Chapter 13

3000 Words
Past Kori's Point Of View Nagising ako dahil sa isang mahinang katok mula sa pinto nang aking kwarto. Nagda-dalawang isip pa ako na bumangon ngunit naalala ko na babalik na nga pala ako sa pag-eensayo ngayong araw. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at tinaggal ang kumot na naka-takip sa aking katawan. Tumayo na ako mula sa aking kama at dumeritso sa pinto. "Handa ka na ba?" Tanong ni Sister Mayeth na may dala-dala na naman na lampara sa kaniyang kamay at nakatingin sa akin. Tinignan naman nito ang buong katawan ko mula sa ulo hanggang paa at napa-buntong hininga, "Tama nga siguro na pinuntahan pa kita rito, akala ko pa naman ay gising ka na." "Magandang umaga po, Sister Mayeth,"bati ko at yumuko sa kaniya, "Pasensiya na po kayo at nakalimutan ko ang tungkol sa aking pag-eensayo ngayong araw. Magmamadali na po ako sa pagbihis." "O' siya, dalian mo na riyan at kailangan mo pa kumain bago tumuntong ulit sa bato,"sabi ni Sister Mayeth at tumalikod na sa akin. Nang hindi ko na ito makita ay agad ko nang sinarado ang pinto at kumuha ng damit. Nagbihis na ako atsaka nagmamadaling lumabas ng aking kwarto dala-dala ang isang basket na naglalaman din nang isa ko pang damit. "Aalis ka na ba?"  Napatingin naman ako sa aking likod nang marinig ko mula rito ang nagsasalita, si Sister Kara pala at may dala-dala ring basket. "Opo, kailangan na po namin umalis ni Sister Mayeth nang maaga sapagkat kakain muna kami ng almusal doon,"tugon ko. "Sasama ako sa inyo, gusto ko lang makita kung ano ang ginagawa niyo sa pag-eensayo mo." Sabi ni Sister Kara. "Okay lang po ba sa inyo 'yon?" Tanong ko sa kaniya habang patuloy pa rin kami sa paglalakad patungo sa labas na kung saan naghihintay si Sister Mayeth. "Siguro ay pipigilan ako ni Sister Jai kung malalaman niya na sasama ako sa inyo, ngunit gusto ko lang naman masigurado na ligtas ka roon at walang panganib sa paligid mo." Paliwanag nito. Tumigil naman ako sa paglalakad at humarap kay Sister Kara. "Sa katunayan niyan po ay wala naman kayong dapat ipangamba. Ligtas naman ang gubat at nandoon naman si Sister Mayeth upang ilayo ako sa kapahamakan,"paliwanag ko sa kaniya. Huminga naman nang malalim si Sister Kara at yumuko. "Ayaw ko lang naman may mangyaring masama sa iyo dahil sa ensayo na 'yan,"sabi ni Sister Kara. "Nandoon naman ako, 'wag kang mag-alala hindi ko papabayaan ang alaga mo. Atsaka isa pa, kapag nalaman ito ni Sister Jai ay tiyak malalagot ka na naman sa kaniya." Sabay na napatingin naman kami ni Sister Kara sa madre na kararating lang. "Sige na, basta siguraduhin mo lang na ligtas itong alaga ko Sister Mayeth,"bilin ni Sister Kara kay Sister Mayeth. "Huwag kang mag-alala. Isa pa, alaga natin Sister Kara, alaga natin." Saad nito at kumaway sa akin upang palapitin ako.  "Babalik din po ako agad,"sabi ko at yinakap si Sister Kara.  "Mag-iingat ka,"bilin ni Sister Kara sa akin. Tumango lang ako sa kaniya at lumapit na kay Sister Mayeth. Tumango lamang ito at nagsimula nang maglakad pababa nang hagdan. Ilang sandali pa ay tuluyan na kaming nakababa ay nakasalamuha naman namin si Sister Jai at Father. "Magandang umaga, Sister Jai at Father,"bati ko ay yumuko. Naramdaman ko naman ang paghawak ng isang malambot na kamay sa balikat ko na naging dahilan nang aking pagtayo ng matuwid. "Aalis na ba kayo?" Tanong ni Sister Jai at ngumiti sa akin. "Opo, Sister,"tugon ko rito at ngumiti. "Kung gayon ay sa tingin mo sa susunod na araw ay babalik ka na rito?" Tanong ulit nito at tumingin kay Sister Mayeth na umiling lamang. "Hindi ko po alam Sister Jai, maaring madali lang po ang pangunang stage ngunit hindi ko na po alam ang susunod." Paliwanag ko sa kaniya. "Gamitin mo lang ang iyong oras nang tama. Gagabayan ka nang ating panginoon sa iyong pag-eensayo at naririto lamang kaming lahat at naghihintay sa iyo,"sabi ni Father at lumapit sa akin. "Hindi ko aakalain na may talentadong alaga tayo rito sa ating simbahan. Maging mabuti ka lamang at gamitin ang iyong kapangyarihan sa mabuti." "Opo, father. Huwag po kayong mag-aalala, hindi po ako magbabago at gagamitin ko po ang kapangyarihan ko sa aking kapwa na nangangailangan nang tulong." Tugon ko rito at ngumiti. "Kung gayon ay sigurado naman na tapos na ang iyong klinika sa pagbalik mo,"saad ni Father at lumingon kay Sister Jai na ngayon ay nakangiti. "Anong klinika ang ibig niyo po sabihin, Father?" Tanong ko rito. "Isang klinika na binabalak mong ipatayo kapag tapos ka na sa pag-eensayo, iha,"tugon ni Sister Jai. Klinika na binabalak ko? Hindi kaya ay ginagawan na nila nang paraan iyong klinika na sinasabi ko noon pa? Iyong klinika na gusto kong ipatayo upang doon na lamang pumunta ang mga tao sa akin na gustong-gusto magpagamot? "Napag-desisyunan ni Father at Sister Mayeth, kasama na rin ako na simulan na ang pagpapagawa nang iyong klinika. Marami ang tumulong dito kung kaya ay sinisigurado ko na sa pagbabalik mo ay tapos na ito." Saad ni Sister Jai at hinawakan ang kamay ko. "Hindi ko aakalain na lumalaki ka na. Ang bilis lamang nang panahon at ngayon ay kaya mo na tumayo sa sarili mong mga paa. Masaya ako para sa iyo anak,"ani ni Sister Jai. Napa-ngiti naman ako rito at yinakap si Sister Jai. Hindi naman ako mapupunta sa ganitong sitwasyon kung hindi dahil sa kaniya. Hindi ko rin naman makakamit ang ganitong abilidad kung hindi nila ako tinulungan. Sila ang rason kung bakit lumaki akong mabait at may respeto at awa sa kapwa. "Salamat po sa inyong lahat, Sister. Ang bait-bait niyo po sa akin." Saad ko at kumalas na sa yakap, nakita ko naman ang pagpahid ni Sister sa kaniyang pisngi na sa tingin ko ay may tumulong luha mula rito. "Walang anuman iyon, oh siya! Umalis na kayo at baka maabutan pa kayo nang umaga." Sabi ni Sister Jai at ngumiti sa amin. "Paalam po, babalik po ako pangako!" Sabi ko at sumunod na kay Sister Mayeth na nauna nang umalis sa akin. Ilang sandali pa ay nakalabas na rin kami ni Sister Mayeth sa aming tinutuluyan. Tahimik lamang itong naglalakad sa aking harapan at wala yatang balak magsalita o kausapin ako. May kasalanan ba akong na gawa sa kaniya? O dahil iyon sa sinabi nito kagabi? Hindi ko naman inaasahan na ganoon pala ang nangyari sa kaniya noon, akala ko ay dahil lang sa nagulat ito na napunta ako sa ilalim nang dagat kaya iyon ang naging reaksiyon niya pero mali pala ako. Isa pala siyang biktima sa galit nang mga sirena noon. Mabait naman sila, siguro ay nagpapasalamat na rin ako sa aking kapangyarihan sapagkat kung hindi dahil doon ay maaring inatake na rin ako nang mga iyon noong nandoon pa ako. Naalala ko na naman tuloy ang pusit na iyon. Kung hindi ko sana tinulungan ang sirena na iyon na tinatawag nilang prinsesa, ay siguradong inatake na ako nang walang awa. Hindi ko rin inaakala na isa iyon sa mga alaga nang prinsesa. Bakit kaya kailangan galawin nang mga tao ang mga sirena na sa katunayan niyan ay wala naman silang ginagawa sa mga tao. Hindi naman sila sinasaktan at sa katunayan niyan ay tinulungan pa nga siguro nila tayo upang mas maparami ang