Lumipas na ang halos isang linggo simula noong nilagnat ako. Nagulat nga ako dahil bigla na lang lumitaw si Yizun sa harap ko at sinabing hindi na raw muna ako papasok. Nais daw muna niya akong magpahinga at huwag gumawa nang ikasasama nang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung ano ang punto noon pero sinunod ko na lang. Si Yizun na iyon eh, ang namamahala sa paaralan na ito. May magagawa pa ba ang isang katulad ko? Nandito ako ngayon sa aking silid at nagbabasa nang libro. Hindi ko alam bakit binigay sa akin ito ni Elfrida, sabi niya ay dapat lang daw magbasa ako nang mga librong tungkol sa pag-ibig at hindi puro libro nang paaralan. Ano naman ang mapupulot ko sa mga ganitong klaseng libro? Hindi ako interesado sa pag-ibig at wala akong plano. Ngayon ay wala akong magagawa kung hindi ay sundi

