Chapter 20

2562 Words

Past Kori's Point Of View "Pasensiya ka na, galit ka naman agad sa akin,"naka-simangot na sabi ni Tine, "Hindi mo ba ako namiss?" "Namiss kita,"sabi ko, ngumiti naman ito nang pagka-lawak-lawak at yayakapin na naman ulit ako nang pigilan ko siya, "Ngunit isipin mo naman na may misa ngayong araw at maari kang maka-disturbo sa kanila."  "Opo,"tugon nito at humalukipkip, "Ano pala ang ginagawa mo rito?" "Hindi ba at ako dapat ang nagta-tanong sa iyo patungkol diyan?" Tanong ko sa kaniya at tinaasan ito ng kilay. napa-kamot naman siya sa kaniyang ulo atsaka bumuntong-hinga. "Gusto ko lang sana tignan ang mga taong dumalo sa misa ngayon, ngunit, hindi ko naman inaasahan na ikaw pa ang makikita ko,"saad nito. "Ano ba ang ginagawa mo rito?" Tumalikod na ako at kinuha ang susi na binigay ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD