Chapter 8

2539 Words
Past Kori's Point Of View "Nagbibiro ka ba?" Sigaw ko rito at tumayo na sa pagkaka-upo sa buhangin. Pulang-pula na ang mga mata nito at may paparating na naman na isang galamay papunta sa akin. Napaka-liit lamang ng isla na ito kung kaya ay hindi ko alam kung saan ako tatakbo kapag sabay-sabay na itama ang mga galamay niya sa akin. Ano ba ang gagawin ko? Wala akong alam na pwede kong gawin upang mapatay ko 'yang malaking pusit na iyan. Gustohin ko man ay wala naman akong kapangyarihan para sa opinsa, ang tanging mayroon ako ay isang kapangyarihan lamang na nakapagpa-pagamot ng ibang tao. Bakit ganito naman ang binigay sa akin na pagsubok? Bakit napaka-hirap naman yata nito. Malapit na ang isang galamay nito sa akin kung kaya ay mabilis akong tumakbo patungo sa pinaka-dulo ng isla. Halos liparin ako ng hangin at matumba papunta sa tubig ng biglang humangin ng malakas at lumindol ng pagkalakas-lakas sa kinatatayuan ko. Bumalik na naman ito sa ilalim ng tubig ang kaniyang isang galamay at sumigaw. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko, wala akong alam kung paano ito paslangin sapagkat wala talaga akong ibang kapangyarihan bukod sa paggamot ng mga taong may sakit. Napatitig ako sa malaking pusit na nasa harap ko at nakitanng napaka-bagal nito kung gumalaw. Disadvantage talaga ng malalaking kalaban ang bilis. Kapag malaki ang kanilang katawan ay ibig sabihin nito, mas malaki ang opening. Ngunit paano ko naman ito matatalo? Kainis. Iwas lang ako kung iwas sa dambuhalang pusit na ito na ang sarap pakuluan at timplahan. Pagkatapos ay ipakain sa lahat ng tao sa bayan. Ang sarap siguro. Dahil sa pag-iisip ko ng kung ano-ano ay siya naman ang pag-hampas ng kaniyang malaking galamay mismo sa harap ko at kaunti na lang talaga ay tuluyan na akong natamaan. "Muntik na 'yon ah!" Sigaw ko rito. Sumigaw din naman ito pabalik sa akin at sabay na itinaas ang dalawa niyang galamay at hinampas papunta sa direksiyon ko. Tae! Mali yata 'yong ginawa ko kanina. Habang papunta ito sa akin ay tinatansya ko kung hanggang saan abot ang galamay nito, kung mali ako ng tansiya ay panigurado patay na ako mamaya. Bahala na nga. Hindi magkatabi ang galamay ng pusit na ito habang papunta sa direksiyon ko. May kaunting espasyo sa gitna ngunit hindi ko alam kung gaano kalawak lamang ito. Hindi naman siguro masama kung susubukan ko hindi ba? Atsaka kasing laki ng kwarto ko itong isla, o mas malaki pa ng isang metro. Tapos ang lawak ng galamay ng halimaw na ito ay sa tingin ko, tatlo o apat na metro. Sana naman ay hindi ako mamamatay dahil sa ginagawa ko. Pikit matang tumakbo ako papunta sa gitna ng isla. Hindi pa ako nakakarating sa gitna ng medyo tumama na ang galamay nito sa ulo ko. Tae! Yumuko ako ng kaunti at binilisan pa lalo ang takbo ko. Ilang sandali pa ay siya naman ang pagbagsak ng kaniyang galamay sa harap at likod ko habang ang dalawa ko naman na kamay ay naka-taas lamang sa ere. Muntikan na 'yon ah! Pwew! Unti-unti na naman nitong binawi ang kaniyang mga galamay at sumigaw na naman ng pagkalakas-lakas. Hindi ko alam kung anong susunod nitong plano kung kaya ay nararapat lang na maghanda ako. Ilang sandali pa ay bigla na lang lumubog ang pusit sa ilalim ng tubig at hindi ko na alam kung saan ito.  Sinubukan ko lumapit sa gilid ng isla at tinignan ang ilalim ngunit wala man lang ako makita. Kinakabahan ako sa pwedeng gawin nito. May posibilidad kasi na magtago ito sa ilalim at mula roon ay yayakapin nito ang islang kinatatayuan ko na magiging dahilan ng paglubog nito. Paano ko ba ito matatalo? Pinikit ko na lang ang aking mga mata at pinakiramdaman ang paligid. Hinayaan kong dumaloy ang init sa aking katawan, hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagbalik ng lakas ko. Totoo nga talaga na may kapangyarihan akong makapag-pagaling ng ibang tao, at bukod doon ay pati na rin sarili ko. "Kailangan ko tanggalin lahat ng nasa isip ko,"saad ko at umupo na sa buhangin. Huminga ako ng malalim at itinuon ang atensiyon ko sa aking paghinga. Ilang sandali lang ay naramdaman ko na naman ang pag-init ng aking katawan at ang pagdaloy ng enerhiya sa kalamnan ko. Hinayaan ko lang ito, hanggang sa bigla na lang may lumitaw na maraming lubid sa aking harapan. Wala akong ka-alam alam kung ano ang gagawin ko ngunit hindi naman siguro masama kung susundan ko lang ito. Nagsimula na akong maglakad habang naka-hawak sa nagku-kumpulan na lubid. Napaka-haba nito at hindi ko alam kung hanggang saan ito aabot. Ilang sandali pa ay bigla na lang ito nagka-hiwalay, at papunta sa iba't-ibang direksiyon ang bawat lubid na naririto.  Ano ba ang pipiliin ko? Alin ba ang tama sa mga ito? Pinikit ko ang aking mga mata at umikot ng tatlong beses atsaka tinuro ang isang direksiyon. Unti-unti akong dumilat at nakita itong naka-turo sa kulay asul na lubid. Huminga muna ako ng malalim bago ako naglakad patungo sa lubid na iyon at hinawakan. Sinundan ko naman ito, at ilang sandali pa ay nakarating na rin sa isang hugis bilog na pina-ikot na mga lubid. Hindi ko na alam kung saan ang susunod. Lahat ng lubid kanina ay dito papunta, pwera na lang pala sa kulay pula na kailangan pa rin dumeritso. Lumapit naman ako sa malaking bola na ito at hinawakan. "Aray!" Daing ko nang maramdaman ko ang hapdi ng aking kamay. Bakit ang sakit naman yata? Ano ba itong bola na 'to? Sinubukan kong hilahin ang lubid na kulay asul ngunit kahit anong pilit ko ay wala talagang epekto.  "Paano ba 'to?" Tanong ko. Bahagyang nagulat naman ako nang marinig kong nag-echo ang boses ko. Nasa loob ba ako ng isipan ko? Kung gayon ay ano ang ginagawa ko rito? Ano ba ang dapat kong gawin ngayon? Wala akong alam at hindi naman ako Sinabihan ni Sister Mayeth nang kung ano ang gagawin. Nagising naman ang diwa ko ng marinig ko ang isang babae na kumakanta. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at napalingon sa aking paligid. Isang sirena. Nasa dulo ito ng isla at ramdam ko sa boses nito ang sakit na kaniyang nararamdaman. May nangyari ba sa kaniya? Ngunit natatakot ako na lapitan ito at baka isa na naman ito sa mga pusit na may balak yata akong patayin. Ngunit paano kapag nangangailangan pala ito ng tulong? Nagda-dalawang isip pa rin ako kung ano ang gagawin ko. Naka-talikod lamang sa akin ang sirena at patuloy pa rin sa pagkanta. Tumayo na ako at nanatili lang sa ganoong posisyon nang ilang oras. Ilang sandali pa ay itinaas ng sirena ang kaniyang kamay at nakita ko ang pagtalon ng mga isda mula sa dagat. Kaya ba nitong kontrolin ang mga lamang dagat? Kung totoo nga ay kaya rin siguro nitong kontrolin ang malaking pusit na iyon. Humakbang lang ako nang isang beses ngunit nagda-dalawang isip na ako sa gagawin ko. Ano ba ang sasabihin ko sa kaniya kapag lumapit ako? Paano kapag pinatay ako nito? Patuloy lamang sa pagkanta ang sirena, at patuloy lang rin sa pagtalon ang mga isda sa dagat. Sa katunayan niyan ay, sa tuwing siya ay kumakanta ay siya naman ang paglakas ng mga alon at hangin. Masakit sa tenga, pero kailangan ko itong tiisin. Kung hindi ay maaring ito na ang huling beses na mabubuhay ako at iyon na rin ang huling beses na makikita ko sila Sister. Inaasahan pa naman nila ang pagbalik ko, pagkatapos ay mamamatay lang pala ako sa isang hamak na sirena at pusit sa mundong hindi naman talaga totoo. Ipinikit ko saglit ang aking mga mata at huminga ng malalim. Kaya ko 'to! Unti-unti akong naglakad patungo sa sirena hanggang sa makalapit na ako sa kaniya ng tuluyan. Nasa ilalim pa rin ng tubig ang buntot nito. Mahaba ang kaniyang kulay berde na nakatali niyang buhok, ginawa nitong pantali ang d**o ng dagat at ginawang palamuti ang isang bituin. Natatakpan ang kalahati nang katawan nito ng isang damit na sa tingin ko ay gawa sa pinakamagandang tela na nakita ko.  Nagulat pa ako nang bigla nitong itinaas ang buntot at binagsak pabalik sa tubig na naging dahilan ng pag-alon ng sobrang laki. Nawala ang mga isda na kanina ay masayang tumatalon sa ibabaw nang dagat. Paulit-ulit nitong ginagawa ang pagtaas at bagsak ng buntot nito hanggang sa may na pansin ako. Mayroong nakatali sa kaniyang buntot na sa tingin ko ay lambat. Dumudugo na ang kaniyang magandang buntot. Ngayon alam ko na kung bakit ko ramdam ang sakit niya. Kahit ikamatay ko pa ay kailangan ko itong tulungan. Masiyado siyang nakaka-awa, sa tingin ko ay gawa ito nang mga mangingisda sa mundong 'to. Ngunit ang tanong ay may naninirahan pala sa ganitong klaseng mundo? Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at sinubukan na linawin ang aking isipan. Itinaas ko ang aking dalawang kamay at tinutok sa kung nasaan ang buntot ng sirena. "Farmakeftikós." Hindi ko alam ay kusa na lamang lumabas sa bibig ko ang katagang iyon. Ilang sandali pa ay bigla na lang uminit ang palad ko at nang buksan ko ang aking mga mata ay nakita ko ang paglabas ng bilog na marka na may tatsulok sa gitna at may iba't-ibang naka-sulat sa paligid. Umikot ang bilog na marka habang nanatili lamang sa posisyon ang tatsulok, at ilang sandali pa ay lumabas ang kulay berde na ilaw mula rito at nagtungo sa buntot ng sirena. Nakita ko ang pagka-gulat nang sirena at napatingin sa akin. Ngumiti lang ako sa kaniya upang siguraduhin siya na hindi ko ito sasaktan. Lumipas ang isang minuto ay nag-hilom na ang sugat nito at nawala na ang lambat na kanina ay nakasabit sa kaniyang buntot. Sa tuwa niya ay bigla na lang itong tumalon sa ilalim nang tubig at hindi ko na ito nakita. "Akala ko talaga ay sasaktan iya ako,"bulong ko at tumalikod na. Ngunit hindi pa nga ako nakakalayo ay narinig ko ang pag-saboy nang tubig mula sa data, at nang lingunin ko ito ay nakita ko ang nakangiting sirena na tinulungan ko kanina.  Naka-upo ito sa isang tubig na hugis trono at papunta ito sa dalampasigan. "Salamat mabuting nilalang,"sambit nito at ngumiti. Ngayon ko lang na pansin ang mukha nang sirena. Singkit ang kaniyang mga mata ngunit kulay itim, may mga hasang ito sa kaniyang pisngi atsaka may suot itong korona sa kaniyang ulo. Ang kamay nito ay sobrang haba. "Walang anuman, gusto ko lang makatulong." Sabi ko at ngumiti sa kaniya. May nararamdaman ako na isa ito sa mga prinsesa o reyna nang dagat. Kung gayon ay sapat lang ito na eksplinasyon kung paano niya ma-kontrol ang tubig, hangin at ang mga lamang dagat. "At dahil sa ginawa mo ay mayroon kang gantimpala mula sa akin,"sabi ng sirena at dinikit ang dalawang kamay, "Ano man ang iyong hiling, ay aking tutuparin." Gulat na napatingin ako sa kaniya at ramdam ko ang saya sa aking puso. Tamang-tama naman ang paglitaw ulit nang malaking pusit sa aming harapan. Bakas ang takot sa mukha ko at hinarap ang sirena na ito na nakatingin lamang sa akin. "Iyan pusit,"sabi ko. "Ang alaga ko, bakit?" Tanong nito. "Alaga mo?" Tanong ko rito. "Siya ang alaga ko sa ilalim nang dagat. Lagi ako nitong pino-protektahan sa ano mang mangyari sa akin." Tugon nito. "Ngunit kung gayon, paano ka nagkaroon ng sugat?" Tanong ko rito. "Dahil gusto nitong lumapit sa mga tao." Napalingon naman ako sa panibagong sirena na dumating, ngunit sa oras na ito ay mas malaki ang kaniyang katawan at ang kaniyang korona. "Ako si Haring Tritus, ako ang hari nang karagatan ng mundong ito." Pagpapakilala niya. Napa-luhod naman ako agad at yinuko ang aking ulo, "Hindi na kailangan iyan, lalong-lalo na sa nilalang na tumulong sa anak ko." Umayos na ako nang tayo at humarap sa kanila. Hindi ko kayang galitin ang mga katulad nila. Hindi ko alam kung gaano kalakas ang mga ito, sapagkat na kaya nga nila kontrolin ang isang dambuhalang pusit na iyon. "Gusto ko lang po makatulong, mahal na haring Tritus,"tugon ko rito. Nagulat naman ako nang bigla nitong iwinagayway ang kaniyang kamay. Inihatid ang hari patungo sa ibabaw nang isla at sa pagtapak nito sa buhangin, ay siya naman ang pagkaroon nito nang paa. "Salamat nilalang,"saad nito. "Ano ba ang iyong gusto at tutuparin namin. Kapalit nang pagsagip mo sa aking anak." "Sa katunayan po niyan ay hindi ko po alam,"tugon ko rito, "Nasa kalagitnaan po ako nang pag-eensayo nang aking kapangyarihan." Tumango naman itong si Haring Tritus at lumingon sa kaniyang anak na naglalakad na patungo sa amin. "Kung nasa kalagitnaan ka pala nang pag-eensayo ay panigurado inatake ka ng alaga ko. Tama ba?" Tanong ng prinsesa. Tumango naman ako sa kaniya at lumingon sa alaga nito. "Ilang beses na ako nitong inatake na may pulang-pula na mga mata." Sabi ko. "Iyon ay dahil sa akin,"saad nang prinsesa, "Nang nalaman nito na nagkaroon ako nang sugat dahil sa kauri niyo at sa tuwing nakakasalamuha siya nang katulad mo, ay inaatake nito nang walang awa." "Ganoon po ba? Ngayon ay naiintindihan ko na." "Pasensiya ka na,"sabi ng prinsesa, "Tinulungan mo na nga ako, tapo ito pa ang ginawa nang alaga ko." "Kung gayon ay sa tingin ko may maitu-tulong ang palasyo namin sa pag-eensayo mo." Sabi nang hari. Napatingin naman ako rito na may pagtataka ang ekspresiyon sa mukha. "Paano po mahal na hari?" Tanong ko rito. "Sa palasyo namin ay mayroong isang lugar na kung saan may malakas na pagkukunan nang enerhiya. Sa oras na naroroon ka at papanatilihin mo lang ang konsenstrasyon ay wala kang problema. Mas malalim na konsentrasyon, mas madaling mapunta sa susunod na stage." Paliwanag nito. Halos kumintab naman ang aking mga mata dahil sa aking narinig. "At mapapa-bilis ko ang pagpunta ko sa susunod na stage." Bulong ko. "Tama." "Ngunit hindi po ba ay nasa ilalim nang dagat ang inyong palasyo?" Tanong ko rito. Ngumiti naman ang dalawa at sabay na tumango. "Ako ang hari nang karagatan, at walang impossible sa gusto ko. Kaya kitang bigyan nang isang linggo na manatili sa palasyo namin. Huwag ka mabahala, makaka-hinga ka sa ilalim nang dagat." Tugon nito, "Ito ay bilang pasasalamat sa ginawa mo para sa aking anak." Kasabay nito ay ang pagtaas niya nang kamay at ang huling naalala ko lang ay bigla na lang akong nawalan ng malay. "Ama, sa tingin mo ba ay magigising pa siya?" Tanong nang isang babae na hindi ko alam kung sino. "Kung malakas ang kaniyang kapangyarihan ay walang problema iyon sa kaniya,"tugon naman nito. "Ngunit dalawang araw na po itong tulog." "Hintayin na lang natin." Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang mukha nang dalawang mukha. Ang hari at prinsesa nang karagatan. "Mabuti naman at na gising ka na." Saad nang hari. "Pasensiya na po kayo,"sabi ko at unti-unting bumangon. Napatingin naman ako sa paligid nang mapansin ko ang hindi pamilyar na lugar. Napatitig ako sa malaking bintana sa harap ko at nakita ang ilang sirena na lumalangoy sa labas. Bigla na lang ako napa-hawak sa ilong ko. "Hindi ako maka-hinga!" Sigaw ko rito. Nasa ilalim ako nang dagat!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD