Chapter 2

795 Words
Today is Monday. Kararating ko lang dito sa opisina, isa pala akong Manager sa isang sikat na Real Estate company dito sa Pilipinas at isang branch lang nito ang pinagtratrabahuan ko dito sa Tuguegarao City. Hi manager!, sabi ni Jeff isa sa mga sales agent dito. Flowers for you po, sabi niya. Well, isa siya sa makulit pero mabait na manliligaw ko pero mas bata kasi siya sa akin kaya hindi ko sineseryoso ang panliligaw niya, parang kapatid lang ang turing ko sa kaniya kaya hinahayaan ko na lang. Nang biglang may padabog na pumasok, what the h!- nagulat ako kasi pagtingin ko akalain mo naman yung tinatakasan ko nung Saturday sa Mall nasa harapan ko ngayon kaya napanganga ako kasi mas lalo siyang gumwapo sa paningin ko, lalo at nakasuot siya ng office attire, nakatitig din siya sa akin, at unti-unting lumalapit na parang slow-mo, hanggang sa in-iangat nya ung kamay niya, ehem! I am Clyde Zedric Fjord(pronounce as Fiord) the owner of Fjord real estate and you are my manager right? What is your name? Ako naman tinignan ko yung kamay niya, nag-aalangan ako kung tanggapin at napalunok pa ako, pero nakipagshake hands pa rin ako kasi siya pala ang may-ari. I-I’m Daphne Lorenzo sir, welcome po dito sa Tuguegarao City branch sabi ko sabay smile. Hindi pa niya tinatanggal ang kamay niya sa akin, nakatingin siya sa akin na parang lalamon ng buhay kaya ehem! Yung ka-kamay ko po sir, sabi ko, nakita kong namula siya at kinamot ang batok niya pero para siyang yelo, ang lamig niya kung tumingin. Sorry! Sabi niya, at mukhang nakabawi agad at sinabi niyang I want to have a word with you in private Ms. Lorenzo. Kaya naman si Jeff na kanina pa dito ay biglang napatayo. And who gave you flowers? Didn’t I paid you to work not to flirt with somebody else during work? Tanong niya, Seryoso ko naman siyang tinignan at sinabing, “with due respect sir, this is my private life and it has nothing to do with the company if a suitor will give me flower”. By the way sir he is Jeff dela Cruz one of the best sales agent here in our branch. Pero ang lupet lang dahil hindi niya pinagtuunan ng pansin kaya sinenyasan ko na si Jeff na umalis na. Kinakabahan ako pero hindi ko ipinapahalata, nakatingin siya sa akin na parang yelo, kaya natatakot ako. Parang hindi naman niya ako maalala kaya natutuwa naman ako kahit papano. Ms. Lorenzo, I came here because my grandfather, who happens to be the chairman of the board sent me here because he wanted to teach me a lesson. I am already 32 years old at gusto na niya akong mag-asawa, dahil hindi ako sumipot sa engagement party kuno kaya ipinadala niya ako rito, at pagbalik ko dapat may-asawa na daw ako or else mawawalan ako ng mana. Pero who cares, I have my own business and I don’t f*cking need my inheritance. Pero sa atin na lang yun Manager, and don’t you dare to tell anyone about this or else I will fire you! Sabi niya habang nakatingin sa akin ng walang emotion, he is cold and intimidating, ganito pala siya pagdating sa trabaho, parang hindi siya yung lalaki nung isang araw na makulit at naghahabol sa girlfriend niya daw. O-okay sir, yes sir. Is there anything else sir? Tanong ko, Yeah! Please prepare my table in this office, I want here inside your office Ms. Manager sabi niya. Bakit ganyan siya makatingin walang emotion pero napapalunok siya, parang gusto niyang kumain. Okey sir, right away po. Please sit here for awhile, we just quickly arrange your table sir. Do you need anything else like coffee? Tea?, Daphne” Black coffee please, definitely no sugar” sabi niya kaya nagpaalam muna ako at pumunta nang pantry para ipagtimpla siya nang kape, at binilinan na rin ung ibang staff na iprepare ang table ni sir Clyde who happens to be our company president. Mr. President eto na po ang coffee niyo, If you need anything just let me know. I will just continue my work sir, sabi ko at hinarap na ang mga papeles at computer to double check kung tama ba yung mga transactions nang mga sales agent. Parang hindi ako makagalaw dahil may nakatitig sa akin pero kailangan kong magfocus sa work, buti na lang pumasok na yung mga naglagay ng table ni sir at pinalinis ko na rin, dumating ang isang lalaki tinawag niyang Butler Edward, siya ang nagdala nang laptop at documents ni sir. Mukhang ito na rin ang secretary ni Mr. Clyde dahil may sarili silang business deals na pinag-uusapan, at hinayaan ko nalang sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD