Chapter 2

1499 Words
"Buwaya! Nakakainis. Akala mo kung sinong magagaling 'yun naman pala eh madudumi ang mga kamay at konsensya..." halos ibato ko na ang platong hawak ko sa sobrang inis. Ang lakas ng loob na sisantehin ako at mas piliin ang empleyadong may maduming taktika kaysa sa akin na malinis naman ang konsensya. "Nanggigigil ako sa iyo, Kyle Chexter! Akala mo napakatalino dahil lang Attorney eh nangongopya lang naman sa akin noong highschool!" Pabagsak kong ibinato ang kutsarang hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang nasabunan. Kamuntikan pang mabasag ang paborito kong tasa na may disenyong babaeng nakapayong nang masagi ko dahil sa inis. Isang oras na yata akong nakatayo rito sa harap ng lababo ko, hinuhugasan ang mga platong ginamit ko kagabi. Hindi mawala sa isipan ko ang nangyari kahapon sa opisina. Paulit-ulit na nag pe-play sa utak ko ang mga sinabi ni Chexter at napanaginipan ko pa ang mukha ni Jinky kaya naman umaga pa lang ay wala na ako sa mood. Sino ba naman kasing matutuwa kung hanggang panaginip eh ha-hunting-in ako nang l*cheng babaeng iyon with her annoying grin. "Sana ayos ka lang, Joseph..." masamang tingin ang ipinukol ko sa labing isang taong gulang na batang lalaki na si Bryle na kapit-appartment ko. "Siguro hiniwalayan ka ng jowa mo kaya ka ganyan ngayon? O kaya ay natanggal sa trabaho dahil nagmamagaling o 'di kaya ay 'di ka marunong makisama?" Aba'y- itinutok ko sa kaniya ang hawak kong hose na siyang ginagamit kong pandilig sa mga halaman. Mabilis siyang tumakbo habang sumisigaw, tinatawag ang nanay niya dahil sa ginawa ko. Hindi naman talaga ako pumapatol sa mga bata pero sadyang inis lang ako ngayon at sinabayan niya pa ng pang-aasar kaya naman bahagya ko siyang napagbuntungan ng inis. Ipinagpatuloy ko ang pagdidilig ng halaman, pati na rin ng lupa para kapag nagwalis ako mamaya ay hindi maalikabok. "Natanggal ka sa trabaho?" Nilingon ko si Aling Nida na kadarating lang at may hawak na walis tingting. Inayos ko ang hose at itinabi sa gilid saka kinuha na rin ang walis ko. "Narinig ko ang usapan ninyo ni Bryle kanina." Ano nga bang bago? Lahat yata ng kapitbahay ko, updated sa nangyayari sa buhay ko. "Opo. Kaya nga po maghahanap ako ng baging trabaho nito." "Bakit ka ba natanggal? May babae ka sa opisina 'no?" Bahagya akong umiwas at pinilit na tumawa nang magtangka siyang itusok sa akin ang walis na hawak niya. "Naku, hindi po. Sadyang nagkaproblema lang po kaya ganito..." nagtagal pa ng ilang sandali ang pag-uusap namin. Marami siyang ikinuwento dahil daw miminsan lang nila ako makita at kailangan kong maging updated sa mga pangyayari sa lugar namin. Pati nga iyong nanakawan na isang business man sa kabilang kanto ay naikuwento niya. Napaisip pa ako kung isasama ko siya sa pag-a-apply ng trabaho para mapakinabangan niya ang matalas niyang mata at tenga, pati memorya na kahit isang linggo na ang nakalilipas ay tanda pa rin niya ang bawat detalye sa isang pangyayari. Ang kaso, hindi ko sigurado kung tama ang lahat ng impormasyon na nakakalap niya. Pagbalik ko sa loob ng maliit kong appartment ay wala na akong inaksayang oras at agad na akong nagtungo sa harap ng laptop para magkapag hanap na ng trabaho. Pumunta ako sa iba't ibang webistes na alam ko ngunit sadyang minamalas yata talaga ako ngayon, wala akong makitang trabaho. Nilingon ko ang cellphone kong bigla na lang naglikha ng ingay dahil sa isang tawag na galing kay Chexter. Pinatay ko iyon at ibinato ang cellphone sa aking kama saka nagpatuloy ulit sa paghahanap ng trabaho. Sa isang website kung saan iba't ibang trabaho ang makikita ay nagpasa ako ng maraming resume. Hindi ko na inalintana kung may koneksyon ba ito sa dati kong trabaho basta nagpasa na lang ako nang mga papel sa mga may magagandang position at pasahod. May iilan pa aking nakitang malalaking kompanya na hiring kaya naman hindi ko na pinag-isipan pa at nagpasa na lang ako ng papel. Mas maraming mapapasahan, mas maganda. Marami akong pagpipilian kung sakaling sabay-sabay o 'di kaya ay sunod-sunod silang tatawag sa akin. Muling tumunog ang cellphone ko dahil sa tawag ni Chexter. Hindi ko alam kung anong kailangan ng lalaking ito pero hindi ko sinagot ang tawag niya. Bahala siyang manigas diyan. Nagpatuloy ako sa pags-scroll sa mga website. Noong una ay purong paghahanap lang ng trabaho ang pakay ko ngunit isang kakaibang balita na galing sa isang journalism website ang pumukaw ng atensyon ko. "Bagong Baryo: Killer of Child?" Bulong ko bago tuluyang binuksan ang nasabing website. Bumungad ang isang litrato ng batang babae na nakahandusay sa lupa, walang buhay. Ang mukha niya ay natatakpan ng kaniyang mahabang buhok habang ang damit niyang kulay puti ay puno ng kulay pulang guhit. Ang bawat guhit ay iba-iba ang dereksyon, tila gaya sa isang abstract painting. "Isang karumaldumal na krimen ang bumabalot ngayon sa Bagong Baryo sa Bayan ng Assunta, Probinsiya ng Bataan. Ang bawat manamayan ay natatakot na dahil sa sunod-sunod na pagkamatay ng mga bata sa kanilang lugar at hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy kung sino ang may sala..." Kumunot ang noo ko habang binabasa ang buong artikulo. Ayon dito, ilang buwan na nang magsimula ang ganitong pangyayari at hanggang ngayon ay hindi pa rin nila natutukoy kung sino ang pumapatay at maging suspect ay wala sila? Gaano ba kaluma ang pamamaraan ng pamumuhay dito at ganito kabagal kumilos ang mga namumuno sa kanila? Matapos basahin ang artikulo ay agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Chexter. "Joseph! Finally! Nasaan ka?" Bungad niya. "Chex, alam mo ba 'yung lugar na Bagong Baryo dito sa atin, particularly in Assunta?" Usal ko habang sinusubukang humanap ng iba pang article patungkol dito. "Bagong Baryo? Familiar but hindi ko alam kung saan iyon. Why?" "I was looking for work a while ago and I saw an article about this Baryo. According to what I've read, children in this Baryo are being killed for a long time now but up to this days, wala pa rin silang lead sa kung sino ang killer..." "And?" "I think this case is a big scoop. Malaking opportunity ito kung mahuli natin ang killer. This will benefit the company dahil sa tinagal-tagal ng ganitong pangyayari, tayo ang makakahuli sa killer." "You're not part of the company anymore, Joseph..." natigilan ako. Oo nga pala, kahapon lang ay nasisante ako. Bakit ko nga ba siya naisipang tawagan? "But do you really think this one's a big case?" "Of course! Ilang buwan nang may p*****n sa kanilang lugar and yet kahit suspect ay wala sila. If iimbestigahan natin ang kasong ito, at mahuli ang killer, malaki ang tyansa na mailabas iyon sa balita at sa ganoong paraan ay makikilala lalo ang firm!" Ilang sandaling namutawi ang katahimikan sa pagitan namin. Wala na akong mahanap na ibang article patungkol sa pangyayaring iyon kaya't bahagya rin akong nagdalawang isip kung totoo bang may ganoon nga. Paano kung fraud ito? "Alright. What do you want me to do then?" Napakurap ako sa tanong niya. Ano nga ba? Ako ang nakahanap sa case na ito and ang naisip ko agad ay makikinabang ang company ng kaibigan ko na kahapon lang ay sinesante ako... hindi ba't tama lang kung hihingi ako ng kapalit? Napangisi ako nang may maisip. "I don't think papayag ka..." Nagbuga siya ng malalim na hininga. "Tell me." Mas lalong lumawak ang ngisi sa labi ko. "I'll do it just for this case. I realized you have a point. Malaking kaso ito at makikinabang ang company rito." "Aminin mo lahat ng maling nagawa mo, including tampering evidences, if ginawa mo nga. Sue Jinky for her wrong doings. Start your firm from scract and make sure na malinis na ang pamamaraan niyo ng pagbibigay ng justice." Muli siyang natahimik sa sinabi ko. I guess it's only right to ask this thing lalo na at makikinabang din naman ang company sa kasong ito kaya ayos lang kung makinabang din ang mga tao sa company. Alam kong hindi lahat ng tao ay may mabuting puso at malinis na konsensya but alam ko rin na lahat ng tao ay may tyansang magbago. I am giving them this opportunity to correct what they think they did wrong. "Alright. Pero hindi mo ba hihilingin na ibalik kita sa trabaho?" Ang buong pag-uusap namin ni Chexter ay umikot sa kasong ito. Nag-utos na si Chexter sa mga tauhan niya na alamin kung saan dito sa Bataan ang lugar na iyon at bukas na bukas ay aalis na ako at magtutungo sa Bagong Baryo. Hindi ko alam kung may ipasasama si Chexter sa akin sa mga tauhan niya ngunit ayos lang kung wala. Mas gusto ko nga kung wala dahil malaya akong makakakilos at mas makakapag-focus ako sa trabaho nang walang ibang iniintindi. Sa gabing iyon ay inayos ko ang mga gamit na kakailanganin ko. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin sa Baryong iyon pero sigurado akong hindi magiging masaya ang mga pangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD