PART FOURTEEN

1098 Words
LIA POV: Di ko namalayan na nakatulog ako sa secret room ni Ley. Naramdaman ko na lang na may gumigising sa akin. Lia wake up! it's dinner time already! wake up! Iritadong boses ang gumigising sa akin. Shit! Lia gumising ka na ikaw na lang ang hinihintay sa baba para makakain na rin kami. Bakas ang inis sa boses na iyon, i think i know kung sino ang gumigising sa akin. Bakit ako kasi ako ang inutusan ni Ley na gumising dito kay Lia na dakilang tulog mantika eh! Pabulong nyang kausap sa sarili nya na mababakasan ng inis at iritasyon ang boses nya. Di naman talaga ako tulog mantika ang sarap lang kasi matulog sa bed na to eh! Ewan ko ba ang sarap sa pakiramdam ng nakahiga dito sa bed na ito. Tsss! bahala ka si Ley na ang papapuntahin ko dito para gisingin ka. Pasukong sabi nya bago sya lumabas sa secret door na pinasukan ko kanina. Nagising ng tuluyan ang diwa ko ng marealize na si Ley na ang paakyatin ni Sue para gisingin ako. Yes si Sue ang gumigising sa akin kanina. Napabangon ako bigla sa kaalaman na si Ley na ang aakyat para gisingin ako. Agad akong tumayo at pumasok sa pintong nakita ko kanina at di nga ako nagkamali sa hinala kong C.R nga. Agad akong naghilamos at nag-ayos ng sarili saktong tapos na ako ng marinig ko ang pag-ingit ng pinto. Siguradong si Ley na ito kaya agad akong lumabas ng C.R at nakangiting humarap kay Ley. Buti at gising ka na! Seryosong puna ni Ley sa akin kaya napawi ang ngiti ko. Tara na kain na tayo! Malumanay kung aya sa kanya para di na kumunot pa ang noo nya. Pagbaba namin ay naabutan namin ang tatlo na nakabusangot ang mga mukha lalo na si Sue. Gutom na ata talaga sila sabay-sabay din silang lumingon sa gawi namin ng maramdaman nila ang presinsya namin. Hay! Salamat naman at gising ka na kilangan si Ley pa talaga ang gigising sayo eh! noh! Nabubuhayang sabay-sabay din nilang sabi sa akin pagkalapit namin sa kanila. Sorry na guys ang sarap kasing matulog sa secret room ni Ley! Paghingi ko ng paumanhin sa kanila dahil nakasimangot na sila habang nakatingin sa akin ng naiinis. Ley kilan pa yang secret room lagi naman kaming nagpupunta dito pero di mo nababanggit yan? Dugtong ko pang tanong kay Ley habang naglalagay ng food sa plato ko. Last na pinarenovate ang room ko at pinaconvert ko ang isang guest room as my secret room! Seryoso nyang paliwanag napatango na lang kami at nagpatuloy sa pagkain. At kaya di ko nababanggit yan sa inyo, dahil secret room nga diba? Nakangisi nyang sagot pa sa akin. Tama mga naman... Pero ngayon alam nyo na kaya di na secret room yun! Nanghihinayang nyang dugtong sa amin. Kaya napatingin kami sa kanya at napangisi. Parang alam na namin kung anung gamit ng secret room nya ah! Kung anu man ang iniisip nyo guy's ay mali kayo dahil di ko ginagamit ang secret room sa kalukuhan. Nawala ang ngisi namin sa kaseryosohan nya. Kala pa naman namin ay sa ganung bagay nya pinapakinabangan ang secret room nya. Sabi nga namin good girl ka at faithful kay Lorienne! Nang-aasar naming sabi kay Ley, Napa-iling na lang sya sa kalokuhan namin. Ipinagpatuloy na namin ang aming dinner ng tahimik, pagkatapos namin mag-dinner ay napagpasyahan na naming matulog dahil may klase pa kami bukas at kilangan na namin pumasok. Ilang araw na kaming absent sa school kahit naman si Ley ang may-ari ng school ay sumusunod pa rin kami sa patakaran ng school. Maaga kaming nagising ngayon at nagkanya-kanya kaming ayos ng mga sarili namin para makapasok kami ng maaga. Nagplano na rin kami kung paanong di na kami masusundan ni Marjo. Nabanggit din sa akin ni Wint na may iba syang pakiramdam sa pagkatao ni Marjo parang may tinatago sya. Maliban daw sa pagiging obvious na stalker at obssess ni Marjo. Napa-isip din ako sa sinabi ni Wint dahil maski ako sy napansin yun para kasing may aura sya ni Margie. Naguguluhan din ako sa nangyayari dahil malabong si Margie at Marjo ay iisa, dahil sa kilos, pananalita at sa mga expression ng mukha nya sobrang ang layo pero bakit may nakikita ako sa kanya na aura ni Margie sino ba talaga si Marjo. Di na kami nagbreakfast sa unit sa school tambayan na lang kami kakain ng breakfast. sabay-sabay kaming sumakay sa kotse. Sila Wint, Ram at Sue ay sa kanya-kanya nilang sasakyan ako ay sa kotse ni Ley sumakay mas ok na daw yun atlis safe daw. Di pa kami nakakalayo sa condo building ay natanaw na namin ang kotseng pamilyar na pamilyar sa amin walang iba kondi kotse ni Marjo. Agad na pinaharorot ni Ley ang kotse at mabilis na nilagpasan ang kotse ni Marjo. Nakarating din kami sa school na di nasusundan ni marjo kaya akala namin ay okay na pagkapark ni Ley ay nagulat kami na may pilit na nagbubukas ng pinto ng kotse ni Ley buti na lang at di pa ina-unlock ni Ley ang door ng car. Halos magiba na ang car door ni Ley, dahil sa sobrang lakas ng pagkalampag ni Marjo. Agad na tumawag ng guard si Ley para mapaalis si Marjo na patuloy pa rin ang pagkalampag sa car door. Kinikilabutan ako sa nakikita kong expression sa mukha nya namumula ito sa galit at nanlilisik ang mata habang pinagtatadyakan ang car ni Ley. Napabuntong hininga si Ley at agad na lumabas ng kotse para patigilin di Marjo sa pagsira ng kotse ni Ley. Pagkalabas ng kotse ni Ley agad kong pinindot ang lock button ng car ni Ley para di mabuksan ni marjo ang pinto ng car. Napansin ko ang pagpigil ni Ley sa galit nya, Nagkagasgas ba naman ang paboritong kotse nya eh! Saktong papalapit pa lang si Ley ay dumating na ang mga guard at agad na hinawakan ang mga kamay ni Marjo kaya naman ay nakampante na ako. Dahan-dahan akong lumabas ng car at saka tumingin ng masama kay Marjo, Biglang nag-soften ang expression ng mukha ni Marjo ng makita nya ako. Lalapit na sana siya sa akin ng medyo lumuwag ang hawak sa kanya ng guard, buti na lang maagap na napigilan uli sya ng dalawang guard. Pairap akong nagtuloy sa paglalakad papasok sa university kasabay ko si Ley malapit na kami sa gate ng dumating tatlo. Nagtataka silang bumaba sa kotse nila at napapailing na lang nang mapagtanto nila ang nangyayari. Nagsisigaw si Marjo habang hawak Ng dalawang guard.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD