Chapter 2

1788 Words
“Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday. Happy birthday to you.” Wala ako sa sarili habang sumasabay sa pagkanta at pagpalakpak. Nilingon ko ang kapatid ko na ngayon ay five years old na at umiiyak habang nakatayo sa upuan. Kanina pa kasi nitong gusto i-blow ang candle pero ayaw pa ni mama hangga’t hindi pa siya nakakantahan. “Ma, hayaan mo na nga si Jaxon sa anong gusto niya. Naririndi ako sa iyak,” sabi ni papa at nakasuot pa ng party hat. Hays. Hindi maalis sa isip ko ang nakita ko kahapon. Alam kong si Yara yun, katawan palang at mukha. Pero hindi naman niya ako maalala. Mukha ba akong undefinable.. unreliable.. basta mahirap ba akong kilalanin? Apat na beses ko palang siya nakikita sa dalawang taon. Una nung last last September na nagsusurfing kami at sinampal niya ako. Padalawa nung Siargao Surfing Cup last September. Patatlo ay sa café at ang pag-apat ay kahapon, September 1. Hindi ko na nga lang alam ngayon kung makikita ko ulit siya pero…. wait! September… September… September…. s**t! “September!” napasigaw ako nang malakas ng may napagtanto. Bakit ngayon ko lang napansin? Every September ng taon ko siya madalas nakikita dito sa Siargao. “Jusmio! Bakit ka ba sumisigaw Jaron? Magtawag ka pa ng kapitbahay sa labas at papuntahin mo dito,” utos ni mama pagkatapos ay hinagisan pa ko ng party hat. Napatawa ako ng wala sa sariling naiisip na baka nandito pa sila sa Siargao. Diretso kong kinuha ang susi ng EVO ni papa na nakasabit sa may entranceway. Hindi ko pinansin ang tawag ni mama at dumiretso na sa labas para makasakay. Kanina pa akong naglilibot dito sa Del Carmen at Pilar, nagbabakasaling makikita ko siya alinman sa lugar dito. Pero s**t, alaws! Sigurado akong dito lang yun pero pwede ring sa hotel o sa may resort. Imposibleng dito siya nakatira dahil hindi ko marinig sa kaniya ang punto namin. Pwedeng bakasyonista at tuwing September lang sila pumunta dito. Nakaabot na ako sa General Luna pero ni anino niya ay hindi ko makita. Nagpa-gas na din ako dahil baka mamaya ay maubusan ako ng gasolina sa kakaikot. Halos gabi na din. Madilim na ang langit at unti-unting nagkikislapan na ang mga ilaw sa daan. Napabuntong hininga ako at nagpasyang dumaan muna sa Cloud 9 boardwalk para magsigarilyo. Bumaba ako ng sasakyan at naglakad papalapit ng boardwalk. Madaming couples ang naglalakad at magkaakbay. Napasmirk ako. Hindi naman ako naiinggit dahil hindi lang akbay ang kaya kong gawin dito sa boardwalk. Sheesh! Tumigil ako sa may bandang dulo at sinindihan ang sigarilyo. Kitang-kita na ang buwan. Dinig na dinig na din ang mag nagkakantahan sa may malapit na resort dahil tahimik ang lugar. Bumuga ako ng usok at inisip ang ginawa kanina. Natatawa ako sa sarili ko. Para akong baliw sa kakahanap sa kanya sa bawat lugar dito. Ni hindi ko nga alam kung iniisip niya ko lalo pa at hindi naman niya ako maalala nung nagkita kami kahapon. Ito na siguro ang karma na sinasabi ni Randal. Sa dami ba naman ng babae ang dumaan sa buhay ko, dito pa talaga ako mababaliw sa walang pakialam sa ‘kin. Hindi ko na tuloy napigilang mapatawa nang malakas. “What are you laughing at?” Gulat akong umikot at tinignan ang pinaggalingan ng boses sa may likod. Akala ko multo pero isang babae ang nakita kong nakaupo sa may dulo ng boardwalk habang nagddrawing sa may sketchpad. May kaunting ilaw na nanggagaling sa cellphone niya na nakatutok sa sketchpad. “Shuta! Kagulat ka naman!” gulat na sabi ko at agad tinapon at inapakan ang sigarilyo. Lumapit ako kaya napatingin siya sakin. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya kaya nung nilipat niya ang cellphone niya sa sketchpad papunta sa banda ko ay bigla akong nagulat. “Yara?” Tumigil ako saglit at naghintay na may sabihin siya pero nagpatuloy siya sa pagddrawing at nilakasan ang flashlight sa cellphone. Huminga ako sa palad ko para amuyin ang hininga ko kung amoy ba ang sigarilyo. Napamura ako sa isip na medyo menthol nga ang amoy. f**k this! Pinahid ko ang palad ko sa shorts at umupo na katabi niya. “Ako na maghahawak ng cellphone mo.” Nagulat ako ng bigla siyang sumulyap sakin saglit bago inabot sakin ang cellphone niya. Ang lapit ng mukha niya sakin! Pero parang wala naman siyang pakialam dun. Hmm. “Sana naman naaalala mo na ako ngayon?” tanong ko at sulyap sa dinodrawing niya. May malaking buwan sa gitna at hugis ng dagat sa may ibaba. Wala iyong kulay at puro shade lang ang ginagawa niya sa mga alon. s**t ang galing! “I don’t know who you are.” “Anong hindi? Ang bilis mo naman makalimot.” Tumigil siya at tumingin sakin. Kitang-kita ko ang maliit na taling niya sa may ibaba ng labi. “Really? What’s your name then? Pedro?” “Pedro?” Gusto ko ng itapon ang cellphone niya sa dagat sa mga pinagsasabi niya. “Okay, sorry for disturbing your smoking rendevouz but really, I don’t know who you are.” “Ah, at talagang kinalimutan mo na ang mga pagtataray mo sakin ha?” “Honestly yes,” sabi niya at nagpatuloy sa ginagawa. “Wow! Okay, my name is baby.” Akala ko kokontrahin niya ang sinabi ko pero napatawa siya ng konti sabay sabi ng “Nice to meet you, baby.” Fuck! Gusto kong magmura ng malakas! Nakaangat pa rin ang labi niya kaya hindi ko na rin napigilang mapatawa ng konti. “So saan ka nakatira, Yara?” tanong ko. “Who’s Yara?” “Ikaw. Hindi ba Yara ang name mo?” “No!” umiling-iling siya at may binura sa drawing. “Ha? Edi ano palang pangalan mo?” So all this time mali pala talaga ako ng pagkakaalam sa pangalan niya? Naalala ko tuloy yung sinabi ng kuya niya sa may boardwalk. “Serena Kai Allen. Kai for short.” Mamahalin… luluhuran… pakakasalan… mine ko na ‘to! Sheesh! Okay ikalma mo Jaron! “Saan ka pala nakatira?” “I’m from Batangas but we have a resort here in Siargao,” tapos tinuro niya ang di kalayuang resort na may nagkakantahan. “And my brother loves surfing. September is the besy time for surfing here in Siargao right?” Tumango ako at napatingin sa hawak niya sa kanang kamay. Hindi ko tuloy napigilang punahin yun. “Bakit ka nga pala laging may dala nyan?” turo ko sa panic button na dala niya. “Oh this?” aniya at winagayway sa harap ko ang maliit na pulang bilog. Tumango ako at inilawan ng konti ang mukha niya. Umiwas siya ng tingin sa liwanag at hinampas ako sa braso. “I have to,” bigla siyang nagseryoso. “Bakit? Safe ka naman dito..” at nandito naman ako. Gusto ko sanang idugtong pero hindi nalang ako umimik. “I have Anterograde Amnesia. I always forgot what happened everyday after sleeping. Sometimes even my name, where I live and where I am.” Sumikip bigla ang dibdib ko. Amnesia? ‘Yun ba yung walang maalala? Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko pero hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Napansin niyang napatigil ako kaya bigla niyang kinuha sakin ang cellphone at pinatay ang flashlight. Binaba din niya ang sketchpad at umupo nang maayos. “My family met a car accident six years ago in Batangas. That’s the reason why I’ve got this, Anterograde Amnesia.” Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung nagugulat ba ako dahil nag-oopen siya sakin o dahil ba sa mga sinabi niya. Hindi ko maproseso ang lahat. Ilang minutong katahimikan sa pagitan namin. Nang maramdaman kong tatayo na siya at aalis ay pinigilan ko siya. “Saglit lang. Pwede bang maupo ka muna?” “Okay,” sagot niya at umupo sa tabi ko. Pareho kaming nakaharap sa dagat at nasisilayan ang mukha ng buwan. Huminga ako nang malalim at tumikhim. “Hindi ko alam ang sasabihin ko, sa totoo lang.” “Wala ka naman dapat sabihin,” sagot niya. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko. Natatakot akong sabihin ang mga nasa isip ko dahil ayaw kong maramdaman niyang naaawa ako sa kaniya. Kung tama bang maramdaman ko ang awa o ang panghihinayang. “Kaya pala hindi mo ako naaalala kapag nagkikita tayo. Akala ko nagpapakipot ka lang sakin kasi pogi ako.” “No!” at tumawa siya nang malakas. Ang sarap pakinggan ng tawa niya kaso.. “Really, I can’t remember you. But I hope I did well during those times.. or not?” Nagkibit ako ng balikat. “Medyo. Sinampal mo lang naman ako hehe,” nagkamot ako ng ulo at nagpatuloy. “Akala ko pala Kai ang pangalan mo kasi narinig ko sa kuya mo na tinawag ka ng ganon.” Umiling siya. “Nope. But I usually pick my name whenever I forgot it.” “Holy cow! Don’t tell me, hindi na naman Kai ang name mo?” Tumawa siya nang malakas at nagbukas ng flashlight bago pinakita sakin ang tattoo sa may balikat niya. Serena Kai Allen ang nakasulat at nakacursive. Pinatay niya ang flashlight pagkatapos. “Bakit mo makakalimutan ang pangalan mo kung nandyan lang pala ‘yan?” turo ko sa may balikat niya. “But I sometimes forgot that I have a tattoo here too.” Tumango ako. “Hindi ba mahirap ‘yan?” “Ang alin?” “’Yung hindi mo maalala ang mga nangyayari sayo everyday?” Huminga siya nang malalim at tumayo. Kinuha ko ang sketchpad na naiwan niya at tumayo na din. “I don’t know. Siguro nasanay nalang din ako. And I have my brother who guides me everyday.” Sa pagkakataong iyon ay nakarinig kami ng sigaw sa may dulo ng boardwalk. “Kai!” Nagkatinginan kami bigla. “That’s my brother for sure.” Inabot ko sa kanya ang sketchpad pati ang lapis. “Gusto ko sanang samahan ka hanggang dulo ng boardwalk kaso…” Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang humakbang na siya papaalis at tumango sa akin. “I understand. Magagalit din si kuya.” Napakagat ang labi ko at sa pagdaan ng liwanag mula sa buwan ay nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. “Are you turned off?” biglang tanong niya. Hindi ko alam. Siguro? Medyo? Ewan? Nang wala siyang nakuhang sagot ay tumango siya at ngumiti. “So, goodbye baby! Ingat ka pag-uwi!” sigaw niya at tumakbo na papalayo ng boardwalk. Ako? Nakatulala lang at tinititigan ang buhok niyang sumasabay sa pag-ihip ng hangin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD