Chapter 15 - Beastra: Bungee Jumping

2223 Words
Chapter 15 - Beastra: Bungee Jumping Damn, I overslept again. It's 9:30 already, and Vince will be here soon. I quickly went in the bathroom to brush and shower. During the first semester, I grew closer to the both, I also met some of their friends and of course, Archer is still that oh-so-serious person, tho he also sometimes goof around which makes me not to wonder any more how him and Vince are friends. I wore a fitted white shirt and a denim jumper pants. I dried my hair and as usual tied it in a messy bun. Tamad lang talaga akong mag-ayos. I slipped on my white rubber shoes when someone knocked at the door. I quickly took my white tote bag and walked on the door to open it. "for a while" I said before going to the kitchen to drink some water, I carried Azlan and put him in his carrier. "woke up late?" "Yeah" I locked the door then and we walked down the building. "Did I wear the right outfit for my burial?" I joked. "Yeah, you look good. Ready to be pushed off from a bridge." "Daan muna tayo sa shelter, doon ko muna iwan si Azlan." Sa shelter kasi pwedeng makisalamuha o makipaglaro ang mga alagang aso o pusa sa mga hayop doon sa shelter na hindi pa naa-adopt. For exposure narin daw ng mga rescued animals at para rin hindi ma-depress ang mga ito kaya bukas ang shelter sa lahat na gustong mag-alaga, mag volunteer o laruin ang mga hayop, at kung gusto rin silang i-adopt. Minsan ko ng iniwan doon si Azlan dati at masaya naman siya sa mga nakakalaro niyang kagayang niya na mga pusa. "Magandang umaga, Amy. At sayo rin Azlan." Bati ni Sally isa sa mga nagvo-volunteer sa shelter. "Good morning. May pupuntahan kasi kami at wala akong mapag-iwanan kay Azlan. Pwedeng dito muna siya?" "Oo naman! May date kayo ng boyfriend mo? Sana all meron" naka ngiti niyang kinuha sakin si Azlan. "Hala hindi. Kaibigan ko nga pala, si Vincent. Vincent, si Sally nagvo-volunteer dito." "Ay, kaibigan lang? Bakit hindi ano?" makahulugang sabi nito pero tinawanan ko nalang at ngumiti nalang din naman si Vince. Oo aaminin ko, na-attract din naman ako dito kay Vince but we're good friends now, just like the old young days, at isa pa di muna yan ang dapat kong isipin, mag-aaral pa 'ko hindi yung mga ganyan, istorbo lang yan sa buhay. "Mauna na kami, Sally." "Saan tayo?" "You'll see." "May bagyo ba ngayon? Ba't makulimlim?" hindi kasi mainit ngayong araw pati iyong simoy na hangin. Siguro nga dahil malapit ng mag-december. "I don't know, wala naman silang binalita. But it's good tho that it isn't hot today." Napatingin ako sa bintana nang mapansin kong hindi na pamilyar sakin ang lugar. Paakyat ang daan na nasa tabi ng bundok, bale yung kaliwang parte namin ay bundok at sa kanan naman ay ang dagat. May ganitong parte pala ang probinsiya? Hindi kasi ako masyadong lumalayo kabang namamasyal ako nun at sa resort lang din naman anf lagi kong pinupuntahan. "Hala, nasaan na tayo? Parte parin ba ito ng Bellaron Province?" "Yeah. Just a bit farther from the city." "Can I?" tinuturo ang bintana para buksan ito, pero siya na ang nagbukas nito nang may pinindot siya malapit sa steering wheel. Sinalubong ako ng malamig at sariwang hangin di gaya sa siyudad na puro usok. Inilabas ko ang aking kamay para pahanginan ito nang marinig ko ang tawa ni Vince. "What?" "You're like a kid." Nagulat naman ako nang binuksan niya ang sunroof ng kanyang sasakyan. "Go on." "What?! Are you serious?" kahit gusto ko namang tumayo at mas malanghap pa ang hangin e may konti naman akong hiya no. "Go ahead, Amira. You can stand on the seat." Ani lamang nito saka natawa. I hesitated for a while but ended up removing my shoes and standing up through the sunroof. Kitang kita ko ang lawak ng dagat at ramdam ko ang sariwang hangin. I lifted up my arms to felt the breeze. If only I can be free like this forever. If only I am like that eagle conquering the sky with its wings and freedom. Humawak ako sa bubong ng sasakyan saka ipinikit ang aking mata at ninamnam ang hangin na tumatawa saking mukha. Tumingin naman ako sa likuran nang may marinig akong bumusina at naroon ang isang pick-up truck at may iilan ring nakatayo sa likod nito at kumaway ang mga bata sa akin kaya kinawayan ko rin sila. "We're almost there." Bumaba na ako saka tumingin sa kanya. "That was fun. May mga bata rin sa likuran natin." "San nga pala tayo?" "We'll eat an early lunch since it's already almost 11." Napatingin ako sa sign ng pinasukan naming lugar "Beastra Adventure Park" "Adventure Park?" hindi pa ako nakakapunta sa mga ganito, pero mukhang exciting. "Yeah, are you up for it?" "I've never been to one before" e pano hindi naman ako lumalabas ng bahay diba. Pumasok kami sa isang restaurant sa loob ng park at doon kumain. It is a Local Restaurant that serves that pride foods and dishes of the Bellaron Province, but of course some Filipino foods are still present. "Hey try this one." Naglagay si Vince ng shrimp sa plato ko, hindi ko alam kung paan ito niluto o ano ang mga ingredients since it is a product of this province at wala naman akong alam dito. "What this?" "Shrimp Calla Arte. That's what they call it.... and don't ask me how they cooked it coz I also don't know Amira, this resto is the only one that serves that here. But it's a good one, maybe the best one I've ever tried." The food looks good and appetizing so I ate it and he's right. I can't describe the taste because various flavors or whatever ingredients they used are exploding in my mouth. Honestly, this one is better than the shrimp recipe I've tasted at our own resto. After we finished eating, we went to a mini museum, it is also situated inside the park. The museum contains te history of the province, various historical things and weapons used during the WWII. Several manuscripts, books, and letters made by soldiers and historical people were also displayed. A tour guide assisted us and narrated stories about the things in the museum. "Let's go." Pumunta kami sa registration desk. I looked at the tarpaulin wherein the activities they offer are listed. "What do you want to do?" he asked but I have no idea. "Um. I don't know?" "Alright then, let's go for the easiest one first so you can warm up." Nauna kaming pumunta sa cable car. Tumingin ako sa linya nito hanggang sa dulo nito, paakyat ito papunta sa isang station sa kabilang tuktok ng bundok. Napahawak ako sa braso ni Vince, excited ako pero baka maputol yung linya ng cable car diba tas mahulog kami at mamatay. Hala, may mga pangarap pa ako! "Umm. Vince? A-are you really going to kill me now?" tumawa lang ito. "Not yet. This one's the easiest, Amira. There's more." Hindi nalang ako nagsalita nang simulan nilang ikabit ang aming safety gear at binigyan rin kami ng mga instruction. "You'll be fine, Amira." Nangaasar nitong sabi. Nakikita ko na dati ang mga ganito sa TV at internet, at oo gusto ko ring i-try kasi parang ang thrilling at parang ang saya. Pero nakaka kaba pala kapag nassa spot kana. But still, I wanna try it tho. Pag talaga namatay kami dito, papatayin ko ulit si Vince. Habang paakyat ang cable car ay binawi ng ganda ng tanawin ang aking pag-aalala. Mabuti nalang at hindi mainit ngayon. Napatingin ako sa baba, nakakalula ito, pero ang ganda, ang gandang manatili dito sa taas at makita ang buong kapaligiran. Tanaw rin namin dito yung dagat. Malapit samin ang mga nagsisitayugang tuktok ng mga puno, at mga ibon na lumilipad at nakadapo sa mga sanga ay pansin rin. "Still afraid?" "Wala naman akong sinabing takot ako a." I rolled my eyes at him but he's still plastering that boyish smile of his. "If you say so, Amira." Inenjoy ko na lamang ang tanawin hanggang sa makarating kami sa Station 2. Kinalas nila kami mula sa cable car saka chineck at naglagay ulit sila ng dagdag na gear. "Zipline?" excited kong tanong kay Vince kasi matagal ko ng gustong i-try mag zipline. "Yup?" Tumingin ulit ako sa linya na pagkakabitan samin. Pababa ito at ang haba ng linya. "Kuya, safe po ito?" tanong ko sa nagse-set up samin. "Opo ma'am! Wala pa pong nadisgrasya dito." "Baka ako pa lang po mauuna, kuya." pabiro kong sagot. "Hindi yan ma'am. Basta sundin niyo lang po yung instructions." Nang ikabit na nila sakin ang tali na nagkokonekta sa linya, napatingin ako kay Vince kasi bigla akong kinabahan. At yung adrenaline rush ko nangibabaw agad. "V-Vince.." sambit ko na lamang. Dalawang magkatabing linya kasi ito at talagang pwedeng magsabay ang dalawa. "o bakit? You look excited kanina a, pero para ka ng naiiyak ngayon" tawa lamang nito. "Vince!" sinimangutan ko siya "You'll enjoy it, Amira" he flicked my forehead, hindi naman masyadong masakit. Kasi pag nilakasan niya talaga sisipain ko na para siya na mauna. Ewan per effective naman ata yung ginawa niya kasi nadivert yung pagaalala ko. Pumikit ako nang i-release nila kami saka ako napasigaw at mahigpit na napahawak sa gear ko. "Open your eyes, Amira. Spread your arms" sigaw ni Vince na katabi ko upang marinig ko. Sinunod ko naman ito at nagmulat ng mata. Oh my gonnn! I spread my arms at dinama ang hangin, tumingin ako sa baba at kita ko ang mga tuktok ng puno, at nang makalagpas kami roon ay ang dagat naman. Wow.... I was left speechless. Nasa tapat na kami ng dagat at hindi kakahuyan. Napangiti ako sa saya. Ang ganda, at nasa ibabaw pa talaga kami ng dagat! Ganito ba ang tanawin na laging pinapanood ng mga ibon kapag malaya silang lumilipad sa himpapawid? They get to see such beautiful view everyday. "Brace yourself. We're near." Sinunod ko ang instruction kanina kaya humawak ako sa gear ko para sa paghinto namin. Umakyat kami sa hagdan ng bundok ng station na iyon papunta sa Station 3. "Vince! Nakita mo yun kanina? Ang ganda sa dagat. Tapos ang taas natin. Hala pwedeng umulit?" He laughed at my reaction. "Wait till you see the next one. You'll cry." "What's next?" curious kong tanong ngunit matagal itong sumagot hanggang sa makarating kami sa tuktok at naroon ang mga magse-set up samin. "Bungee jumping" nakangiting sabi ni Vince at mataman itong naka tingin sakin. The thought slowly processed in my head and when I realized what it is. "No way you're gonna throw me off that cliff Hermoso." "It's going to be fun, Amira." Akala ko imposibleng mararanasan ko ito kaya ginusto kong i-try. Ngayon na nandito na sa harapan ko, parang gustong kong umatras. Taena rin nitong si Vince e, papatayin talaga ako nito! I sometime hate myself for wanting thrills and challenges in my life. I always wanted to try new. And this one is challenging me, and it thrills me. The adrenaline inside me is making it more exciting, but there's still a fear at the back of my head. Maybe, it's better to try it now than to regret it later, I guess? Dagdag experience narin para sa resume. Kidding, alam kong hindi pwedeng ilagay sa resume ang experience na ito. "You go first." "You can say 'no' if you don't want to, Amira" seryosong sambit ni Vince. "No, I wanted to try this one before because I thought it will never happen. But now you're introducing it to me. Medyo nakaka-kaba pero... I think it will be worth it." paninigurado ko. I've always wanted to try extreme sports and activities, parang gusto ko nga ring mag sky diving e o mag paragliding, kaso baka pag dumating na naman na pwede kong gawin mga yun kakabahan na naman ako. Sinimulan na nilang ayusin ang gears ni Vince at pinanood ko lamang ito. Napahinto ako sa paghinga at saka sinundan siya ng tingin nang tumalon ito. "Kuya sure po kayong safe yun ha." "Naku wag po kayong mag-alala ma'am, ayos lang po ang nobyo ninyo." "Hala kuya hindi ko po siya boyfriend, kaibigan ko lang po yun." "Sus. Kayo talagang mga bata ngayon, hindi pa umaamin." Ani nito at hindi ko nalang pinansin alangan namang makipag away ako kay manong diba, baka itulak ako pababa e. "Ako na po sunod." Sambit ko nang maalis na nila ang mga kinabit kay Vince. Agad naman nila akong inayusan ng gear. "Are you sure about this Amira? You can still back out." "Gusto kong itry Vince. So shut up, baka magbago pa isip ko, at baka pagsisihan ko rin sa huli na hindi ko sinubukan." "Kuya, nalagay na po ba lahat ng safety gear niya. Maayos na po?" "Oo iho." Lumapit siya sakin saka isa-isang chineck ulit ang aking gear at ang lubid na kinabit sakin. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko saka tumingin sakin. "Are you really going to do it?" "Isang tanong mo pa Vince isasama na kita sa pagtalon ko." banta ko sa kanya saka natawa lamang ito ng mahina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD