Past
Kori's Point Of View
Sabay-sabay na napalingon sa akin ang dalawa habang gulat ang kanilang mga mata. Hindi yata ito makapaniwala na ngayon ay bumalik na ako at sa loob lang ng dalawang araw.
"Bumalik ka na?" Sigaw ni Sister Mayeth at itinaas ang kaniyang kamay. Kasabay nito ang pagbuo ng tubig sa porma na lubid at ipinulupot ito sa aking katawan. Dinala ako nito papunta sa kanilang harapan at bigla na lang ako nitong niyakap.
"Namatay ka ba sa loob ng bato?" Tanong ni Sister Jai at hinila ako. Tinignan nito ang buong kabuuan ko at inoobserbahan kung may kulang ba sa akin o ano.
"Kalma lang po kayo,"sabi ko at ngumiti, "Okay lang po ako."
"Kung okay ka lang bakit bumalik ka na?" Tanong ni Sister Mayeth, "Sabihin mo nga? Namatay ka ba doon kung kaya ay ang aga mo bumalik dito?"
Tumawa naman ako at umiling sa kanila, "Kumain na po muna tayo, nagugutom ako eh." Sambit ko sabay hawak sa aking tiyan. Nagkatinginan naman sila Sister Mayeth at Sister Jai at tumawa.
"Hali ka na at kumain muna, mukhang nagugutom ka talaga." Aya ni Sister Jai at ginaya ako papunta sa kung saan nakalatag ang tela.
"Ilang araw nga po ulit ako nawala?" Tanong ko habang naglalakad pa rin kami.
"Dalawang araw,"tugon ni Sister Mayeth, "Ngunit hindi ka naman talaga nawala. Dumayo lang ang isipan mo sa ibang lugar dahil sa batong iyan."
Akala ko ang tagal ko nawala sapagkat sa tingin ko ay ilang araw akong naroroon sa mundong iyon. Hindi ko inaasahan na mabagal pala ang oras sa lugar na iyon kumpara sa mundo namin. Oo nga pala, hindi ako nakapag-paalam sa Hari at mga prinsesa. Hindi ko naman inaasahan na pagkatapos ko mapunta sa susunod na stage ay bubukas ang pintuan papunta sa katawan ko.
Nang makarating na kami sa kung saan naroroon ang mga gamit nila Sister ay agad kaming umupo at kumain.
"Saang mundo ka pala dinala ng batong iyan?" Tanong ni Sister Mayeth.
"May iba't-ibang lugar ba na pupuntahan ang bato na iyan, Sister?" Tanong ni Sister Jai at kumagat ng kaniyang sandwich.
"Oo nga po, akala ko ay iisang mundo lamang ang nariyan." Dugtong ko rito. Ngumiti lamang si Sister Mayeth sa amin at umiling. Kinuha nito ang lalagyan ng tubig at nagsimulang lagyan ang mga baso namin ng tubig.
"Sa katunayan niyan ay may iba't-ibang lugar ang mundo ng bato na iyan." Paliwanag nito at ngumiti sa akin, "Una ay ang disyerto, sa tingin ko ay ito na yata ang pinaka-mahirap na napuntahan ko. Walang pagkain, tubig o kahit ano. Sobrang init pa rito at ang daming mga hindi maipaliwanag na nilalang. Pangalawa ay ang kagubatan, okay lang naman ang lugar na ito sapagkat napakarami mo pwedeng pagtaguan ngunit, marami nga lang hayop na napaka-bangis."
Hindi ko alam ang sinasabi ni Sister Mayeth sapagkat isa lang naman ang na puntahan ko ang karagatan. Napakaganda nga naman ng lugar na iyon at napakabait ng hari at prinsesa.
"Hindi mo ba na bisita ang lahat ng ito, Kori?" Tanong ni Sister Mayeth at nagtataka na tinignan ako. Umiling lamang ako sa kaniya at tinapos ang aking pagkain.
"Kung gayon ay saan ka napadpad, at bakit ang bilis mo naman yata?" Dugtong nito.
Uminom muna ako ng tubig atsaka ito hinarap. "Sa katunayan niyan Sister Mayeth ay napadpad ako sa karagatan."
"Karagatan?" Gulat na tanong nito.
"Opo,"tugon ko, "Hindi lamang ito simpleng ibabaw lamang ng karagatan, kung hindi ay kaharian ng mga sirena."
"Ano?" Sigaw ni Sister Mayeth at napatayo pa ito sa gulat.
May mali ba sa sinabi ko at tila gulat na gulat itong si Sister sa akin? Lumaki ang mga mata nito at nakahawak sa kaniyang dibdib.
"Oh panginoong Sola!" Bulong nito at huminga ng malalim.
"May mali po ba sa aking sinabi?" Tanong ko sa kaniya, ngunit hindi pa rin maka-imik si Sister Mayeth at hawak-hawak pa rin niya ang kaniyang dibdib.
Tumayo naman itong si Sister Jai at hinaplos ang likod nito. "Ano ang nangyayari sa iyo, Sister Mayeth?"
Hindi pa rin ito umiimik at nanatili lang ito sa ganoong posisyon nang ilang oras. Hinayaan ko na lang siya at kumain pa ng marami.
"Hayaan muna natin si Sister Mayeth,"sabi ni Sister Jai at umupo sa tabi ko. "Mukhang gulat na gulat ito nang malaman niya na napunta ka sa ilalim ng karagatan."
Tumango lamang ako bilang tugon kay Sister Jai.
"Nais ko sana malaman ang nangyari sa iyong paglalakbay." Sambit ni Sister Jai at hinawakan ang aking kamay.
"Sige po at magke-kwento ako sa inyo."
Uminom muna ako ng tubig bago umayos ng upo. Napatingin naman ako kay Sister Mayeth na hindi pa rin umiimik at nakatingin lamang sa lupa. Ano ba ang nangyayari sa kaniya at tila gulat na gulat ito. Ayaw man lang nito magsalita sa amin.
"Sa pagdilat ko noong una ay nagulat na lang ako na nasa gitna ako ng karagatan,"simula ko, "Habang naroroon ako ay bigla na lang sumulpot ang sobrang laking pusit na sa tingin ko ay kasing laki ng ating bayan. Natatakot ako noong una sapagkat patuloy lamang ito sa pag-atake sa akin at sobrang pula na ng kaniyang mga mata. Galit na galit ito, samanatalang ako naman ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Wala akong kapangyarihan na pang-opinsa kung kaya ay iwas lamang ang ginawa ko sa mga panahon na iyon."
"Ang kraken ay naroroon pa?" Tanong ni Sister Mayeth. Napatingin naman ako sa kaniya at nakita itong kunot noo na nakatingin sa akin.
"Kraken ba ang tawag doon Sister Mayeth?" Tanong ko sa kaniya.
"Oo, siya ang pinaka-masama na kalaban sa Karagatan." Sambit nito, "Sabihin mo, natalo mo ba ito kung kaya ka bumalik sa iyong katawan?"
Nagulat naman ako sa paghawak nito sa aking balikat at hinahantay ang aking sagot. Bakit naman ganito kung umasta si Sister Mayeth? Hindi kaya ay masamang nangyari sa kaniya noong naroroon siya sa Karagatan? Sa tingin ko ay posible rin na iyon ang magiging dahilan.
"Hindi po,"tugon ko.
"Kung gayon, paano ka bumalik?" Tanong nito at umayos na sa pagkaka-upo.
"Tinulungan ko po ang prinsesa ng Karagatan na makawala sa lambat ng mga mangingisda at gamutin ang sugat nito." Tugon ko sa kaniya.
"Prinsesa ng Karagatan?" Sabay-sabay na tanong nila Sister sa akin.
"Opo." Tugon ko, "Sa pagkakaalala ko ay binigyan nila ako ng gantimpala na makahinga sa ilalim ng tubig at tinulungan na makapunta sa susunod na stage."
"Paano?" Tanong ni Sister Mayeth.
"Dinala nila ako sa Daloy ng Enerhiya."
"Daloy ng Enerhiya?" Tanong ni Sister.
"Opo, mukha itong buhawi kung titignan ito sa labas ngunit isa pala itong gusali na may maraming palapag sa loob. Sa tuwing aakyat ka sa itaas ay mas mabigat na enerhiya ang iyong mararamdaman. Sabi ng mga prinsesa,"hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla magsalita si Sister Mayeth.
"Mga prinsesa?" Tanong nito.
"Opo, mga prinsesa ng Karagatan." Tugon ko.
"Huwag mo sabihin na nakilala mo rin ang Hari doon?" Tanong ulit nito.
"Siya po ang nagbigay sa akin na kakayahan na makahinga sa ilalim ng karagatan, sapagkat ayon sa kaniya ay sinagip ko raw ang kaniyang anak na si Prinsesa Arita."
"Prinsesa Arita,"bulong ni Sister Mayeth.
"Bakit Sister Mayeth? May problema ba?" Tanong ko sa kaniya. Umiling lamang si Sister Mayeth sa akin at tumayo.
"Kailangan mo na magpahinga at babalik ka pa para sa susunod na ehersisyo." Serysong sambit nito.
"Ano ang nangyayari Sister Mayeth?" Naguguluhan na tanong ni Sister Jai. Kahit ako ay naguguluhan na rin sa inaakto ni Sister Mayeth, gulat at takot ang makikita mo sa kaniyang mukha sa hindi maipaliwanag na dahilan.
"Okay ka lang po ba?" Tanong ko rito, ngunit hindi man lang ito nag-abala na sagutin ang tanong ko at patuloy lang siya sa pagligpit ng kaniyang mga gamit.
Hindi na lang ako umimik at sumunod na lang sa kanila sa pag-uwi. Sa wakaas ay makakahiga na rin ako sa aking kama at makaka-tulog ng mahimbing. Ano kaya ang naging reaksiyon ni Tine noong paggising niya ay wala na ako sa kaniyang tabi, tapos ilang araw pa bago niya ulit ako nakita? Magagalit kaya iyon?
"Hayaan mo muna si Sister Mayeth, Kori. Sa tingin ko ay may naalala lang ito na masamang nangyari sa kaniya noong siya ay nag-eensayo po katulad mo." Sabi ni Sister Jai at hinaplos ang likod ko.
"Okay lang po Sister, naiintindihan ko naman,"tugon ko. Ngumiti lamang si Sister Jai at sinabayan na si Sister Mayeth sa paglalakad.
Ano kaya ang iniisip ni Sister Mayeth ngayon? Gusto ko man itong malaman ngunit ayaw niya naman magsalita tungkol doon. Siguro, tama nga si Sister Jai. May masama sigurong nangyari sa Karagatan noong mga panahon na siya pa ang nag-eensayo. Kakausapin ko na lang ito sa susunod, sa ngayon ay tatahimik na lang muna ako at magpapahinga. Sa pagbalik ko sa ilalim ng dagat ay gusto ko maabot ang tuktok ng Gusali na iyon at kung hanggang saan lamang ang aking makakamit. Isa pa ay nangako ako sa mga prinsesa na babalikan ko sila.
Ilang sandali pa ay malapit na kami sa kung saan kami natutulog lahat. Nakita ko si Sister Kara, na nagwawalis sa likod nito. Hindi niya siguro napansin na papalapit na kami kung kaya ay bigla na lang nito itinaas ang kaniyang walis at tinutok sa amin.
"Sister Mayeth? Sister Jai?" Sambit nito at yumuko.
"Kumusta po Sister Kara?" Tanong ko at ngumiti sa kaniya.
"Kori!" Sigaw nito.
Itinapon na niya ang kaniyang walis sa tabi at tumakbo sa akin sabay yakap, "Namiss kita anak ko!" Saad nito. Napangiti naman ako sa ginawa niya, at yinakap ito pabalik.
"Namiss din po kita Sister Kara."
Ilang sandali pa lamang ay bumitaw na ito sa pagkaka-yakap sa akin ay inayos ang buhok ko. Tinignan nito ang buong katawan ko kung may sugat ba ako o galos.
"Okay ka lang ba? May masakit ba sa iyo?" Nag-aalala nitong tanong. Hinawakan ko lang ang kaniyang balikat at ngumiti.
"Sister Kara, huwag niyo po kalimutan kung ano ang kapangyarihan ko." Sambit ko.
Napatigil naman si Sister Kara sa kaniyang ginagawa at umayos ng tayo. "Oo nga pala, nakalimutan ko." Tugon nito. "Pumunta na tayo sa kwarto mo nang makapag-pahinga ka na."
"Paalam at Salamat sa inyo, Sister Jai at Sister Mayeth."
Tumango lamang si Sister Jai sa akin at ngumiti, habang si Sister Mayeth naman ay nanatiling nakatalikod at hindi yata ito maka-imik.
"Anong nangyari kay Sister Mayeth? Naging pasaway ka ba?" Tanong ni Sister Kara sa akin habang paakyat kami sa kwarto ko.
"Sister? Bakit ang sama ng iniisip mo sa akin? Ganiyan ba ako?" Tanong ko rito.
"Siguro." Tugon niya at nauna na maglakad.
Napatigil naman ako at hindi makapaniwala na nakatingin sa kaniyang likod.
"Bilisan mo na riyan!" Sigaw nito.
Napa-iling na lamang ako at sumunod na sa kaniya.
"Magpahinga ka na riyan, dadalhan na lang kita ng makakain dito mamayang gabi." Sabi ni Sister Kara at hinalikan ako sa noo.
"Salamat po, Sister." Sambit ko at ngumiti. Tumango lamang ito at magla-lakad na sana palabas ng pinto ng kusa itong bumukas.
"At bakit ngayon ka lang Kori!" Sigaw ng isang babae mula sa pinto, at walang iba kung hindi ay ang kaibigan ko na si Tine.
Padabog na pumasok ito sa loob ng kwarto ko at masama akong tinignan.
"Hindi ka man lang nag-abala na gisingin ako upang magpaalam? Anong klaseng kaibigan ka?" Sigaw nito, "Pinag-alala mo 'ko! Akala ko ba at ikaw ang bahala sa akin ngunit bakit naman ganito? Bakit iniwan mo 'ko dito sa kwarto mo at paggising ko ay wala ka na!"
Hindi ko na ito pinatapos pa at tumayo na lang sabay yakap sa kaniya. Alam ko naman na lambing lang ang katapat ng babae na 'to at wala ng iba.
"Pasensiya ka na, Tine. Hindi ko rin ganoon kami kaaga aalis ni Sister Mayeth." Paliwanag ko.
"Kainis ka naman eh!" Sigaw nito at yinakap na rin ako pabalik.
"Sabi ko nga at ako bahala sa iyo, hindi ko naman inaasahan na alas tres yata 'yon ng umaga tsaka kami umalis ni Sister." Paliwanag ko sa kaniya.
Kumalas naman ito sa pagkaka-yakap at tinignan ako.
"Okay naman ba ang pag-eensayo mo?" Tanong nito. Tumalikod na lang ako sa kaniya at pabirong bumuntong hininga.
"Teka,"sambit nito, "Huwag mo sabihin na hindi maganda ang naging resulta? Hindi ka na punta sa susunod na stage? Ibig sabihin ba nito ay babalik ulit doon bukas agad?"
Hindi lang ako umimik at umupo na sa aking kama, sumunod naman si Tine at hinawakan ang balikat ko.
"Ano ka ba! Magsalita ka nga!" Sigaw ni Tine.
Pigil na pigil ko sarili ko na 'wag tumawa ngunit hindi ko talaga mapigilan ito. Parang natatae na ang kaniyang mukha at halos hindi na maipinta.
"Sira ka!" Sigaw nito at hinampas ang balikat ko.
"Wala kasi akong sinabi na hindi maganda ang resulta ng pag-eensayo ko,"sabi ko.
"Ang lalim ba naman ng buntong hinga mo, sino ba hindi mag-aakala na ganoon?" Tanong nito at inirapan ako.
"Okay lang naman,"saad ko, "Stage 2 na."
"Buti naman at Stage 2." Lumalaki ang mga mata nito na nakatingin sa akin at halos magka-pasa ang aking hita sa hampas nito.
"Pangalawang stage ka na?" Sigaw niya sabay tayo sa aking harapan.
"Hindi ba halata? Kung wala pa ako sa pangawalang stage ay wala ako rito ngayon." Paliwanag ko.
"Hindi kapani-paniwala!" Sigaw nito.
Bigla naman bumukas ang pinto at pumasok roon si Sister Jai na naka-kunot ang kaniyang noo.
"Paumanhin sa pag-disturbo sa inyong usapan mga Dalaga ngunit napaka-lakas ng boses niyo. Paalala, may mga madre tayong nagda-dasal sa mga oras na ito." Saad ni Sister Jai.
"Pasensiya na po,"sabay na sabi namin ni Tine.
"Hihinaan na po namin ang aming boses." Dugtong ko.
"Mabuti naman kung ganoon."
Umalis na si Sister Jai at naiwan na lang kami ni Tine dito sa kwarto. Tahimik lang kaming dalawa at wala yatang balak magsalita.
"Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa pangalawang stage ka na Kori,"sabi ni Tine at humiga sa aking kama, "Sa loob lamang ng dalawang araw ay nasa pangalawang stage ka na."
"Hindi ko rin alam kung bakit ngunit siguro ay dahil na rin ito sa mga bagong mga kaibigan ko sa mundo na 'yon." Tugon ko.
"Bagong mga kaibigan?" Tanong ni Tine. Lumingon naman ako sa kaniya at ngumiti.
"Hindi ka makakapaniwala sa aking mga nakilala sa mundong iyon."
"Ano ba 'yon? Sino ba sila? Hindi mo naman siguro sasabihin na isang sirena, hindi ba? Na kunwari na punta ka sa isang palasyo ng karagatan na may mga prinsesa at Hari. Tapos, sila iyong nagbigay sa iyo ng kapangyarihan na mapunta sa stage 2." Sumbat nito at umirap sa akin.
Paano nito nalaman ang tungkol diyan?
"Paano mo alam?" Tanong ko rito habang naka-kunot ang aking noo. Taas kilay na napatingin naman ito sa akin at umupo.
"Teka, 'wag mo sabihin na totoo nga 'yon sinasabi ko?" Tanong nito.
"Totoo lahat ng sinabi mo. May nakilala akong mga hari at prinsesa doon sa mundong iyon at sila ang gumabay sa akin sa lugar na kung saan pwede ko mapataas ang aking stage. Teka, paano mo nalaman iyan?" Tanong ko sa kaniya.
"Wala akong alam. Hula ko lang iyon."
"Kung hula mo lang 'yan ay tama ka." Sambit ko.
"Seryoso?" Sigaw nito. "Ang swerte mo!"
Napa-irap na lang ako sa inasta nito at umiling. Kahit kailan ang bata talaga nito.