin Ang Lola ko noon. Ang tunay na anak daw Ng mga Martinez ay diyan nagpakamatay mismo sa kanyang silid. Kaya Ng minsan takot Ang ibang taga-rito sa Amin tuwing Gabi... Dahil nagpaparamdam daw Ang babae... May maririnig Kas

