Chapter 4

881 Words
Simula nung araw na yun, alam ko na ang mga dapat gawin at iwasan sa kaniya kaya naman nakapag-adjust na ako sa loob ng office kasama siya. Kung minsan nagugulat na lamang ako dahil nagdadabog siya, o kaya pabigla-biglang dumating ang Butler niya kapag may inuutos siya. Natatakot ang mga empleyado sa kaniya kaya hangga’t wala silang transaksyon sa office ng manager ay hinding hindi talaga papasok sa office namin. Hapon na at 3 weeks na rin ang nakalipas simula nung dumating ang asungot na si Devil na manyak dito sa branch namin. Uwian na, kaya tatayo na sana ako nang bigla niya akong hinila. Wait po sir, bakit po? Sabi ko, Ms. Lorenzo come! follow me!, may pupuntahan tayo sabi niya at kinaladkad na ako at pinaupo sa shotgun seat sa kotse niya. Wow! Ang astig nang sports car niya Lamborghini. For the first time na makasakay ako nito. Masaya sana kung boyfriend ko ang may-ari kaso si Devil eh kaya nakakatakot. Sobrang lamig dito sa loob, ang cold na nga ng personality ang cold pa ng car, ba’t di na lang kaya siya tumira sa Antarctica. Sumakay na siya at nag-start nang mag-drive. Pero teka, papuntang downstream to ah. Alam ko kasi taga downstream ako. Hanggang sa narating namin ang Baybayog at pumasok kami doon. Sa may papuntang bayan ng Baggao ang daan na tinatahak namin. Alam ko pero hindi pa ako nakakarating dito, kaya ninanamnam ko na lang ang daan, kaso hapon na kaya papadilim na. Hanggang sa huminto kami sa isang hotel, bumaba na siya kaya bumaba na rin ako, sinundan ko siya. Pumunta kami sa restaurant nang hotel. Uupo sana ako sa kabilang mesa kaso hinawakan niya yung kamay ko at pinaupo sa table niya, katabi nang upuan niya. Malinis ang restaurant at parang mga turista lang ang nagpupunta rito at may iba rin na kumakain sa ibang tables. Nagtataka man ako pero hinayaan ko na lang siya. Ayaw kong tanungin dahil baka makatikim na naman ako nang bagsik ng Devil na manyak kaya bahala na. 30 years old naman na ako kaya hayaan mo na kung anakan niya ako eh di ok lang tutal pa- expire naman na tong matris ko bayaan mo at nang magka-lahi naman kung sakali yung anak ko - Ms. Lorenzo and you? Ai demonyo na kalabaw! Sabi ko dahil sa pagkagulat, nakita kong nag-smirk siya sabay ngisi, mamaya nang matikman mo ang Demonyo pabulong na sabi niya sa tainga ko sabay smirk, tinatanong ko kung anong gusto mong kainin, sabi niya. Kung anong order mo Sir Clyde ganoon na din po ako. Sabi ko. It’s Clyde and remove the “po” wala tayo sa opisina sabi niya. O-ok Clyde. How about you Ms. Lorenzo, ah never mind your my kitten anyway, sabi niya kaya sumimangot na lang ako sabay tungo. Pag-angat ko nakita kong nakatitig siya sakin sabay lunok at binawi ang tingin. Devil na manyak! talaga sabi ko sa isip ko. Pagdating ng order namin ay kumain na kami, ang sarap pala nang mga pagkain dito. Nakakatuwa dahil ngayon ko lang nakita si Devil na kumain at magana pa. Sir Clyde, bakit po pala tayo nandito? Tanong ko. Hindi mo ba nakikita sinasamahan mo ako, because you’re the manager, alangan namang yung mga sales agent ang isama ko? Sabi pa niya, sabagay may punto naman siya. How about your secretary sir? Ba’t di na lang po siya ang isama niyo?, tanong ko. I want your company and that’s final!, sabi niya kaya kumain na lang ako. After we ate, dinala niya ako sa nag-iisang presidential suite ng hotel. Malaki naman at mukhang malinis, pumasok din siya. Ano po ginagawa natin dito? Bakit nandito rin po kayo? Tanong ko. 8pm na pala kaya hindi ko namalayan. We will sleep here, then tomorrow we’ll going to explore this place, how’s that?,sabi niya. Pero sir wala po akong gamit at bakit po ako dito matutulog kasama niyo?, tanong ko. It’s because wala nang ibang vacant room, unless gusto mong papakin ng lamok sa labas my little kitten?, napalunok na naman siya. Don’t worry about your things, our things, nagpabili na ako kay Butler Edward he’s on his way now. Now, go and take shower!, sabi niya kaya kinuha ko na lang ang isang bathrobe at pumasok na nang banyo. Pang-couple talaga ang suite kaya lahat ng gamit pang-couple. Naligo ako ng 30 minutes para sakto paglabas ko matulog na ako. Usually 9pm kasi ako natutulog kaya binagalan ko talaga ang pagligo ko. Nang lumabas ako, ai palaka! Gulat ako at nauntog sa isang matigas na bagay, yun pala ung dibdib ni Devil, bato ba to? ba’t ang sakit nang noo ko? enjoying my scent?, tanong niya kaya itinulak ko siya at dali-daling hinanap ang drawer baka my hair blower. Narinig ko pa siyang mahinang tumawa bago pumasok nang banyo. Manyakis talaga! sabi ko sa isip ko. Naghair dryer na ako at nagsuklay tapos humiga na ako. Malaki naman ang kama kaya hindi naman siguro kami magdidikit. Maliit lang akong babae kaya maliit lang ang space ko. Nahiga na ako at dahil sa pagod nakatulog na ako agad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD