"Class dismissed"
Agad na nagsi-ayusang ang mga kaklase ko ng gamit nila at mabilis na lumabas ng room namin. Grabe sobrang bilis naman mawala ng mga kaklase ko, nauna pang lumayas kesa sa professor. Tatlo nalang kaming natira ni Trixie kasama na ang professor namin.
Medyo may katandaan na ang professor namin this last subject at pansin ko rin na nahihirapan siya sa pag ayos niya ng mga gamit niya lalo na at may dala pa siyang projector at mga wires. Meron namang projector na naka attach sa ceiling ng room, kaso sa kasamaang palad pagkatapos gamitin ng buong araw ay di na gumana sa last class. Mabilis ko siyang nilapitan at tinulungan sa pag ayos ng mga gamit niya. Napaangat naman siya ng tingin at ngitian ako na puno ng pasasalamat "Thank you so much Miss-?"
"Miss Santos po ma'am" nakangiting sagot ko.
"Ay sorry iha, ikaw pala yung new student kanina? pasensya na at mabilis akong maka limot ng pangalan. I'm really not good with names" Hingin paumanhin niya.
"Oh no it's alright ma'am no problem, really. Hatid kona po kayo sa may faculty room"
"Talaga? okay lang ba sayo yun?" nahihiyang sabi niya. "yes ma'am it's okay. Mukha na po kasi kayong nahihirapan sa mga dala mo"
Bakas naman ang tuwa sa may katandaan niya ng itsura dahil sa sinabi ko. "Salamat iha" Nginitian ko nalamang siya at tinapos na ang pag-aayos ng gamit niya.
"Bes" rinig kong tawag sakin ni Trixie sa likod "Ano yun?"
"Mauuna na ako bes, sorry hindi kita masasamahan, kelangan ko na kasing umuwi dahil dumating na sa bahay yung mga gamit ko from the city" Bigla naman akong nahiya sa narinig ko. Trixie went all this trouble para lang lumipat ng school kung saan ako, dahil lumipat ako.
"Hey it's okay. Alam ko anong tumatakbo diyan sa isip mo kaya tigilan mona yan. Okay lang sakin at ginusto ko to. Okay?" ngumiti ako at napatango sa sinabi niya. Kilalang kilala na nga talaga ako ni Trixie, sa itsura ko palang ay alam na niya kung ano ang tumatakbo sa isip ko. "Sige bes, ingat ka ha?" paalam ko sakaniya.
"Ikaw din! wag kanang lalakwatsa bruha ka, may pagka ala dora ka pa naman" natawa nalamang ako ta kumaway sakaniya.
"Bye po ma'am" paalam niya sa professor namin. Nginitian naman siya ng prof namin at sinabihan ding mag-ingat pauwi
"Tara na po?" yaya ka sa prof namin
"Alam mo ba ikaw palang unang estudyanteng nag offer sakin ng tulungan ako at ihatid pa sa faculty room" pag-oopen up ng prof habang naglalakad kami papunta sa faculty room.
Gulat na nilingon ko ang may bahid na lungkot na itsura ng prof namin.
"Kahit anong gawin namin ay karamihan sa mga students namin ay mga suwail at walang respeto. Lalong lalo na si Mr. Cohen. Nako! sakit talaga sa ulo ang batang iyon, kahit saang gulo nalang sangkot. Matalino naman sana kasi hindi nilalagay sa tamang lugar ang priorities" Napakunot ang noo ko dahil sa sinasabi ng prof namin. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya pero sayang nga talaga lalong lalo na at matalinong tao pala ang tinutukoy niya. Maraming bata sa mundo ang gustong mag-aral at makapag tapos, pero meron talagang mga tao na walang pake-alam sa privilege na meron sila.
Sayang naman kung ganon. Ang babait ng mga professor ng school nato, wala akong nakasalamuhang masungit simula kanina hanggang matapos ang klase ko. Lahat ng mga prof namin ay super approachable and understanding kaya hindi ko maintindihan kung bakita ganon. Napansin korin nga na karamihan sa kanila ay hindi nakikinig at may kaniya-kaniyang ginagawa. Yung iba lumalabas tapos hindi na bumabalik.
And speaking of classmates na hindi na bumabalik, pasimuno sa lahat yung lalaking nakasalubong ko kaninang umaga, natapos lang ang buong araw na class ay hindi ko parin siya kilala.
"Thank you talaga ulit iha, nako inabala pa kita"
"Nako wala ho yun" sabi ko sa prof ko nang mapatong ko na sa desk niya ang kaniyang mga gamit.
"Mauuna na po ako" Paalam ko.
Shucks, ang dilim na pala. Hanggang 6 kasi ang klase namin and since Ber months na, mas maagang dumidilim ang paligid.
Dali dali kong tinahak ang daan palabas ng school, wala na akong may nakasalubong na students sa daan ko palabas which is weird dahil sa paaralan ko noon kahit gabi na ay may students parin na pauwi na galing sa pagtambay sa library para mag aral.
Pinagkibit balikat ko na lamang ito at nilakad na ang daan ko pauwi. Hindi naman kalayuan ang bagong tinitirhan namin mula sa school, meron ding tricycle na pwede kong sakyan pero sayang naman kung gagastos pako kung malapit lang rin naman kaya nilakad kona.
Habang nag-lalakad ako ay napansin ko na sobrang konti lang ng mga taong nakaka salubong ko. Ang kaninang daan na puno ng mga tao ay tila ghost town pala kung gabi. Nakaramdam ako ng kaba dahil hindi ko pa kabisado ang lugar nato dahil bago palang kami, kaya ang alam kolang ay ang daan pauwi. Malapit naman na ako pero ang mas nagpa kaba sakin ay nang maalala ko na liko-liko ang lugar papunta doon at medyo lib-lib. Wala naman sigurong mga lasinggero.
Napahinga namana ko ng maluwag nang pagpasok ko sa daan patungong bahay ay wala namang mga tambay sa labas na umiinom. Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad nang bigla nalamang nawalan ng ilaw ang mga street lights kung kaya biglang dumilim ng sobra ang paligid. 'tangina naman wag ngayon' Hindi ko kabisado ang daan at isang maling hakbang ko lang ay siguradong kanal ang hulog ko.
hinintay ko munang makapag adjust ang mata ko sa dilim at nang may makita na akong kaunti ay nag simula na akong mag lakad ng dahan-dahan. Parang bulag akong nanga-ngapa ng kaunti dahil hindi talaga malinaw ang paligid.
Lord makauwi lang ako ng safe hindi na talaga ako mag stestay late.
Pero naman kasi alangan namang iwan ko lang yung professor namin kanina.
Habang patagal ng patagal ay kinakabahan ako. Hindi ako sigurado kung tama ba ang daang tinatahak ko.
Sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko pero mas lalo lang nadag-dagan ang kabang nararamdaman ko nang may makita akong itim na kung ano na biglang gumalaw sa gilid ng mga mata ko
"May tao ba?" tawag ko sa kawalan. Huli ko lang na realize na napaka estupido ng ginawa ko dahil ngayon ko lang naalala na may cellphone pala ako na pwede kong gamitin ang flashlight para makita ko ang daan.
'Nako Clarita, gandang ganda ang prof mo kanina sa speech mo pero bobo ka pala sa totoong buhay' sit ko sa sarili. Dali dali kong inabot ang cellphone ko para paandarin pagkatapos kong maramdaman na tila may naglalakad sa likod ko. Mabilis kong tinaas ang cellphone ko nang mapaandar ko ang flashlight ng phone ko.
Hangos na nilibot ko ang cellphone ko sa paligid para tingnan kung ano ang gumagalaw pero wala naman akong nakita dahil ako lang mag-isa sa paligid. Tahimik lang din ang mga kabahayan sa di kalayuan .
"Hindi ba uso ang kandila sa mga tao dito?" weirdo naman pala ng mga tao dito.
Napag-desisyunan konang ipag patuloy ang paglalakad at wag na problemahin kung bakit walang flashlight/emergency light or kung ano mang light na ginagamit ang mga tao dito.
Medyo malapit na rin ako sa bagong ini-istayhan namin nang maramdaman ko ang malakas na hangin sa likuran ko, yung tipong parang may dumaan. Biglang nanayo ang balahibo ko sa braso at batok nang maramdaman ito. Mabilis ko itong nilingin at nakitang wala namang taong naka sunod sakin. 'Kelangan kona talagang umuwi' sigaw ko sa isip dahil hindi na maganda ang kutob ko sa mga nangyayari. Hinanda kona ang sarili ko para tumakbo pauwi nang bigla akong mabunggo sa harap. Napatigil ako nang mapatingin ako sa harap at nakita ang isang lalaking sobrang gwapo na nakangiti sa harap ko.
"Are you lost miss?" ngising sabi niya habang dahan-dahang lumalapit sakin
"Um actually hindi , pauwi nako" sagot ko at sinubukan siyang iwasan. Nagulat ako nang bigla niyang pigilan ang braso ko. Papapisik ako sa sobrag lamig ng mga kamay niyang humawak sakin. Napatingin ako doon at napansin ang sobrang puti niyang balat. Sa sobrang puti niyon ay tila walang dugo ang dumadaloy doon.
"Do you want me to accompany you home?" nilapit nito ang mukha sa tenga ko at bumulong. Agad na nanayo ang balahibo ko sa katawan nang dumapi ang malamig niyang hininga sa leeg ko.
"Bitawan moko" sambit ko at binaklas ang hawak niya sakin at mabilis na tumakbo. Lahat ng danger signals ko sa utak ay andar na andar na. Ramdam ko ang adrenaline na sumisipa sa katawan ko dahil sa kaba na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit pero doble ang takot na nararamdaman ko ngayon.
Nagulat ako nang bigla akong lumipad at huli na nang mapagtanto ko na may humagis sakin. Napaubo ako nang sumalpok ako sa hindi ko alam. May lumabas din na basa sa bibig ko pero dahil sa sobrang dilim ay hindi ako siguro kung ano yun pero sa hula ko ay dugo.
"Let's play for a little while" Narinig kong pabulong na tila dinadala ng hangin na sabi ng lalaki kanina. Sinubukan kong hanapin kung nasaan siya pero hindi ko siya makita dahil sa sobrang dilim. Inikot ko ang paningin ko. Malakas akong napasinghap nang pag tingin ko sa gilid ko ay nakasalubong ko ang pares ng pulang mata na nakatitig sakin.
"Boo" bulong niya at hinila ang buhok ko pakabila at mabilis na sinunggaban ang leeg ko. Malakas akong napasigaw nang maramdaman ang sakit ng pag tusok ng matatalim niyang ngipin sa leeg ko. Sinubukan kong kumawala pero sobrang lakas niya.
Jusko po. Anong klaseng tao ang nakasalubong ko ngayon at sobrang malas ko naman at ako pa.
Napaiyak nalamang ako habang hindi parin tumitigil sa pag laban pero habang tumatagal ay naduduling na ang paningin ko dahil sa dami ng dugong nawawala sakin. Nanghihina narin ako. Dahan-dahang nahulog sa gilid ko ang mga kamay kong kanina ay lumalaban.
Ang bata kopa po. Panginoon, kung naririnig mo po ako. Kahit ngayon lang po.
Biglang tumigil ang sakit na nararamdaman ko sunod ay may narinig akong ingay at mga ungol. Natumba ako sa gilid. Agad kong sinapo ang leeg kong patuloy parin ang pag agos ng dugo. Ramdam ko ang pang hihina ng katawan ko. Napapikit ako ng mata pero agad ding napamulat nang may marinig na nag salita
"Mate" Rinig kong sabi ng kung sino. Sinubukan kong buksan ang mga mata ko pero hindi kona talaga kaya, kaya hinayaan ko nalamang ang sarili kong magpa lamon sa dilim.
--
✘ R E A D ✘
✘ H E A R T ✘
✘ C O M M E N T ✘
✘ F O L L O W M E ✘