SMM 2

1366 Words
CHANDRIA'S POV "This will be your first and last warning, Ms. Monteverde. You maybe my client but you don't have the right to touch me whenever you want." I pretended like nothing happened. Mabilis akong tumayo mula sa aking kinauupuan pero muntik na akong matapilo dahil sa hangover, mabuti na lang at nagawa kong makahawak sa gilid ng sofa malapit sa kinauupuan n'ya. Hindi ko alam kung paano kami nakarating sa hotel room na tinutuluyan nito pero natatandaan ko pa rin naman kung paano nagkrus ang landas namin dala ng kalasingan ko. I was intoxicated when he came inside the picture, nahawakan ko ang nakakatakam n'yang katawan pero napangiwi na lamang ako sa huli nang masugatan ako dahil sa labis na kapusukan. "Stay here 'till you sober." Kumunot ang noo ko nang mapansin ang tono ng pananalita n'ya. May diin iyon at para bang nag-uutos. Hindi ba ako ang dapat gumawa no'n? Ako ang dapat nagsasabi ngayon kung anong gagawin n'ya kapalit ng hiniling nitong reward mula sa akin. Dahil kung tutuusin, hindi puchu-puchu ang hinihiling n'ya, maaring masira ang itinatag kong pangalan sa oras na may gawin siyang kababalaghan sa ibibigay kong intel at maaring mawalan ng tiwala ang malalaking kompanyang nagtitiwala sa kakayahan ko. Muli akong bumalik sa pagkakaupo at napahalukipkip sa harapan nito. "When will you start?" madiin kong tanong na halatang ikinagulat n'ya. Tinatanong kung lang naman ngayon kung kailan mag-uumpisa ang trabahong gagawin nito para sa akin. Masyadong maiksi ang tatlong buwan kaya naman gusto kong malaman kung may nagawa na ba itong timeframe. Nasilayan ko kung paano nagbago ang ekspresyon ng gwapo n'yang mukha na para bang nakaramdam siya ng konting pagkadismaya sa akin. May nasabi ba akong masama? Bakit gano'n na lamang ang tingin n'ya sa akin? Bumuga siya ng marahas na hininga at walang emosyon akong tinitigan. Lihim naman akong napalunok dahil mas lalo lamang siyang gumwapo kahit blanko na nga ang ekspresyon ng mukha nito. "The very moment you told me about my mission, I began working behind your back, Ms. Monteverde." Awtomatikong nangunot ang noo ko, ibig n'ya bang sabihin hindi coincidence na nagkrus ang landas namin nang lumabas ako ng bar? Hinintay ba nito hanggang sa makalabas ako saka ako sinalubong para akayin papunta ng kwarto n'ya? "Kung totoo ang mga sinasabi mo, bakit dito mo ako dinala at hindi sa kwarto ko? Madali lang naman para sa'yong malaman ang lahat at kunin ang susi mula sa bag ko, hindi ba?" Muli siyang napabuga ng hangin at saglit na nakipagtitigan sa akin. "You requested the hell out of it, Ms. Monteverde. Ikaw ang nagsabi na dalhin kita sa kwarto at sabi mo pa—" Hindi ko sinasadyang mapatayo sa kinauupuan ko saka mabilis na takpan ng kamay ang bibig nito. Ayoko nang marinig ang sunod nitong sasabihin dahil alam kong magmumukha lang akong tanga, baka mamaya mamula na lamang ang buong mukha ko kapag nalaman kong tungkol sa virgin'ity ko ang narinig n'ya. Anong kahihiyan na naman ba ang ginawa mo, Chandria? Shocks! Ginawa ko ang lahat upang magmukhang inosente sa harapan nito, wala akong alam, hindi malinaw sa alaala ko ang lahat ng mga pangyayari kagabi. Nasa kagitnaan ako ng pag-iisip nang maramdaman ko ang mahigpit nitong pagkakahawak sa palapulsuhan ko. Ibinaba ko ang tingin sa mukha nito pero nanatili iyong kalmado sa gitna ng ginagawa n'ya sa akin. "Nasasaktan ako, Mr. Montero!" Tila wala sa sariling nabitawan nito ang kamay ko saka mabilis na napatayo sa kinauupuan. Konting push na lang talaga masasabi kong may attitude problem ang lalaking 'to. Naiintindihan kong maselan ang trabaho n'ya bilang isang assassin pero hindi naman ibig sabihin no'n mawawalan na siya ng social life, hindi ba? I offered him the best and sweetest reward he can get from me but he rejected it abruptly, tapos ngayon ayaw nitong mahawakan ko kahit hibla ng buhok n'ya? Wala naman akong balak na masama, maliban na lang sa nais kong himasin ulit ang matigas na pandesal sa loob ng sout n'yang black and black and walang katapusan nitong black outfit. "I told you not to touch me, right? Aren't you listening?" singhal nito. Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit naman hindi pwede? Huwag mong sabihing nandidiri ka sa ganda kong 'to? Bulag ka ba o nagbubulag-bulagan lang?" Inayos ko ang aking tindig para ipakita nang mabuti sa harapan nito ang babaeng sinayang n'ya kagabi at walang sawa nitong ipinagtatabuyan hanggang ngayon. Baka kasi namamalikmata lang siya kaya hindi nito na-aappreciate ang ganda ko o pwede din namang kinakabahan siya dahil sa akin. "You're my client but I don't have anything to do with you beside from that," madiin n'yang sambit. Napapantastikuhang kumunot ang noo ko. "So, ibig sabihin, mas gugustuhin mong magmatyag sa malayo kesa magpanggap na bodyguard ko? Paano kung ayoko at gusto kong nasa tabi lang kita?" Humugot ito ng malalim na hininga at muntik nang mapahawak sa kanyang sintido. Sinamantala ko naman ang stress na nararamdaman nito para pakatitigan ang mga mata n'ya at paamuhin ito. "Are you scared of me?" Tila nang-aasar na pinagkrus ko ang mga kamay sa aking dibdib hanggang sa gumuhit ang nakakalokong ngiti sa aking mga labi. "I maybe your client but you still find me irresistible, right? Kaya ayaw mong hawakan kita at mas lalong ayaw mong manatili sa tabi ko?" Hindi ko maintindihan kung saan nagmula ang lakas ng loob kong asarin ang kinakatakutang assassin ni daddy. Kahit sabihing sa mga oras na ito, para ko lang namang hinain ang sarili kong kaluluwa kay kamatayan. Walang gana nito akong tinitigan saka pinasadahan ng tingin. Hindi ko maipaliwanag pero may panlalamig akong naramdaman mula sa mga titig n'ya at kulang na lang hubaran ako ng mga mata nito mula sa aking kinatatayuan. Killer eyes, killer smile... Pakiramdam ko mamamatay ako hindi lamang sa sarap kung hindi literal na paglalamayan ako pagkatapos ng kalokohang ginagawa ko sa kanya. Nanatili siyang walang imik pero nakapako pa rin ang mga mata sa akin, wala naman akong nagawa kung hindi manahimik hanggang sa naramdaman ko na lamang ang pangangalay ng buong katawan ko habang nakatitig sa kanya. "You're too small and too fragile for me, kung nasaktan ka nang hinawakan ko ang kamay mo baka madurog ka kapag pumatong na ako sa'yo." Humugot ako ng malalim na hininga at napasinghap na lamang dahil sa narinig, pero mas lalo lamang akong nagitlang nang makitang may kung ano na itong hawak sa kanang kamay n'ya. Dahan-dahan at para bang ingat na ingat ang mga galaw nito habang humahakbang papalapit sa akin. "You look like an angel when you're sleepy, Ms. Monteverde." Sa isang iglap ay parang naubos ang natitirang lakas ng katawan ko at wala akong ibang nais kung hindi mahiga sa isang malambot at malawak na kama. "Do you want me to catch you?" anito nang magawa n'yang makalapit sa kinatatayuan ko. Ginawa ko naman ang lahat para umiling at gisingin ang sarili ko sa pamamagitan ng pagkagat sa pang-ibaba kong labi. Ayaw nitong hawakan ko siya pero sasaluhin n'ya ako ngayong nanghihina ako? Bakit? "I need your answer, Ms. Monteverde." Humugot ako ng malalim na hininga saka napailing ulit sa harapan n'ya. 'Get a grip of yourself, Chandria. Hindi ka pwedeng magpatalo sa ginagawa n'ya sa'yo," bulong ko sa aking sarili habang nakayukom ang isang kamao. Mabilis naman siyang napailing nang makitang mahigpit akong napahawak sa sofa. "Aside from being short, you're also stubborn yet strong-willed. Ano pa bang S ang mayroon ka?" Humugot ako ng malalim na hininga, hindi ko alam kung bakit inaasahan kong hahawakan nito ang katawan ko at sasamantalahin ang panghihinang nararamdaman ko. Nahihibang na yata ako sa ugaling ipinapakita ng lalaking ito. "You want me to save you from death but here you are seducing the hell out of me, isn't that funny, Ms. Monteverde?" Hindi lang doble kung hindi triple ang naging bilis ng tib0k ng puso ko nang marinig ang sinabi n'ya at para bang mas lalo akong nanlambot sa kinatatayuan ko nang makitang lumiwanag ang mukha nito. Is he smiling? Really? Gusto ko siyang sagutin pero mahaba na lamang akong napabuntong-hininga hanggang sa hindi ko na naintindihan kung ano ang huli nitong sinabi sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD