Habang Naglilibot libot ako upang hanapin ang aking classroom ay may nakabangga akong estrangherong lalaki.
"Arayy!" Napasigaw ako sa sakit
"Back off" walang kaemo-emosyong sabi ng lalaki habang nakatanaw sa malayo
Aba! Anlakas din ng sapi ng lalaking to ah! Kapal ng mukha! Nakakabwisit! Di man lang ako tinulungan ng mokong! Arghhh!
Pagproprotesta ko sa isip ko ngunit hindi ko na iyon isinatinig.
"I said, leave the damn alone! Get out of may sight!" Muling sabi ng nakabangga sa'kin
Tumayo ako at naglakad na parang walang nangyari. Habang nasa baba ang aking tingin ay may nakabunggo ulit ako.
Napaupo nanaman ulit ako habang nasa ilalim pa din ang mga paningin. At ang tanging nakikita ko lang ay ang mamahaling mga sapatos ng nakabangga sa'kin.
"Hey miss, I'm sorry" sabi ng lalaking nakabangga ko. "Let me help you I'm really sorry" aniya habang naglalahad ng kamay sakin.
Arghh! Kairita!
Tiningnan ko lang ang kamay niya at sandaling tinignan ang mukha ng lalaki at tumayo at nagpatuloy sa paglalakad.
Pupunta na sana ako sa nakitang CR ng may makabangga naman ulit ngunit sa pagkakataong ito ay babae na. Nakasuot ito ng pang guro na damit.
"What do you think you're doin?!" Agad na galit na sigaw ng aking ikatlong nakabangga "Watch your step!" Dagdag pa niya ngunit di kona pinatulan.
Nagpatuloy ako sa paglalakad habang walang emosyon. May narinig pa akong sinabi ng babae ngunit di ko na iyon binigyan ng pansin at pumasok nalang sa nakita kong CR at nag-ayos ng sarili.
Napakamalas naman ng araw na'to! Ahh! Imagine? First day at di pa nagsisimula ang class ko tapos tatlo na agad yung nakabangga ko?! Sinong hindi mababadtrip? Hayst makaalis na nga.
Lumabas na ako ng CR at nagpatuloy sa paghahanap ng classroom ko. Ngunit kanina pa ako naglalakad, ni hindi ko man lang nahanap ang building ko.
Aishh! Nakakapagod naman to! Hindi ako pwedeng mapagod!
Umupo muna ako sa nakita kong bench. Pagkalapit doon ay namangha ako dahil sa ganda ng lugar. Hinayaan kong maglakbay ang aking mga mata upang mapagmasdan ang kagandahan ng parteng iyon ng paaralan.
Umupo ako saglit at di ko namalayang nakatulog na pala ako. Hanggang sa may yumogyug sa'kin, nagmulat ako ng aking mga mata. Bumungad sa akin ang isang napakagandang babae. Napakaputi niya at ang kinis ng kaniyang mga kutis. Para siyang anghel na napadpad dito sa lupa dahil napakaamo ng kaniyang mukha.
"H-hey" bati niya at ngumiti "Wala ka bang Class miss?" Sabi niya
"A-ahh hehe sorry. Kanina ko pa kasi hinahanap yong building ko pero hindi ko makita dahil napakalaki ng school kaya naupo ako at di ko namalayang nakaidlip pala ako hehe" mahabang pagpapaliwanag ko.
"ah I see hehe are you a transferee here?" Sabi niya at tumango naman ako. "What grade kana ba?"
"1st year college." maikling sagot ko
"Kyahh! We're same naman pala and we're both new here hehe!"
"Really?"
"Yeah. Would you mind if I join you? Sabay na tayong maghanap if okay lang?"
"Yeah sure. Why not?"
Gaya ng napag-usapan ay naglakad na kami at tumungo sa pinakamalapit na building na natanaw namin na hindi ko pa naman napuntahan.
"Hey! here! Eto na yung building. And andito din yong name ko!" Masayang sabi niya pa "By the way what's your name pala?" Maya maya'y tanong niya.
Muntik ko ng makalimutang di ko pa pala alam ang pangalan niya.
"A-ahh Kharriel Tryvz."
"Oh what a wonderful name! And I'm Aljen Forster" pagpapakilala niya din.
"Yeah. Likewise" sagot ko
Tumalikod na siya at may hinanap sa screen ng parang tv at maya maya'y matamis ang ngiting bumaling sakin.
"Goshh! We're classmate!" Sabi niya at nginitian ko lang siya. "Tara na! We're late na pala" yaya pa niya habang kinakaladkad ako papuntang pinto.
Kumatok siya ng dalawang beses at maya maya'y parang automatic na bumukas ang glass door.
Pagkapasok namin ay agad na humingi ng tawad si Aljen sa lecturer dahil late kami at agad namang bumulausok ang ilong ng lecturer. Hinawakan ni Aljen ang kamay ko at muling kinaladkad sa bakanteng upuan at pareho na kaming umupo.
"Both of you! Stannap!" Sigaw ng lecturer habang dinuduro kaming dalawa ni Aljen.
Agad namang tumayo si Aljen at ako naman ay nanatiling nakaupo at nagbaba ng tingin na para bang walang pakialam sa sinabi niya.
"You! Miss I don't know who you are! Stannap!" Muling sigaw niya habang galit na galit na tumitingin sakin.
Nag angat ako ng tingin at nagsalubong ang aking mga kilay ng mapagtantong iyong lecturer na nakabangga ko kanina ay ang mismong lecturer namin ngayon.