Chapter 3

1167 Words
                Nagising si Kori sa sinag ng araw na nagmumula sa labas ng kaniyang pinagtataguan. Napa-daing ito sa sakit na kaniyang naramdaman ng umayos ito sa pag-upo.  Napatingin siya sa kaniyang katawan at nakita ang iilang mga pasa at sugat na marahil ay dahil sa ginawa nitong pagtakas mula sa misteryosong lalaki kahapon. Pinikit ni Kori ang kaniyang mga mata at nagsimulang magdasal, ilang sandali pa ay pinalibutan siya ng kulay berde na ilaw at nakaramdam ito ng init sa katawan. Hindi naman ganoon katagal ay tila ba bumalik ang lahat ng kaniyang lakas at nawala na ang mga pasa at sugat sa katawan nito.                 Hinawi ni Kori ang damong nakatakip sa pinagtataguan niya at tinignan kung nasa labas pa ba ang taong huma-habol sa kaniya ngunit ng mapansin nito ang tahimik na kapaligiran ay tsaka niya naisipan na maghinay-hinay na lumabas. Pina-pakiramdaman niya muna ang paligid bago tuluyang lumabas sa pagkakatago sa likod ng puno, ngunit ilang minuto lang ang nakalipas ay bigla naman na itong nakarinig ng kaluskos sa hindi kalayuan kung kaya ay agad itong humarap doon at pa-atras na naglalakad.                 Bakas sa mukha ni Kori ang takot, takot na baka ito na ang huling araw na mabubuhay siya sa mundong ibabaw pero laking pasa-salamat naman nito ng makita niya ang isang Asulion, isa itong misteryosong lion na mayroon lamang isang mata na kulay asul at buntot na nag-aapoy. Hindi ito agresibo kung hindi mo ito lalapitan kung kaya ay kalmang napa-upo si Kori sabay buntong hininga.                 “Pagod na ako,”bulong niya sa sarili atsaka humiga sa damuhan at tinignan lamang ang kulay na asul na langit. Huminga siya ng malalim atsaka ipinikit ang kaniyang mga mata.                 Hindi pa nga ganoon katagal itong nagpa-pahinga ay nakaramdam ito na tila may papalapit sa kaniya. Kung kaya ay agad itong napabalikwas ng bangon at nakita ang lalaking humahabol sa kaniya kahapon na papalapit sa kaniya. Hindi nagda-dalawang isip na tumayo si Kori at tumakbo ng mabilis.                 Suot-suot pa rin niya ang gusot-gusot at punit na punit na mahabang damit nito. Medyo nahihirapan siyang tumakbo dahil minsan ay naa-apakan niya ang tela ng kaniyang damit. Tumigil siya saglit at itinaas ito bago nagpatuloy sa pagtakbo.                 “Papunta na ito sa lumang kastilyo ah?” nagtatakang tanong nito sa kaniyang sarili habang hiningal na tumatakbo papunta sa kung saan man siya dadalhin ng kaniyang paa.                 Hindi ganoon katagal ay nakarating si Kori sa gate ng nasabing may sumpa na kastilyo, ipinagbabawal ng mga tao na ninirahan sa bayan ng Esmeralda ang pagpunta rito.  Napatigil si Kori at napatingin sa loob ng gate. Masyadong tahimik at tila ba may sariling hamog ang lugar na ito na hindi mawala-wala. Napaka-dilim ng lugar na mapapa-isip ka ang pupunta rito na maaring ilang minuto ay may sumulpot na multo sa harapan mo.  Napatingin naman si Kori sa pintuan ng kastilyo at napansin na hindi ito ganoon kalayo mula sa kaniyang kinatatayuan. Nagda-dalawang isip ito na pumasok sapagkat naalala niya ang paalala ng mga tao sa bayan ng Esmeralda.                 Sabi-sabi ng mga tao ay lahat ng mga tao na pumapasok sa kastilyo na ito ay misteryosong nawawala at kung makaka-balik naman ay wala na ito sa tamang katinuan. Ngunit kung hindi naman siya papasok dito ay mahuhuli siya ng taong huma-habol sa kaniya at mas Malaki ang tsansya na maaga siyang mamatay.                 “Mabaliw na kung mabaliw, ayoko pa mamatay,”sabi nito sa sarili bago tuluyang binuksan ang gate at hinila ang damit nito at patakbong pumasok.                 Hindi na nag-abala si Kori na lumingon sa taong humahabol sa kaniya at ang tanging nasa isipan nalang nito ay ang maka-pasok at makapagtago sa taong iyon.                   Nakaramdam naman ng lamig si Kori pagkatapak niya sa unang hakbang ng hagdan papunta sa pinto ng kastilyo. Na-ibaba niya ang hawak-hawak na ibabang bahagi ng damit niya at napayakap sa kaniyang sarili.                 “Mukhang totoo nga ang lahat na sinasabi nila,”sabi ni Kori atsaka nagpatuloy sa pag-akyat ngunit sa bawat paghakbang nito ay mas lalong lumamig naman ang nararamdaman nito. Nang tuluyan na itong makarating sa harap ng pinto ay nagda-dalawang isip itong pihitin ang doorknob ng pinto ng kastilyo sapagkat hindi nito alam kung ano ang naghihintay sa kaniya sa loob.                 Nagulantang naman siya ng makarinig ng isang metal na tila hinihila mula sa kaniyang likuran at nakita nito ang taong huma-habol sa kaniya na may dala-dalang makapal at mahabang bakal sa kaliwang kamay nito. Agad lumaki ang mga mata ni Kori at dali-daling pinihit ang door knob at pumasok sa loob at sinarado ang pinto at napa-pikit.                 “Wala na, magkakaroon na rin ako ng sumpa na sinasabi nila.” Saad nito sa kaniyang sarili habang naka-pikit na nakatalikod sa pinto.                 “Teka? Bakit hindi na ganoon kalamig?” Iminulat naman ni Kori ang kaniyang mga mata at bumungad sa kaniya ang mga mukha ng mga hindi niya kilalang mga tao na nagtatakang nakatingin sa kaniya.                 Lumaki naman ang mga mata ni Kori sa kadahilanan na labis na pagkagulat nito sa mga tao sa kaniyang paligid na nakasuot ng mga magagarang damit at nagga-gandahang mga bag at kolorete sa mukha. Ang kaninang patay na kastilyo ay naging tila isang kastilyo na makikita mo sa mga kathang isip na mga libro na nasa mga silid-aklatana para sa mga bata.                 Magagarang dekorasyon at mga gwardiyang naka-suot ng mga armor at may mga espada na nakasabit sa gilid nito. Halos lahat ng tao na napapa-daan sa harapan niya ay tinitignan siya mula ulo hanggang paa na nagtataka sa kaniyang kasuotan.                   Napatingin naman siya sa kaniyang gilid at nakita roon ang kaniyang repleksyon sa isang salamin at bigla nalang itong nakaramdam ng pagkahiya.                 Buhaghag ang buhok nito at may mga dumi pa siya sa kaniyang mukha, habang ang suot-suot nitong damit ay punit-punit na at halos makita na ang balat sa binti nito. May butas din ang damit na suot niya sa bandang tiyan na kung saan nakikita na ang kaniyang pusod. Napatakip naman ito sa kaniyang katawan at umiwas ng tingin, at dumapo naman ang paningin nito sa isang tao na sumisenyas sa kaniya sa hindi kalayuan kung kaya ay napagdesisyunan nitong tumakbo na papunta roon kaysa manatili sa mga mapanghusgang tingin ng mga tao.                 Tumakbo lang ito papunta sa babaeng nakatayo sa harap ng pintuan ng isang kwarto sa kastilyo atsaka naunang pumasok. Sinarado naman ng babae ang pinto at tinignan ito mula ulo haggang paa. “Anong klaseng kasuotan iyan?” takang tanong nito bago nagtungo sa isang aparador at may kinuhang bagong laba na damit. “Suotin mo ‘yan at sumunod sa akin pagkatapos,” sabi nito atsaka inilagay sa isang upuan ang damit na kinuha nito bago tuluyan lumabas ng kwarto.                 Nagtatakang naiwan si Kori sa loob ng kwarto at naguguluhan sa mga pangyayari. Napatingin naman ito sa kaniyang paligid at napakamot sa kaniyang ulo. Sobrang layo ng kastilyo na ito sa panglabas na anyo. Totoo ba talaga ‘to? O epekto lang ng sumpa?                 “Tuluyan na ba talaga akong nabaliw?” tanong nito sa kaniyang sarili bago naisipan na magbihis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD