Dahan-dahan akong lumabas ng stage. Sinuot kong maayos yung maskara.
Maraming bulong-bulungan ang kumawala.
"Sino siya?"
"Bago ba yan?"
"Bakit naka maskara?"
"P*ta. Sexy ah."
"Ang hot niya kahit naka maskara."
"Mama Ses sino yan!?"
"Ang kinis."
"Kutis mayaman Pre."
Iilan lamang yan sa mga bulung-bulungan ng mga lalaking naka titig ngayon sa stage.
Nag simulang tumugtog ang musika ng dahan-dahan.
Unti-unti kong giniling ang aking bewang.
Kasabay ng pag tulo ng luha ko. Buti na lang at naka maskara ako kaya walang nakaka pansin.
Iniisip kong minsan ko ng hinusguhan yung mga p*kpok. Minsan ko na silang sinabihan ng masasakit na salita.
Pero hindi pala lahat ng ganto may gusto. Oo mukhang malanding tingnan pero sana pala hindi ko na hinusgahan sila.
May mga sekreto kasi silang tinatago. Mga sekretong sobrang sakit pala. Na hindi natin alam dahil puro husga lang ang ginagawa natin.
Minsan sa buhay natin ma re-realize natin yung mga mali nating nagawa. Pinag sisihan natin dahil nangyayari na siya satin.
Lalong lumakas ang tugtog sa Club kasunod ng pag giling ko pa ikot sa entablado.
Yung traydor kong luha ayon. Tuloy parin sa pag patak.
May mga lumapit para hawakan ako. Kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Tumakbo ako paalis sa entablado.
Tumakbo ako at naka rating sa dressing room agad akong nag palit ng matinong damit. Hindi ko kaya.
Hindi ko kaya.
Hindi to tama.
Hindi ko masikmura.
Hindi. Hindi. Hindi.
Nag bihis ako ng pantalon tshirt at jacket.
Pag bukas ko ng pintuan sinalubong ako nila Mama Ses.
"Anong nangyari Kara?"
Bungad niya sa akin.
"Sorry. Sorry. Sorry di ko po kaya."
I sincerly said.
Tapos tumakbo ako.
Tumakbo ako palayo.
Hindi ko alam kung saan ako dinadala ng paa ko pero tuloy parin ako sa pag takbo habang bumabagsak ang luha kong di ma ubos-ubos.
Sorry.
Sorry di ko kaya.
Sinasabi ko sa sarili ko habang tumatakbo.
Hindi ko alintana ang mga tingin sa akin ng mga tao.
Natigil ako sa pag takbo ng madapa ako.
Dito na mas lalong lumakas ang hagulhol ko at napa salampak sa kalsada.
"Ayoko na!"
Sigaw ko habang umiiyak.
Hindi ko kasi kaya. Hindi ko masikmura.
Lalong umagos yung luha ko ng maalala ko yung nangyari kay Mama kanina.
She need an surgery.
"Miss?"
Nagulat ako ng may mag salita. Pag tingala ko isang lalaking mukhang di maka basag pinggan ang nakita ko. He looks like a nerd.
"P-punasan mo yan luha mo."
Na uutal niyang sabi at nang makita niyang diko kinuha yung panyong binibigay niya ay hinawakan niya ang kamay ko tapos nilagay yung panyo tsaka siya nag madaling umalis.
His weird.
Pero pag alis niya ginamit ko yung panyong nasa kamay ko nagaling sakanya.
Pinunasan ko yung luha ko. Ano bang iniiyak-iyak ko? Wala namang magagawa tong p*steng luha na to para ma resolba yung problema ko.
Kaya napag pasyahan kong tumayo at pinagpag ko ang sarili ko. Tsaka ako nag lakad pabalik ng Club.
At the end dito parin ang bagsak ko.
Pag dating kp don agad hinanap ng mata ko si Mama Ses.
Nang makita ko siya sa may gilid tapos naka tingin sa akin na guilty ako.
"Mama Ses. Sorry po sa problemang dinala ko. Alam ko pong masakit ma iwan sa ere. Sorry po talaga."
Pag susumamo ko.
"Oo na sige na. Wag mo lang uulitin. Pero dahil buisness is buisness sorry rin pero wala kang sweldo ngayon."
Halos manlumo ako sa sinabi niya.
"O-okay lang po."
Sabi ko at yumuko.
"Kung sigurado ka parin sa desisyon mo, bukas pwede ka paring sumayaw."
Sabi niya at tinapik ang balikat ko tsaka umalis.
"Anong nangyari sayo?"
Sabi ni Shaina na kababa lang sa stage galing sa pag sayaw. Imbis na sumagot ay nilagpasan ko siya.
"Huy."
Sabi niya at hinabol ako.
"Shaina, paano niyo na titiis to?"
Tanong ko habang nag lalakad pa diretso sa dressing room.
"Nasanay na ako? Para sa mahal ko sa buhay. Para sa mga pangarap ko na gusto kong matupad."
Sabi niya at ngumiti ng mapait.
"Sana kaya ko rin."
Sabi ko at umupo ng maka punta na kami sa dressing room.
"Syempre kaya mo. Kung kaya ko mas kaya mo dapat. Isipin mo yung pamilya habang ginagawa mo yon."
Sabi niya.
"Salamat ha?"
Sabi ko.
"Para saan?"
Tanong niya.
"Kasi tinutulungan niyo ako."
Sabi ko at ngumiti ng totoo.
"Walang anuman yon. Mula ng pumasok ka dito tinuring ka na namin na pamilya."
Sabi ni Shaina.
"Salamat talaga."
Kinabukasan.
Papunta ako sa simbahan ngayon. Simula nung may mangyaring masama sakin at sa pamilya ko hindi na ako naka lapit sa Diyos.
Mag sisimba ako baka sakaling mabawas-bawasan yung mga kasalanan ko sa Diyos.
Nandito na ako ngayon sa doble door ng simbahan nag da-dalawang isip kung papasok ba ako o hindi.
Pakiramdam ko pag pumasok ako ma lulusaw ako.
Pakiramdam ko sobrang dami ko ng kasalanan at di na ako tatanggapin ng Diyos.
Papasok ba ako hindi?
"Pumasok ka na."
Para naman akong nilabasan ng kaluluwa sa sobrang gular ng may nag salita sa gilid ko.
"A-ano, ang ibig kong sabihin k-kanina pa kita nakita diyan parang nag dadalaqang isip p-pumasok."
Ma utal-utal na sabi ng lalaki sabay tingin sa mga kuko niya.
"I know you. Your the guy who gave me handkerchief yesterday."
Sabi ko sakanya sabay turo-turo pa.
"A-ako nga."
Sagot niya.
Tapos nag lakad na siya papasok ng simbahan.
Kaya pumasok narin ako.
Walang masyadong tao ngayon. Bilang na bilang. Wala naman kasing misa. Kaya pumwesto ako sa pangatlong row sa harap.
Agad akong lumuhod.
"O Diyos ko. Patawarin mo ako sa lahat ng pag kakasala ko. I know im not that good when im above others. Sorry for all the mistakes i did. Sorry rin po sa mga susunod kong pag kaka mali."
Tumulo na ang luha ko dahil sa na iisip kong plano ko mamayang gabi.
Balak kong maging ganap na Dancer na ng Club.