isda sa dagat. Hindi ko lang sila maintindihan, labis nga ang pasasalamat ko sa mga ito dahil sa biyayang binigay nila sa akin noong nandoon ako. Binigyan nila ako ng pagkakataon na makahinga sa ilalim nang tubig, magkaroon nang buntot, gamitin ang tinatawag nilang Daloy ng Enerhiya at iba pa. Hindi ko lang alam kung bakit iba ang naging resulta nang pag-eensayo ni Sister Mayeth noong mga panahon na iyon. Napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa aking paligid. Napakalamig nang hangin, napaka-tahimik, napaka-matiwasay nang paligid. Ang sarap manatili sa lugar na ito at dito magpahinga ngunit iyon lang ay kung gusto mong mamatay nang maaga. Tahimik pa rin kaming nagla-lakad patungo sa kung saan ang talon nang biglang may tumalon na mga lobo sa harap ni Sister Mayeth. Malalaki ang mga ito at tila namumula ang kanilang mga mata. Hindi ko alam kung saan ito galing ngunit isa lang ang nararamdaman ko ngayon, iyon ay ang takot. Bakit bigla-bigla na lang silang sumusulpot? Akala ko ba walang hayop na katulad niyan ang pumupunta sa lugar na ito? Hindi ba at nanatili ang mga iyan sa gitna nang gubat? Napatingin naman ako kay Sister Mayeth na kalmado lamang na nakatingin sa mga ito. Parang wala lang sa kaniya ang mga halimaw na nasa harap namin at simpleng pumikit lamang siya. Ilang sandali pa ay may limang hugis bilog at may tatsulok sa gitna nang mga ito ang lumitaw sa harap ni Sister Mayeth. May ibinulong ito at unti-unti na lang may lumabas na spear sa gitna nang mga bilog. Itinuro ni Sister Mayeth ang kaniyang kamay sa mga lobo at kasabay nito ang pagpunta nang mga spear sa kanila. Sabay-sabay na natumba ang mga ito at ang paghalo nang parang bula. "Ang galing,"bulong ko. Hindi ko inaakala na ganito pala kung makipag-away si Sister Mayeth sa mga kalaban. Kalma lang ito at tila walang ekspresyon sa mukha. Lumingon naman si Sister Mayeth sa akin at ngumiti. "Kahit sino pa ang kalaban mo, o ano man iyan, dapat ay manatili kang kalmado. Kung hindi ay maaring hindi mo ma-kontrol ang iyong kapangyarihan." Saad ni Sister Mayeth at kinuha ang lampara atsaka basket sa sahig. Nagsimula na itong maglakad ulit, habang ako naman ay tulala lamang na nakatingin sa kaniyang likod. Namamangha pa rin akong nakatingin sa kaniya. Ang galing lang nang ginawa ni Sister Mayeth, kung sana lang ay may kakayahan ako na kagaya niya. Tubig na unti-unting tumigas hanggang sa mabuo ito ng hugis spear at pagkatapos tinusok nang parang wala lang sa hayop na iyon. Ang astig. "Susunod ka pa ba?"  Bumalik naman ako sa wisyo nang maramdaman ko ang isang malamig na bagay na tumutusok sa aking pisngi at paglingon ko rito ay nakita ko ang isang stick na gawa sa tubig na lumulutang. "Malapit na sumikat ang araw, kailangan na natin magmadali,"ani ni Sister Mayeth na nakataas ang kaniyang kamay. "Pasensiya na po kaayo," sabi ko at tumakbo papalapit sa kaniya. "Mukhang ang lalim yata nang iniisip mo, Kori?" Tanong ni Sister Mayeth nang makalapit ako. "Hindi ko lang po maiwasan ang hindi mamangha sa nasaksihan ko po sa inyo,"tugon ko. "Kung gayon, mag ensayo ka nang mabuti. Marami ka pang malalaman sa kapangyarihan mo kapag mas lalong tumaas ang iyong stage at antas." Tugon nito, "Hali ka na at kakain ka pa bago magsisimula mag-ensayo." Nagsimula na itong maglakad paalis at sumunod na lang ako. Ano kaya ang ibang skills nang kapangyarihan ko? Gusto ko malaman ngunit kailangan ko muna tumaas nang stage. Panigurado naman na hindi ko makukuha ang katulad kay Sister Mayeth sapagkat kapangyarihan lamang ito na makakapag-pagaling nang ibang tao at hindi pang-opinsa. Tahimik lang kaming naglalakbay sa kagubatan nang marinig ko na ang agos ng talon. Ilang sandali pa ay nandito na rin kami sa wakas at pumwesto na kami sa lugar namin noong isang araw. "Kumain ka muna bago ka magsimula,"sabi ni Sister Mayeth at binigyan ako nang isang kakanin. "Maiwan muna kita saglit dito. May titignan lang ako sa paligid. Babalik din ako agad,"bilin niya at tumayo na. "Sige po Sister Mayeth,"tugon ko at nagsimula nang kumain. Ilang sandali pa ay tuluyan nang nawala si Sister Mayeth at naiwan na lang ako mag-isa. Nakatingin lamang ako sa bato na kung saan uupo na naman ako mamaya at magme-meditate. Ano kaya ang mangyayari sa susunod? Mas mahirap ba ito at aabutin na ako nang ilang linggo? O buwan? O baka naman umabot na ng isang taon. Napa-buntong hininga na lang ako at tinapos na ang aking kinakain. Ilang sandali pa ay niligpit ko ang mga pinagkainan ko at napatingin sa tubig nang makita ko ang pagtalon nang isang napaka-laking isda mula rito. "Nariyan ka lang pala," Napatingin naman ako kay Sister Mayeth na nakatingin lamang sa isda at lumapit dito. "Kanina pa kita hinahanap, saan ka ba galing?" Tanong niya dito. "Nandito lamang ako sa ilalim at nagpapahinga," Kunot-noong napatingin naman ako sa isda nang bigla itong magsalita. Teka, isda na nagsasalita? "Alam mo naman na pupunta ako ngayon dito ngunit hindi mo man lang ako binati,"tugon ni Sister Mayeth at hinaplos ang katawan nang isda. "Pasensiya ka na at nakalimutan ko Mayeth." "Teka, teka, Sister Mayeth?" Tawag ko sa kaniya. "Bakit?" Tanong nito na hindi man lang nag-aabala na tumingin sa akin at patuloy lamang sa paghaplos nang katawan ng isda. "Bakit po kayo nag-uusap?" Tanong ko rito, "At sino po iyan?" "Ito si Durcas, ang familiar ko." Tugon niya. "Familiar?" Tanong ko rito. "Ang familiar ang tinatawag natin na mga gabay at taga-protekta. Sila ang mga alaga nating hayop na kung saan may sariling kapangyarihan na suportahan ka sa iyong laban. At itong si Durcas ay ang halimbawa sa kanila." Paliwanag ni Sister Mayeth. "Kung gayon ay maari rin po ba ako magkaroon nang familiar?" Tanong ko sa kaniya. "Sa katunayan niyan ay ang susunod na stage ay malalaman mo kung anong familiar ang mayroon ka,"tugon niya, "Maaring isang lobo, isda, aso o kahit ano." "Bakit hindi niyo po ito kasama palagi?" Tanong ko rito, "Kung siya po ang taga-protekta mo, kung siya po ang gabay ay taga suporta nang inyong laban ay bakit hindi niyo po ito laging kasama?" Natahimik naman si Sister Mayeth sa tanong ko at tumayo. "Dahil bawal ang hayop sa ating simbahan. Ipinagbabawal ni Father ang magkaroon nang alaga sa loob ng simbahan dahil maaring iyon ang dahilan ng kanilang pagkamatay." Tugon niya. "Pagkamatay? Bakit?"  "Napakarami naman niyang tanong sa iyo. Hindi ba niya ang alam ang mga ito?" Tanong nang isda. "Sa katunayan niyang Durcas ay wala akong kaalam-alam. Ngayon ko lang rin nalaman na may kapangyarihan pala ako." Tugon ko sa kaniya. Sabay-sabay na napatingin naman sa akin ang dalawa. Gulat ang ekspresyon na makikita ko kay Sister Mayeth at halos hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Diba tama naman po ako? Sinagot ko lang po ang tanong ni Durcas." Saad ko at nag-kibit balikat. "Paano?" Tanong nito. "Ang alin po?" "Paano mo nakaka-usap ang Familiar ko?" Tanong ni Sister Mayeth at lumapit sa akin. "Uh,"nagtataka kong sabi, "Hindi po ba nagsasalita ang isang Familiar?"  "Nagsasalita sila. Ngunit ang tanging may kakayahan lamang na makipag-usap sa kanila ay ang kanilang partner." Paliwanag niya. "Kung totoo po talaga iyan ay bakit ko po naiintindihan ang sinasabi ni Durcas?" Tanong ko sa kaniya. "Hindi ko alam,"tugon ni Siste Mayeth at umupo sa harap ko, "Wala akong alam kung bakit ganoon. Hindi ko na naiintindihan ang mga pangyayari." "Bakit po?" Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Sister Mayeth ngunit isa lang ang masasabi ko at iyon ay gulat na gulat ito at hindi yata niya alam ang kaniyang gagawin. Kung totoo nga na ang tanging pwedeng makipag-usap sa isang familiar ay ang taga-protekta lamang ay bakit naririnig ko ang boses ni Durcas? Hindi kaya ay isa ito sa kakayahan nang aking kapangyarihan? "Unang-una ay iyong tungkol sa mga sirena at ang pagtulong nila sa iyo, pangalawa ay itong nalaman ko." "Masama po ba ito?" Umiling lamang si Sister Mayeth at huminga nang malalim. "Hindi ko alam kung ano ang rason nang pagtulong ng mga sirena sa iyo, sapagkat, kilala rin ang mga sirena bilang isa sa mga pinaka-masamang nilalang sa ilalim ng dagat." Sabi ni Sister Mayeth. "Paano mo naman po ito na sabi? Ang bait po nila sa akin." "Kori, ang mga sirena ang namamahala sa karagatan. Sila ang nagiging dahilan kung bakit nawawalan nang pangkabuhayan ang mga tao sa mundo na iyon. Kino-kontrol nila ang mga isda sa dagat upang umalis sa kung saan nangingisda ang mga tao upang mabuhay. Minsan ay umaakyat sila sa mga bangka ng mga ito at dinadala sa ilalim nang dagat ang katawan nang tao na iyon. Ayaw na ayaw nilang may pumunta sa kanilang kaharian, kung kaya ay lahat nang mga tao sa ibabaw ng tubig dagat ay pinapatay nila." Paliwanag nito. "Kung totoo po talaga iyan ay bakit iyon ang ginawa nila sa akin? Bakit nila ako tinulungan?" Tanong ko rito. "Hindi ko rin alam, ngunit may natatandaan akong sinabi nang isang matanda sa mundong iyon,"saad nito. "Ano po iyon?" Tanong ko sa kaniya at tinignan ito nang mabuti. Lumingon naman si Sister Mayeth sa akin at seryosong tinignan ako sa dalawang mata. "Ang tanging kinatatakutan lamang ng mga sirena ay ang mga taong mas malakas pa sa kanila,"saad nito. "Ano po ang ibig sabihin no'n?" "Ang ibig sabihin no'n ay kung sa tingin nang mga sirena na hindi nila kayang kalabanin ang isang tao, dinadaan nila ito sa mabuting paraan. Tinutulungan sa kanilang misyon, binibigyan nang pagkain at iba pa. Kung totoo nga iyon, at ganiyan ang pakikitungo nang mga sirena sa iyo, maaring mayroon ka talagang malakas na kapangyarihan sa iyong katawan na hindi mo pa lang natutuklasan." "Hindi po ba malabo na magkaroon ako nang pangawalang kapangyarihan?" Tanong ko rito, "Sa katunayan niyan ay tanging pagpapagaling lamang ang kapangyarihan ko. Mali po yata kayo nang hinala Sister Mayeth." Tumayo na ako sa pagkaka-upo sa sahig at nagsimula nang maglakad patungo sa harap nang bato. Naramdaman ko naman ang pagtali nang isang tubig na hugis lubid sa aking tiyan at dinala ako sa ibabaw nang bato. "Tinulungan ko lang po ang kanilang prinsesa kung kaya ay ganoon na lang kung bigyan ako nang gantimpala. Wala na po silang ibig sabihin doon, wala na po akong ibang kapangyarihan bukod sa mayroon ako ngayon. Diyan na po muna kayo at babalik na ako sa pag-eensayo." Sabi ko at pinikit na ang aking mga mata. "Sana nga, kasi kung totoo man na may pangalawang kapangyarihan ka. Maaring malagay ka sa panganib," Iyon ang huli kong narinig bago ako dinala nang bato papunta sa Daloy ng Enerhiya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD