"Handa na ba ang lahat?" Tanong ni Ariane habang nakatingin sa aming tatlo. Kasalukuyan kaming naghahanda nila Elfrida at Minerva para sa huling labanan. Balak namin maglakbay patungo sa kaharian namin na kung saan naghihintay ang aking mga magulang. Ayon kay Ariane, hanggang ngayon ay wala pa ring kaalam-alam ang mga iyon. Wala pa rin silang alam na may kaalaman na ako patungkol sa aking pagkatao. Paminsan-minsan ay bumabalik daw sila Okuri para ikwento sa kanila ang ginawa ko, sa ngayon, pinilit namin ang mga ito na magsinungaling. Noong una ay ayaw pa nga sana nila pumayag, ngunit sa kadahilanan na ako naman ang kanilang binabantayan ay wala silang magagawa. Isang malawak na ngiti ang gumuhit sa aking mga labi. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na makaramdam ng pagkasabik dahil dito. Ma

