Si Arturo. Siya ang killer. Sa huli gabi na kasama ko si Tan-tan bago siya namatay...binibigkas niya ang pangalan ni Arturo. Doon pa lang, naghinala na ako. Bakit sa dinami dami ng pangalan at tao sa Assunta, bakit si Arturo? Sa nagdaang araw matapos iyon, naging mapagmasid ako sa galaw ni Arturo. Pinipilit man ng isip ko na hindi makakaya ni Arturo ang pumatay ng tao pero may parte sa akin ang nagdadalawang isip. Totoo kayang hindi si Arturo ang pumatay? Sa pagdaan ng araw, habang naghahanap ako ng mga ebidensya at nagtatrabaho, mas nagiging kahina hinala siya sa mga kilos niya. Nandyan ang panay kong nahuhuli siyang binabasa ang iilang confidential files na sinusulat ko kahit sa pagkakakalala ko'y naitago ko naman iyon. At ngayon nga na hawak ko ang isang papel na sulat kamay ng bat

