Donor

1136 Words
RAY’S POV Pagkatapos kong matingnan ang babaeng kinahuhumalingan ni Jeth ay sandali lang akong namalagi roon upang malibot ang napakalawak na farm na pagmamay-ari ng mga De Silva at pagkatapos ay nagpatuloy na rin ako sa aking biyahe bago pa mag-alas dos ng hapon. Sakto ang aking pagdating sa resort dahil sa hindi na gaanong mainit ang araw at nag-uumpisa na ring magkulay ginto ang kapaligiran dahil sa unti-unting papalubog na araw. Agad akong nakilala ng manager at ipinakilala sa lahat ng mga tauhan na naroroon, mapa- resort staff o restaurant. Mula sa inn staff, lifeguard hanggang sa mga cook at guards na nagbabantay sa resort. Matapos ang halos kalahating oras na pagpapakilala ay dinala ako ng manager sa pinakamagandang suite na nakatalaga para sa akin. Tanaw na tanaw mula sa aking kwarto ang malawak na dagat na tila ba sumasayaw sa ihip ng hangin at hinihigop ang kulay ng araw. Presko ang hangin, magandang tanawin at higit sa lahat ay walang polusyon. Medyo maingay pero naiintindihan ko naman dahil sa sabi ng manager ay may isang okasyon na gaganapin sa lugar na ito maya-maya lamang. Humiga ako sa malambot na kama at ipinahinga ang pagal kong katawan saka ko naisipang tawagan si Eoghan upang ipakita sa kanya ang ganda ng resort na kanyang ipinagawa. Naalala kong sinabi niya sa akin noon na isang beses niya pa lang napuntahan ang lugar na ito at ito ay ang araw na binuksan iyon pero nang tawagan ko si Eoghan ay mukhang nasa kalagitnaan ito ng isang family gathering. Hindi ko na ito inabala pa at agad ko ng pinatay ang tawag upang mabigyan ko sila ng pagkakataon na makapag-bonding. Mahigit isang oras din akong nagpahinga sa aking kwarto upang ipahinga ang aking katawan mula sa dalawang oras na biyahe mula Monte Cielo bago ako nagdesisyong bumaba. Naligo muna ako, nagbihis at nagsuot ng preskong damit bago nagtungo sa isang restaurant ng resort. Kalat na ang dilim sa paligid ngunit tila ba nag-uumpisa pa lang ang buhay ng beach resort dahil sa malakas na tugtog na nagmumula sa isang bar. Kumain lang ako sa restaurant saka ako muling kinausap ng manager. “Sir, tumawag po si Mr. Bergin kanina. Sinabi niya po sa akin na kayo na raw po ang kausapin ko regarding sa mga kailangan dito sa resort,” sabi ng manager. Napakamot ako sa aking batok dahil sa ang plano kong pagbabakasyon ay tila ba nauwi sa isa na namang trabaho. “Would it be alright if I look at this tomorrow? You know, medyo pagod kasi ako sa biyahe and I really wanted to relax for now.” “I understand, Sir. We can go to the Palm Reserve if you want, Mr. Dela Cuadra. Ipapakilala ko po kayo sa manager ng bar since hindi ko po kayo napakilala sa kanila kanina,” aya nito sa akin. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at sumunod ako sa kanya. Nag-uumpisa pa lang ang gabi pero may ilang mga bakasyunista na ang nag-iinom at nagsasaya. May iba pa nga na parang kanina pa umiinom dahil sa tanda ng kalasingan at ipinagpatuloy lang sa bar ang pagsasaya. Palm Reserve. Ang pangalan ng bar na ito na kasama pala sa pag-aari ni Eoghan na pinaghahatian namin ngayon. Ang akala ko ay simpleng bakasyunan lang pero hindi ko inaasahan na para rin itong Boracay at Palawan na kumpleto sa lahat ng kailangan ng mga turista. Matapos akong ipakilala ng manager sa mga tauhan ng bar maging sa management nito ay hinayaan na nila akong makapag-isa at mag-enjoy. I feasted my eyes on the people dancing upon the fine, powdery sand, a bottle of whisky in hand. Young women, whether foreign or local, swayed in rhythm, their bikinis and swimsuits shimmering beneath the glow of the night. Ang bawat isa sa mga ito ay may natatanging ganda subalit wala man lang sa kanila ang nagparamdam sa akin ng kagaya sa nararamdaman ni Eoghan. Kahit na sinabi ko na hindi ako magiging katulad nila, may mga pagkakataon pa rin na curious pa rin ako kung ano ba talaga ang pakiramdam ng magmahal. Piniksi ko ang kung anumang bagay na pumapasok sa aking isip at muling itinuon ang aking atensyon sa mga taong nagkakasayan. May mga babaeng lumapit sa akin upang makipagkilala o di kaya ay makipagkaibigan. Mga babaeng sa tingin pa lang ay alam ko na kung ano ang nais pero hindi ko alam kung bakit parang wala akong ganang makipaglaro ng apoy sa kahit sinuman sa kanila sa kabila ng naggagandahang katawan na nakahain sa akin. Siguro ay pagod lang talaga ako sa biyahe at sa napakaraming trabaho sa lungsod. Hindi birong pagsabayin ang pagiging doktor at pagiging negosyante. Sa huli ay napagdesiyunan kong umalis sa lugar na iyon at magtungo sa dalampasigan, ilang metro ang layo mula sa maingay na lugar na iyon. Sandali akong nakaramdam ng kaginhhawaan nang mawala sa aking pandinig ang nakabibinging ingay. Tanging ag daluyon ng paghampas ng alon sa dalapasigan ang siyang aking naririnig. Umupo ako sa pinong buhangin, at inilapag ang dalawang lata ng beer saka tumingin sa kawalan. This is what you called vacation. Bakasyon dapat sa stress at ingay. Lahat ng tao, kapag napapagod ay kailangang magpahinga. Hindi lang ang katawan dahil maging ang isip ay kailangan ding ipahinga. Ilang minuto ko pa lang ninanamnam ang katahimikan ay may isang estranghera ang pasuray-suray na naglakad patungo sa aking direksyon. Parang lango ito sa alak at wala sa sarili habang patuloy sa paglalakad kahit pa ilang beses na itong muntik ng matumba at parang nagsasalita kahit na wala naman itong kausap. Bigla akong nataranta nang lagpasan niya ako at magdire-diretso sa dalampasigan. Bago pa man ito makapunta sa malalim na parte ay agad ko itong hinila. “Miss! Anong ginagawa mo? Gusto mo na bang magpakamatay?!” bulyaw ko rito nang mahila ko ito sa kaninang kinauupuan ko. Unang araw ko pa lang sa resort na ito pero mukhang may gusto na magpatiwakal. Malas sa negosyo lalong-lalo na sa ganito kapag may namatay. Napahilamos ako sa aking mukha sa isiping may namatay na kaagad sa resort sa unang araw na ako ang may hawak. Pinaupo ko ito at tumabi ako sa kanya upang mapigilan ko ito sa kanyang balak pero sa halip na magpumilit ay nakatuon lamang ang kanyang mga mata sa akin. Naniningkit ang kanyang mga mata habang titig na titig sa akin bagay na aking ikinapagtataka. “Miss, okay ka lang?” “Gwapo ka naman, mukhang pwede ka na maging donor,” bigla nitong sabi. “Donor? Donor ng ano?” mas lalong kumunot ang aking noo. Sumagip lang ako ng buhay pero mukhang magkakaroon pa ako ng obligasyon. Pero mas lalo akong nagulat dahil hindi inaasahan ang kanyang sagot. “Sp.erm donor,” sagot nito saka ngumiti ng ubod ng tamis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD